𝕮𝖍𝖆𝖕𝖙𝖊𝖗 51: Airsoft Love

40 2 0
                                    


🥀🥀🥀🥀🥀🥀🥀🥀🥀🥀

*****Cerrah

Habang tumatakbo kami palayo ay hinahabol kami nila Ren ng bala

"Shete!" sigaw ni Coco, Kumaripas kami ng takbo papunta sa mataas na bakod

"Bakit ang taas nito?!" sigaw ko, ang pagkakatanaw namin mula sa camp site ay mababa lang ito tapos napaka taas pala sa malapitan. Naramdaman kong may bumaril sa lupa malapit sa paa ko dahil ramdam ko pa ang pagtalsik ng lupa sa binti ko "Akyat! akyat!" sigaw ko sa taranta, siguro ito na ang parusa nila Ren dahil sa pag uusap namin ni Jenas kagabi. Biglang dumungaw mula sa itaas si Jenas at nag lahad ng kamay

"Cerrah! i angat mo ang mga kasama mo, hihilahin ko pataas, ako nang bahala sayo mamaya!" sigaw ni Jenas, ayaw kong mapahamak ang mga kasamahan ko dahil sa katigasan ng ulo ko kagabi kaya hindi na ako nag dalawang isip na tanggapin ang tulong ni Jenas, tutal sabi nya guide sya ng mga  trainees na matitigas ang ulo. "Tumakbo na kayo! takbo! takbo!" sigaw nya sa mga kasamahan ko.

*****Jenas

Nang makita kong nakalayo at nakapasok na sa kagubatan sina Astrid, Coco, Smile, Avyghale at Aluza ay dumungaw ako kay Cerrah na naka abang sa tulong ko, inilahad ko ang kamay ko para i angat sya, nang mahawakan ko ang kamay ng asawa ko ay kitang kita ko sa mga mata nya ang labis na tiwala. Hinila ko sya paangat pero napahinto ako, hindi ako makatingin ng diretso sa mata nya kaya napapikit ako...

"Mahal kita Cerrah" wika ko, napatingin sya sa akin "Pero sana maintindihan mo, gagawin ko to para sayo"

"Anong ibig mong sabihin Jenas?!" pasigaw na tanong ni Cerrah

"I'm sorry Mahal ko" tumingin ako sa ibang direksyon at binitiwan si Cerrah kaya nalaglag sya sa sitwasyong sigurado akong hindi sya masasaktan ng pisikal,

"Rivera!!" sigaw ni Cerrah hanggang sa mapuna kong napaupo na sya sa lupa. Tumayo ako para umalis na "Rivera!!" tili nya at tumayo "Wag mo akong iwan dito please!!" ramdam ko ang galit at lungkot sa tono ng boses ni Cerrah "Wag mo kong iwan" huminto sya "Ulit"

"Shit!" mura ko, hindi ko matiis ang asawa ko kaya naman muli ay pumuwesto ako para i angat sya pero...

"Rivera!" napahinto kami ni Cerrah at napatingin sa direksyon ng nag salita, si Ren at Kira iyon, may hawak na airsoft gun at papalapit sa amin "Akala ko ba nagkalinawan na tayo" Nagtatakang tumingin si Cerrah kina Ren "Paano matututo si Cerrah kung palagi mo syang tutulungan?!" galit na sigaw ni Ren "Gusto mo bang ma disqualify sya sa training at ma dismiss sa serbisyo?

"Oo" sagot ko, gulat na napatingin sa akin ang tatlong babae

"Jenas?!" tanong ni Cerrah "So all this time against ka parin pala sa idea ng pagpasok ko sa bureau?" umiling iling sya "Akala ko kaya mo ako tinutulungan dahil mahal mo ako ayun pala gusto mo akong i sabotage!"

"Cerrah!" sigaw ni Kira "Akala mo ba madali sa side ng asawa mo ang ginagawa nya? He was forced to help you here, to have your trust, and betrayed you sa kabila ng katotohanang mahal ka nya kaya ayaw nyang mahirapan ka sa training tulad ng nangyayari sayo ngayon, ayaw nyang masugatan ang emosyon at katawan mo, mahal ka nya sukdulang suportahan nya ang gusto mo kahit ayaw nya tapos ganyan ka mag isip kay Jenas?" tanong ni Kira

"Cerrah sa trabaho natin, hindi maiiwasang magkasakitan tayo, kaya kayo nagtraining ngayon para malaman nyo kung bakit kinakaya naming makita ang asawa o kasintahan namin na kapiling ang ibang babae, kung bakit kaya ng mga babaeng agents na makipag sabayan sa mga kalalakihan, kung bakit alam namin kung kailang kakapit o bibitawan namin ang kasamahan namin sa oras ng kamatayan" paliwanag ni Ren

*****Cerrah

Natameme nalang talaga ako, bakit parang pinag tutulungan ako ng tatlong to? pero hindi naman makitid ang utak ko para hindi ma absorb ang puna sa akin nina Ren at Kira, medyo may kirot na gumuhit sa puso ko nang marinig ko ang side comment ni Kira kay Jenas dahil... na guilty ako, dahil sa tampo at galit na nadarama ko sa asawa ko ngayon gawa nang pagse sex nila ni Silent Demetria ay natabunan non ang tunay na pag mamahal ko sa kanya.

