𝕮𝖍𝖆𝖕𝖙𝖊𝖗 37: RAID

56 2 0
                                    


🥀🥀🥀🥀🥀🥀🥀🥀🥀🥀

*****Jenas

Naka next move na kami, at hindi ko nagugustuhan ang nakikita ko, Anong nakain mo Cerrah bakit hinayaan mong lantakan ng matandang lalaki na yan ang dibdib mo? 😡 nag iinit na ako sa galit, gusto kong puntiryahin ang lalaking iyon agad agad, gusto kong ako ang unang papatay sa kanya bagamat hindi naman sya ang pinaka target namin ay gusto ko syang tamaan sa sentido.

Gusto kong sumugod pero hinihintay ko ang utos ni Flare, hindi rin ako makagawa ng hakbang dahil naka antabay sa akin si Segen at walang balak na iwaglit ako sa paningin nya hanggat hindi ako kumakalma.

"Bok" wika ni Segen "Wag kang magagalit sakin, ayaw ko lang na mapahamak ka, ayaw kong maulit na may importanteng kaibigan ang mamamatay sa paningin ko. Ayaw kong magaya ka kay Faraday" Paalala nya sa akin, naiintindihan ko si Segen, isa sya sa sobrang nasaktan nang mamatay si Faraday na mabuti naming kaibigan at ayaw ko nang dagdagan pa ang burden ni Segen ngayon dala nang pagkamatay ni Faraday.

"Civet! Move! Move! Move!" sigaw ni Flare, nagsikilos na kami hanggang sa isa-isa naming tiniklo ang mga bantay, Habang hinuhuli ng ibang sector ang mga kalaban ay stick sa misyon ang grupo naming Civets, pumasok kami sa auction at nagsimulang mang raid

"Raid to!!" sigaw ni Flare, nataranta ang mga tao "Walang kikilos ng masama!" nagsitaasan ng kamay ang mga tao, isa-isang di nis armahan ang mga tao sa auction may ilang nanlaban.

******

May ibang nakipag matigasan, nakipag barilan at nakipag basagan ng mukha sa mga Civets kaya naman pinatulan na sila, Sa pwesto naman nila Cerrah, sasaksahin sana ni Smile sa leeg ng pampatulog si Damian pero malakas ito naagaw nya ang injection at sinaksak sa braso ni Smile, agad na nahimatay si Smile at binitbit ni Damian kasama pa ng dalawa nyang Guardiya, Nakatutok ang baril sa ulo ng walang malay na si Smile.

Nabigla si Cerrah sa nangyari kaya natulala sya

*****Cerrah

Ano to? bakit naninigas ang katawan ko sa nakita ko?

*****Flashback

"Bakit mo dinadamay si Jenas?!" sigaw ko

"Dahil importante sya sayo!" sigaw ng babae, nang mahawakan nya ang syringe ay mabilis nya itong itinurok sa leeg ni Jenas

"Aaahhhh!" sigaw ni Jenas sa sakit

"Jenas!" sigaw namin nina Mhar at Yvone. Ilang minuto ang lumipas ay pabalagbag na binitiwan si Jenas na nakahandusay sa sahig

"Jenaaasss!!" iyak na sigaw ko "Jenas ko!"

"Sshhhhh!" inis na hush ni Akiko "Buhay pa sya!" ngumiti sya "For now" tumalikod sya para lumabas ng kwarto

"Hayup ka Akiko!" galit na sigaw ni Mhar

"Kalagan nyo si Jenas bago nyo i lock ang pinto" utos ni Akiko

"Pero Madam, baka makatakas sya" tinuro ng lalaki si Jenas

"Nah! mahina na yan, ultimo pag pihit ng doorknob di na nya kakayanin" bagot na sagot ni Akiko at lumabas na ng kwarto. Kinalagan ng lalaki ang kadena sa kamay ni Jenas. Nang lumabas na rin ang dalawang lalaki ay nagsimulang humagulhol ako ng iyak

"Jenas! please babe, gumising ka! Jenas" pag mamakaawa ko

"Jenas dre, gising na" mahinang tawag ni Mhar. Maya maya ay umangat ang ulo ni Jenas, hingal na pinilit nyang gumapang sa kinaroroonan ko, nang makalapit sya ay pinilit nyang makaupo at sumandal sa pader

"Jenas" umiiyak na niyakap ko  si Jenas

"Shhh, shhh" malambing na pag hush ni Jenas habang hinihimas ng marahan ang buhok ko "Wag ka nang umiyak mahal ko" nanghihinang bulong ni Jenas "Magpahinga na tayo, kailangan nating makaipon ng lakas para di tayo maging pabigat sa pag rescue satin nila Flare" Hinawakan ni Jenas ang ulo ko at isinandal sa dibdib nya, niyakap nya ako "Magpahinga na muna tayo Babe, pumikit ka kasabay ko" hinalikan ni Jenas ang nuo ko

*****End of flashback

Napailing iling ako, Pag gising ko after ng insidenteng iyon ay nabalitaan kong patay na si Jenas, napailing iling ako,

"Smile" mahina kong sabi sa sarili ko

"Cerrah! halika na!" sigaw ni Damian "Halika na!!" tinututukan nya ng baril si Smile ang dalawa naman ay nakatutok ang baril kina Avyghale at Aluza dahil ginawa rin silang human shield ng mga lalaki, Nakawala sina Aluza at Avyghale nang mabaril ang mga nang hostage sa kanila at sa pag takbo nila palayo sa kalaban ay hinila nila ako

"Si Smile!" sigaw ko "Hawak nya si Smile!!" biglang humarang sa harap ko si Sendo

"Trabahuin nyo ang ibang kalaban ako nang bahala kay Smile!" wika ni Sendo at sinundan ang mabilis na nakatakas na si Damian, hinila ako palayo nila Smile at Avyghale, sinalubong kami ni Kira habang nakikipag barilan. Nagkakagulo na sa loob, nag babarilan, suntukan, habulan at takbuhan. Lumabas na kayo! i ko cover ko kayo!!" sigaw ni Kira

"Kailangan kong tulungan si Smile!" wika ko

"Mas makakatulong ka kung makikinig ka Cerrah!" sigaw ni Kira "May ledger ka diba? kailangan ka rin naming ingatan, mas makatutulong ka kung magiging ligtas ka so go! go! go! go!" may iniabot na baril si Kira sa akin "Pag labas nyo sa auction may baril na nakatago sa pader, Ibaba nyo ang lever ng lamp na nakasabit may lalabas na secret drawer don, kunin nyo ang mga baril na itinago ko"

Tumakbo kami nila Avyghale at Aluza palabas ng auction, Nakita namin ang kaisa isang lamp na tinutukoy ni Kira. Ibinaba ni Aluza ang lamp na nag sisilbing lever at biglang bumukas ang kapiranggot na parte ng pader na nag sisilbing hidden drawer, duon ay kinuha ng dalawa ang mga baril pero... may nakita akong tumakbo sa isang pasilyo, isang pamilyar na tao.

Hindi ko alam, pero, dahil sa curious ay hinabol ko ang lalaki nang hindi nagti timbre sa mga kasamahan ko.

*****Astrid

"Teka, saan ka pupunta Cerrah?!" tanong ko, namo monitor ko si Cerrah dahil sa mosquito drone na sumusunod sa kanya, Tiningnan ni Ren ang nakikita ko sa Monitor

"Hindi naka activate ang transmitter nya" wika ni Ren "Avyghale, Aluza, sundan nyo si Cerrah" habang pinapanuod ko ang pakikipag habulan ni Cerrah ay nakilala ko kung sino ang hinahabol nya

"Leion" wika ko. Tumingin sa akin si Ren

"Kilala mo si Leion Llonezis?" tanong ni Ren, hindi na ko magtataka kung pamilyar sa kanya ang pangalang iyon, kahit nuong unang nag activate ang nanochip sa akin ay unang lumabas sa isip ko ang pangalan ng leader na may hawak sa branch ng sindikato.

"Ren! I need to follow Cerrah, kilala ko si Leion, tuso sya" sagot ko. Hindi ko na hinintay pa ang isasagot ni Ren, agad lang akong lumabas ng van

"Astrid saan ka pupunta?!" tanong nina Wise, Diether at Blake na kasalukuyang nag babantay sa labas ng van, Si Sagara ang driver

"Please assist Ren, I need to go inside" sagot ko at tumakbo habang armado. Kailangan kong maunahan si Cerrah sa paghuli kay Leion, Kailangan kong mapatay si Leion. Hindi nya maaaring isiwalat kay Cerrah ang lihim ko

🥀🥀🥀🥀🥀🥀🥀🥀🥀
😱😱😱😱😱😱
Oh my Gosh!
anong lihim ni Astrid
don't tell me...
KALABAN SYA?

#5 🅹🅴🅽🅰🆂.   (Jenas & Cerrah Book3) COMPLETED. 5th StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon