𝕮𝖍𝖆𝖕𝖙𝖊𝖗 26: New Civet System

67 6 1
                                    


🥀🥀🥀🥀🥀🥀🥀🥀🥀🥀

*****Jenas

Nagkahawak kamay kaming naglakad ni Misis sa hallway papuntang conference room, Bawat makasalubong naming mga agents mula sa iba't ibang sector ay napapatingin sa amin, napapangiti at nag bibiro

"Wow sana all" biro ng nadadaanan namin, natatawa nalang kaming mag asawa sa reaction nila sa amin. Nang buksan ko ang pinto ng conference room ay nag palakpakan angmga tao 😑

"Wooohhh!!" sigawan nila at masigabong nag palakpakan, napakamot ako sa ulo ko habang natatawa sa katarantaduhan ng mga kasamahan ko, nasa likod ko si Cerrah, nagtatago ng kahihiyan

"I shield mo ko Love" bulong nya

"Mga baliw" wika ko sa kanila, umupo kami sa selected chair namin at nag hintay pa ng kaunti. Totoo nga ang sinabi ni Blake, wala pa yung mga grupo ko.

Nag hintay pa kami ng konti nang dumating naman sina Blass, Chase, Coco, Sylfaen, Avyghale at Smile, muli ay pinalakpakan sila ng tropa kaya naki join nalang ako.

"Proud ka pang late ang grupo nyo ah" natatawang bulong sakin ni Sendo

"Ka grupo ka rin nila diba?" tanong ni Sagara

"Ka grupo ako nila Flare" sagot ni Sendo, 😑 balimbing duh...bumukas din ang pinto sunod sunod na pumasok sina Saenz, Aluza at Segen

"Wooohhhh!!" sigawan nila habang napalakpak "Ang galing ng leader nyong si Jenas!" sigaw ni Sendo

"Hoy! di ako leader" sigaw ko

"O tama na mga batang hamog" 😑 bagot na wika ni Ren at tumayo sa harapan "Nasan si Blake?"

"Hinatid lang yung utol ko sa barracks Sup!" sigaw ni Wise

"Sige hintayin natin sya ng kaunti" sagot ni Ren. 🙄 may favoritism tong superior namin. Charrr!

Nakakabagot palang mag hintay, tapos may lumilipad lipad na lamok sa harapan ko, napakunot ang nuo ko, nakakairita yung lamok masyadong maligalig. Humanap ako ng matigas na bagay pang patay ng lamok pero, baka magalit si Ren kapag magusot ko ang files na nilaan nila para sa amin.

Hindi ako maka focus sa lumilipad lipad, feeling butterfly tong lamok na to, bakit kaya may lamok dito? Nag hanap ako ng timing para patayin iyon, Nang maaninag ko na ito sa harapan ko ay agad kong pinatay ang lamok gamit ang dalawa kong palad para maipit ito, kasabay non ay napansin kong bumukas ang pinto at pumasok si Blake, Oo dre, nag slow motion lahat ng pangyayari. Nakadama nalang ako na parang na ground ang kamay ko dahil sa pinatay kong lamok.

"A!!" sigaw ko "Bakit may kuryente to?!"

"Ay pu!!" mura ni Blake, napatingin ang lahat sa kanya kasama ako. "Pinatay mo yung lamok?" tanong ni Blake

"Oo" sagot ko "Bakit?"

"Patay" sabat ni Wise, napakamot sa ulo si Ren

"Bat mo?"

"May reserve kayong sample diba?" tanong ni Ren kay Diether

"Yes sup" sagot ni Diether

"New Tech natin yan!!" mukhang nalugi si Blake

"Ano ba to? bakit ganon nalang kayo ka concern sa lamok compared sa akin, di man lang kayo concern na baka ma dengue ako" reklamo ko

"Dre di pangkaraniwang lamok yun eiii" kamot ulong reklamo ni Blake "Eeeeeeee!" padabog syang umupo

"Panong di pangkaraniwan? anak mo ba yun?" tanong ko, nagtawanan ang mga Civet sa sinabi ko.

"Yung sinira mong lamok Jenas" huminga ng malalim si Ren "Paki bukas yung files na nasa table nyo, Blake, release the reserve mosquito drone"

"Mosquito drone?" tanong namin at kanya kanya kaming nag buklat ng polypropylene folder, duon ay tumambad sa amin ang letrato ng lamok at ang zoom in components nito

"Yung sinira mong lamok Jenas ay isang micro drone na gagamitin for survaillance" 😣 halata sa kilos ni Ren na nag pipigil lang syang mag wala sa harapan namin dahil sa pag patay ko sa precious lamok nila 😑 "Nag kakahalaga lang naman ang trial na inimbento nina Wise, Blake at Diether ng 800 thousand pesos" 😳 nagulat ako sa presyo

"Patay... salary deduction" bulong ni Sendo

"Luh! sinira ni tanga yung micro drone" sabat ni Sendo habang naka patong ang palad sa balikat ko at malakas na pinamukha sa tainga ko ang pag sira ko sa device

"Malay kong lamok!" depensa ko 😑 nag kamot ako ng ulo "Bakit kasi lamok yan!"

"Dahil damn! ang mahal ng materyales dre!" reklamo ni Blake

"Bobo on the go" wika ni Sendo, sinungkit ko ang dalawang butas ng ilong ni tanga "Aray ko!" lumayo sya sa akin

"Malay ko ba?! ang hirap sa inyo ang hilig nyo mang surprise!" reklamo ko

"Kami nga tong sinurprise mo!" sabay sabay na sagot ng mga kasama ko

"Trial palang naman diba?" tanong ko "I report nyo nalang na pumalpak, bumangga sa pader kaya nasira" palusot ko

"Nice!" nakangiting sabat ni Flare pero nag poker face din agad 😑 "Ang Galeng, parang hindi agent mag palusot" Tumungo tungo si Ren habang sarcastic na nakangiti 😅

"Civet" biglang sumeryoso si Ren, biglang may nagliparang lamok sa paligid namin "Ang mga lamok na yan ang mag sisilbing survaillance camera nyo sa paligid nyo. Hindi na kayo requires mag suot ng contact lense dahil..." lumunok ng malalim si Ren "Naire record dito sa HQ yung mga...
Nakikita nyo" 🙄 alam kong hindi comfortable si Ren na banggitin sa amin kung bakit tatanggalin ang contact lense sa gear namin. Sigurado akong may mga pagkakataoon na nairerecord sa HQ ang pag se sex ng miyembro namin at syempre 😅😅😅 pati sex life ko heheh. "Ang mga lamok na ang bahalang maging mata namin at ng mga back up nyo na nag mo monitor sa inyo. May mga pagkakataong hindi ma access ng Bureau ang balwarte ng kalaban especially in your case Cerrah" napatingin kami kay Cerrah "Napaka risky ng trabaho mo dahil hindi namin mabantayan ang nangyayari sa paligid mo that' s why Wise and Blake proposed a new system which is na aprubahan na ng bureau kaya nag pondo sila sa sector natin. Tungkol naman sa communication nyo, may access na ang back up nyo sa monitoring field tungkol sa pag mu mute, unmute, clarity at quality ng sound na ipo produce at i ta transmit nyo. Ibig sabihin, hindi na nila kailangang i utos sa inyo na mag mute kayo dahil kung hindi nila kailangan ang sasabihin nyo ay pwede na nilang i disconnect basta basta ang line nyo. Kasama na iyan sa bagong system na pinrogram nina Diether at i expect by tommorow ay ma install na ng nasa monitoring field ang upgraded version ng system natin" paliwanag ni Ren "Nasa files ang lahat ng pwede nyong malaman about sa mosquito drone, specifications, limitations, components at iba pa. I hope pag aralan nyo ang nilalaman ng files pag uwi nyo sa kanya kanya nyong tinitirahan"

Nauwi lang sa mahabang diskusyunan ang meeting namin na talagang kinabagutan ko, sobra na akong napagod mag hapon dahil sa hindi nauubusan ng energy sa pag alis alis si Silent kaya naman parang gusto ko nalang na matulog pag uwi sa unit ko. Bukas nalang ako babawi sa asawa ko. Habang nag da drive ay napapapikit pikit na ako kaya naman inihinto ko ang kotse sa gilid ng kalsada

"What happened Jenas?" nag aalalang tanong ni Cerrah

"Inaantok na ako Love" matamlay kong sagot "Can I sleep for a while?" ngumiti si Misis at tinapik ang balikat nya, inilapag ko ang ulo ko sa balikat nya hanggang sa nakatulog na ako.

🥀🥀🥀🥀🥀🥀🥀🥀🥀🥀🥀
Guys
wag kayong mainip kung wala pa yung sweet moments nina Jenas at Cerrah, Kailangan ko kasing isali sa story yung mga not so important scenes para hindi kayo malito, like... yung sa mosquito  drone, kung di ko ikukwento kung para saan yon magiging unaware kayo diba? konting hintay lang at lalabas na rin ang sweet at away bati moments ng mag asawang sina Jenas my Love and Cerrah my Love
♥️♥️♥️♥️

#5 🅹🅴🅽🅰🆂.   (Jenas & Cerrah Book3) COMPLETED. 5th StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon