🥀🥀🥀🥀🥀🥀🥀🥀🥀*****Cerrah
Nakaupo ako sa stretcher habang hinihintay ang command sa akin kung pwede na akong umuwi o hindi, Si Astrid naman ay kasalukuyang naliligo dahil punong puno sya ng dugo ni Leion. Iniisip ko, ano bang gagawin ko? Paano ko haharapin sina Astrid at Jenas? bakit nagawa nila akong lokohin?
Napansin kong tumatakbong pumasok si Jenas at luminga linga na parang may hinahanap, ayaw kong makita o makausap sya kaya humiga ako at tumalikod para magtulog tulogan pero nakarating sa pwesto ko si Jenas
"Alam kong gising ka" sita ni Jenas, umirap lang ako at pumikit "Nakita kita na humiga ka" wika pa ni Jenas "Tumayo ka" hinila nya ako paupo sa stretcher
"Ano ba!" pag susungit ko at hinampas ang kamay nya
"Anong nakain mo?! bakit hindi ka sumunod sa plano?! paano kung mapahamak ka?!" galit na wika sakin ni Jenas, paki mo ba? hindi ko sya sinagot "Para namang hindi mo alam na sa isang mali mo lang maraming tao ang mamamatay diba? Tapos hinayaan mo pang ipatikim sa lalaking yon ang katawan mo?! hindi ka ba nandidiri sa sarili mo!" tanong nya "Bakit ayaw mong sumagot!"
"Pakialam mo ba?!" sagot ko
"Pakialam ko?" tanong nya at ngumisi "Cerrah asawa mo ko"
"So?" tanong ko
"So?!" pagtataka nya "Anong dahilan mo bakit nagkakaganyan ka?"
"Hindi mo alam?!" tanong ko "Hindi mo alam?!" sigaw ko at pinag hahampas ang dibdib ni Jenas "Hindi mo alam na nakipag sex ka sa Silent Demetria na yun?!" duon ay natahimik sya at naiyak ako "Hindi mo alam kung gaano kahirap itago yung nararamdaman ko sa tuwing nakikita kita sa trabaho, nandidiri ako sayo!"
"Cerrah" mahinahong tawag ni Jenas sa pangalan ko at akmang hahawakan
"Don't touch me!" sigaw ko "Nakakadiri ka!" sigaw nya "I hate You!" ayaw ko na, pagod na akong umiyak pero hindi ko mapigil ang sarili ko "I hate you!" hinampas ko ang dibdib nya, hindi sya pumalag o umiwas, tinanggap nya ang sakit nang pag hampas ko sa kanya "I hate you! I hate You!"
"Cerrah" narinig ko si Astrid na naka tapis lang, malinis na ang katawan nya
"And you! traitor!" sigaw ko at dinuro sya, napatingin si Jenas kay Astrid "Talagang pinatay mo pa si Leion para hindi na nya mailabas ang baho mo!" sinabunutan ko sya kahit naka tapis lang sya
"Cerrah enough!" awat ni Jenas
"Wag kang mangialam!" sigaw ko at tinulak si Astrid, muntik nang malaglag ang tapis nya at ang gulo na ng buhok nya
"Hindi ko kasalanan ang pagkamatay ng Mommy at Kuya mo bakit ako ang sinisisi mo?" naiiyak na tanong ni Astrid, pumasok sa treatment room ang iba naming kasamahan sina Ren, Sagara, Wise, Diether, Blake, Segen, Chase, Flare, Segen, Argel,Blass Sylfaen, Saenz, Avyghale, Aluza at Smile kaya alam kong maririnig ng lahat ang problema namin ni Astrid
"Hindi mo direktang kasalanan pero kasalanan parin na tinago mo ang nalalaman mo tungkol sa pagkamatay ng mommy at kuya ko!!" sigaw ko, tumingin ang lahat kay Astrid
"Totoo ba ang sinabi ni Cerrah, Astrid?" tanong ni Flare, umiyak si Astrid
"Don't play victim Astrid! sagutin mo ang asawa mo!" sigaw ko, tumungo tungo si Astrid at suminghot senyales na naiyak na sya, lumapit sa kanya si Flare at hinawakan ang magkabilang pisngi para tingnan ang muka
"Why?" mahinahon at malambing na tanong ni Flare
"I'm scared" naiyak na sagot ni Astrid "Baka mag iba ang tingin sa akin ni Cerrah, baka magalit sya at iwasan ako"
"Talagang magagalit at iiwasan na kita sa ginawa mo" matigas na sagot ko
"Cerrah bakit ka ganyan sa kasamahan mo?" tanong ni Ren
"Bakit parang ako ang masama? ako na ang agrabyado ako pa ang masama?" tanong ko "Ang dami dami ko nang problema dinadagdagan nyo pa!"
"Hindi lang ikaw ang namomroblema Cerrah" galit na sagot ni Ren "Halos lahat satin problemado"
"Ginusto mong maging superior, panindigan mo" hindi ko alam kung bakit naging unreasonable na ako, dala ba ng galit ko? alam kong problemado si Ren dahil sa cargo na nya ang Civet kaya alam kong trabaho ang problema nya
"Oo ginusto kong maging Superior dahil pinangarap kong maging isang leader pero hindi ko ginusto na maging iisa ang ina namin ni Sagara!" dun ay si Ren naman ang umiyak, napatingin kaming lahat kay Ren
"Anong ibig mong sabihin Hon?" tanong ni Sagara kay Ren
"We're" umiyak si Ren "We're half siblings"
"What?" di makapaniwalang tanong ni Sagara, umiling iling sya "You've got to be kidding me, yan ang pinaka ayaw kong prank mo sakin Ren"
"I'm not!" sagot ni Ren "Isang buwan ko nang alam na magkapatid tayo sa ina"
"Paano mo nasabi?" tanong ni Sagara "Isang buwan palang buhat nang makilala ko ang ko mommy mo"
"Mom thought you're just my friend, she told me that she's happy because she found you, She show me your old pictures which exactly the same with your pictures in your house" paliwanag ni Ren "And then, sabi nya, You are my long lost brother"
"Alam mo nang magkapatid tayo pero hinayaan mong may mangyari sa atin?" tanong ni Sagara "Ren naman! Kaya ba bigla ka nalang pumayag na makipag sex sakin? at sa loob ng isang buwan na alam mong magkapatid tayo, hinayaan mong may nangyari sa atin ng maraming ulit?!"
"Dahil mahal kita!" sagot ni Ren, teka, dapat moment ko ang mag emote, bakit? nilingon ko ang mga kasama ko, Lahat ba sila may tinatagong problema
"What we did was incest" sagot ni Sagara
"Hahayaan mo nalang na masira ang relasyon nyo?" tanong ni Argel
"Magkapatid kami Argel, kung ituloy man namin ang relasyon namin may posibility na mag suffer ang magiging anak namin" sagot ni Sagara "Alam nyo naman yun diba! Paano kung may sakit ang lahi namin na hindi lumabas sa amin? parehas kami ng genes ni Ren, kung hindi mahahaluan ng ibang genes ang anak ko magkakaroon sya ng sakit" tumingin si Sagara kay Ren "Let's settle this Ren, let's talk" hinawakan ni Sagara ang wrist ni Ren at hinila sya palabas ng treatment room, nang makaalis sina Ren at Sagara ay tumingin ako ng masama kay Astrid, yumuko lang ito habang Ipinapasuot ni Flare sa kanya ang jacket.
"Bakit sumasabay kayo sa problema?" tanong ni Smile. Napatingin kami sa kanya "Dapat hindi tayo watak watak ngayon eh, bakit nag aaway away pa kayo? patay na si Sendo pero nag aaway away pa kayo? hindi magiging masaya si Sendo kapag hindi tayo magkakasundo" iyak ni Smile
"Patay na si Sendo?" tanong ko, tumungo tungo si Smile at tumakbo sakin para yakapin ako, Niyakap ko rin sya habang malakas syang umiiyak.
🥀🥀🥀🥀🥀🥀🥀🥀🥀🥀
Daming revelation?
Pasabog din sina Ren at Sagara no?
Smile, kapit lang, makakaya mo rin ang pagkawala ni sendo
Sorry Smile, you need to cry in order to learn
![](https://img.wattpad.com/cover/300274802-288-k463650.jpg)
BINABASA MO ANG
#5 🅹🅴🅽🅰🆂. (Jenas & Cerrah Book3) COMPLETED. 5th Story
Teen FictionIsang taon matapos manganak si Cerrah ay pumasok siya sa Bureau bilang undercover agent dahilan para magkalabuan sila ng asawa nyang si Jenas. Nagkataong sa unang misyon ni Cerrah ay makakapareha nya si Jenas ngunit kikilos sila ng magkahiwalay. May...