"Ayaw naming lumaki lalo ang kasalanan ni Jenas sayo gawa nang issue nyo about Silent Demetria" wika ni Ren 😒 speaking of the witch "Kaya sasabihin ko sayo na plano ko lahat ng ginawa ni Jenas sayo ngayon, nakaplanong tulungan ang mga kasama mong makalagpas sa wall na ito pero dahil sa violation na ginawa nyo kagabi ay nilagyan ko ng parusa, kailangan ka nyang paasahin at iwan sa ere" tumingin si Ren kay Jenas "Pero dahil sa hindi ka matiis ng asawa mo, balak ka nanaman nyang tulungan kaya nag interfere na kami ni Kira"

"Kung hahayaan naming tulungan ka palagi ni Jenas, magigi kang unfair sa mga kasama mo Am I right?" tanong ni Kira "I know you're a competitive woman Cerrah at alam kong hindi ka cheater" nagkatinginan lang kami ni Kira "Finish your training with dignity, proved to us na karapat dapat kang maging miyembro ng Civet Elite hindi dahil sa asawa mo ang isa sa pinaka magaling na miyembro nila kundi dahil sa pinaghirapan mo kung ano ang kinalalagyan mo ngayon"

"Make your husband and Rihan proud of You" pahabol ni Ren, nang marinig ko ang pangalan ng anak namin ni Jenas ay tila nag flash back lahat ang masasayang ala-ala naming tatlo bago ako pumasok sa bureau.

"Ahhh!" tili ko ng  baril barilin  ni Ren ang inaapakan kong lupa kaya napatalon talon ako "What the hell Ren?" tanong ko

"Lesson number one" wika ni Ren "Magkakaroon ka ng kasamahan, kaibigan at makakasangga sa training, pero hindi maaalis ang katotohanang magagawa mong mag sakripisyo para hindi sila mapahamak" duon napagtanto ko ang point ng obstacle course namin kahapon.

Oo nga, mahirap ang training pero natuto akong makisama, sabay sabay naming hinarap ang hirap, sabay sabay kaming nag success, sabay sabay kaming gumawa ng paraan para maka survive sa day one ng training pero ngayon... wala ni isa sa kanila

"So the Lesson number two is" nakatulala kong wika "Kahit naging malapit sa puso ko ang mga kasama ko ay magagawa nila akong pagtaksilan at traydurin"

"Bakit mo nasabi yan?" tanong ni Kira "Tinraydor ka ba ng mga kapwa mo trainee?" napaisip ako, tinraydor nga ba nila ako?

"Kapag naging panatag ka sa tao ay nabu build ang trust at pag mamahal mo sa kaniya o kanila, sa oras na alam mong mapapahamak kayo ay hindi mo magagawang unahin ang sarili mo" wika ni Ren "They did not betrayed you Cerrah, dahil sa pagmamahal mo sa mga kasama mo, para hindi sila mapahamak at para makatakas sila ay Tinraydor mo ang sarili mo, Nag sacrifice ka para sa kanila kahit na alam mong may maiiwan kang asawa, anak o pamilya sa labas ng misyon" tumibok ng mabilis ang puso ko sa katotohanang sinabi ni Ren, napatingin ako kay Ren

"That's the lesson number two" wika ni Kira "After happiness is Sacrife"

"Cerrah, We will give you 10 minutes para makatawid sa wall na iyan, after 10 minutes ay susugod ulit kami ni Kira, don't expect any help to Jenas, isipin mong kayong trainees lang ang magkakakampi at lahat ng taong makakasalamuha nyo ay kalaban" paliwanag ni Ren habang naglalakad sila ni Kira papunta sa liblib na lugar upang mag abang ng oras ng pag lusob sa akin "Wag ka nang magpatagal pa dahil hindi na kami magiging mabait sayo, wala na kaming palugit na i ga grant at kapag mahuli ka namin o matamaan ka ng bala ng airsoft gun, you will start sa pinaka unang obstacle course na tinahak nyo"

🥀🥀🥀🥀🥀🥀🥀🥀🥀
Ayun naman pala
Di naman pala traitor si Jenas
pinoprotektahan lang nya ang asawa nya
pero,
Hindi naman kasama sa plano yung nangyari sa kanila ni Silent diba?
Diba? lasing nun si Jenas?
ginusto nilang mag sex kaya nag sex sila
not knowing na nasa ilalim lang ng kama si Cerrah
umiiyak dahil nagtataksil ang kanyang asawa

#5 🅹🅴🅽🅰🆂.   (Jenas & Cerrah Book3) COMPLETED. 5th StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon