𝕮𝖍𝖆𝖕𝖙𝖊𝖗 87: Regret

17 0 0
                                        

Nag sisi si Jenas at sinisisi nya ang sarili nya kung bakit nilimot nyang hanapin ang asawa nya. Lahat sila ay nasa bureau na except kina Diether at Silent na nawawala ganon din sina Cerrah at Sinister.

Kasalukuyang nagpapagaling si Astrid sa HQ hospital ganon din si Khaleesi at Yvone na nagalusan, Sina Smile, Avyghale at Sagara ay nagpapagamot ng sugat mula sa pakikipag bakbakan.

Isinugod din si Astrid na dumugo ang tainga mula sa hiwalay na misyon

Pinag usapan ang plano kung paano mahanap, ma rescue o ma retrieve sina Cerrah

🥀🥀🥀🥀🥀🥀🥀🥀🥀🥀🥀🥀

*****Jenas

Iginala ko ang paningin ko sa paligid nang biglang namatay ang ilaw sa ballroom. Kahit na madilim ay nakikita ko ang paligid dahil sa night vision ang contact lense na suot ko.

Bang! Bang! Bang! Bang!

Mayroong nagpaulan ng bala sa paligid.

"Jenas" tila nanghihinang tawag ni Yvone sabay kapit ng mahigpit sa damit ko. "Tinamaan ako" sagot nya at halos matumba na kaya niyakap ko sya para alalayan. Nakipag barilan na rin ako habang hinihila si Yvone palabas ng venue, nararamdaman ko ang pagka basa ng damit ko dala ng magdurugo ng katawan ni Yvone. Nang mapansin kong dumating sina asegen, Sendo at iba pa ay bumaba na kami patungo sa hideout ni Coco sa garage.

Nang nasa garage na kami ay agad  lumabas ng patalon sa van si Coco

"Anong nangyari?" tanong ni Coco at inalalayan akong buhatin si Yvone papasok sa Van

"Natamaan sya ng bala" sagot ko.

"Bibigyan ko sya ng paunang lunas para mabawasan ang labis na pag agos ng dugo pero kailangan syang madala agad sa ospital" wika ni Coco at nag simulang gawin ang mga dapat nyang i apply kay Yvone. Pagkatapos ay may hinagis syang susi sa akin "Nasa tabi lang nitong van ang kotse ni Sendo, gamitin mo na para ihatid sa ospital si Yvone"

"Paano ang iba? baka may tama rin sila" tanong ko

"Papunta na ang medic at mga back up" sagot ni Coco. "Ang importante maagapan ang sugat ni Yvone" tinapik ni Coco ang balikat ko "Sige na Jenas"

.......

Dinala ko si Yvone sa pinaka malapit na ospital at nang mabigyan sya ng kaampatang lunas ay pina transfer ko na sya sa ospital ng mismong bureau namin.

Nang makarating kami duon ay dinala si Yvone sa isang room lulan ng stretcher, sumilip ako sa E.R kung saan nakita ko ang ilan sa mga kasamahan ko. Una kong nasipat si Astrid na nakaupo sa stretcher kasama si Flare habang nilalapatan ng lunas ang dumudugong tainga nya.

Sina Sendo, Smile, Avyghale at sylfaen ay magkakasama habang ginagamot ang mga daplis at maliliit na sugat sa kanilang braso, binti at paa.

Iginala ko pa ang aking paningin, nandoon na sina Coco, Chase, Sylfaen, Argel, Wise, Blake, Blass, Sagara

Sa kabila ay magkasama naman sina Segen at Khaleesi

Teka, nasan sina Diether at Cerrah?

Nasaan si Cerrah?

Agad akong nakadama ng kaba at tumakbo kay Coco

"Cozette, si Cerrah?" tanong ko. Napansin ko ang kabadong pagtingin ni Coco kay Chase kaya tumingin din ako kay Chase "Alam nyo ba kung nasan si Cerrah?" hindi sila sumagot "Ano! sumagot kayo! nasan ang asawa ko?!"

"Bok" tawag ni Flare at tumapik sakin "Kumalma ka lang"

"Paano ako kakalma? nawawala ang asawa ko?" tanong ko na galit, nag aalala, natatakot

"Kumalma ka lang. Let's assume magkasama sila ni Diether" sagot ni Sagara

"Assume?!" galit kong tanong "Paano kung may nangyari sa kanila?" tanong ko at sinuntok ang pader "T*ng-Ina naman oh!! bakit sa dami ng malilimutan ko asawa ko pa!" pinag susuntok ko ang pader

"Bok tama na Bok!" awat ni Chase. Hindi ako sumagot bagkus ay tumakbo palabas ng E.R nang hilahin ni Chase ang suot ko dahilan para mapaatras ako pabalik

"Saan ka pupunta?" tanong ni Chase

"Hahanapin ko si Cerrah" sagot ko at pumalag sa kanya "Bitiwan mo ko kung ayaw mong mag away tayo"

"Hindi kita bibitawan Bok, Malabo ang pag iisip mo" sagot ni Chase

"Edi mag suntukan na lang tayo!" sigaw ko.
Naglapitan ang mga kasamahan namin para umawat

"Tumigil ka na Jenas" mababang tono ni Flare "Pwede ba kumakma ka muna"

"Ang galing nyo mag salita" ngumisi ako "Palibhasa kasama nyo ang mga minamahal nyo pero kung kayo ang lulugar sakin sigurado ako mababaliw baliw rin kayo" Nag pupumilit ako na lumabas kahit pinipigilan ako nila segen, Sendo, Flare at Chase. Sina Wise at Blass naman ay nakaharang sa pinto

"Dre nasa ospital tayo wag kang mag eskandalo dito" sita ni Sagara

"Tigilan nyo ko!" sigaw ko "Palabasin nyo ko kung ayaw nyong magkagulo tayo!" sigaw ko

"Padaanin nyo ako!" natigilan kami ng mula sa likod nina Wise at Blass ay narinig namin ang boses ni Ren. Napatingin kami sa direksyon ng boses at nagbigay daan si Wise para makapasok si Ren kasama ang isang nurse. "Kakalma ka ba" wika ni Ren at kinuha ang isang injection na nasa tray na bitbit ng nurse na kasama nya. "O ako mismo ang tuturok ng pampakalma sa leeg mo?" banta nya. Binitawan ako ng mga kasama ko at lumapit sa akin si Ren

"Hayaan mo akong lumabas" mahinahon kong sagot peri isang malakas at malutong na sampal ang inabot ko kay Ren

"Nahimasmasan ka na ba?" tanong nya. Hindi ako nakasagot sa pagka bigla, at alam kong lahat ng tao sa E.R ay nabigla sa ginawa ni Ren, wala ni isa sa amin anh gumawa ng kahit anu mang tunog "Sa tingin mo papayag ako na aalis ka dito ng walang plano? Ano ako tanga?, Nawawalan na ako ng dalawang agents at ang isa pa sa kanila ay may hawak ng ledger tapos hahayaan kong dumagdag ka pa sa aalalahanin at hahanapin namin?" tanong nya. Napalunok ako ng malalim. Siguro nga ay nahimasmasan na ako ng kaunti. "Pwede bang bigyan mo ng sapat na oras ang mga kasama mo na magpagaling? Ha? Rivera? pwede?" hindi ako sumagot "Hindi naman namin hahayaang hindi makabalik si Cerrah at Diether dito, bigyan mo ako ng panahon na makapag set ng maayos na plano" Bigla nyang piningot ang tainga ko

"A-aaraayy" reklamo ko

"Kuhang kuha mo talaga ang inis ko Rivera" gigil na wika ni Ren at nang binitawan ang tainga ko ay tinuro ang abandonadong stretcher. "Humiga ka don, mag pahinga ka, umidlip ka at pag gising mo isasampal ko nalang sayo ang plano na pag uusapan ng Civet ngayon! dito mismo ako mag mi meeting"

"Sumunod ka na" mahina akong tinulak ni Sagara sa stretcher na tinuro ni Ren. Hindi ako makalakad sa kahihiyan 🫣 bwisit na yan. Hinawakan ni Sendo ang magkabilang balikat ko at tinulak ako ng marahan hanggang sa makarating kami sa stretcher

"Masarap ba ang malutong na sermon ni Madam?" nang aasar na tanong sakin ni Sendo "Atapang atao ka pa jan ah"

Umupo ako sa stretcher at huminga ng malalim

"Ano Rivera? gusto mo bang ihele at kantahan pa kita ng pampatulog?" banat nanaman ni Ren kaya agad akong humiga, pumikit at tinakpan ng braso ko ang mga mata para kumuha ng tulog.







#5 🅹🅴🅽🅰🆂.   (Jenas & Cerrah Book3) COMPLETED. 5th StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon