𝕮𝖍𝖆𝖕𝖙𝖊𝖗 14: First Name Basis

64 2 0
                                    


🥀🥀🥀🥀🥀🥀🥀🥀🥀🥀

*****Cerrah

Maaga pa lang ay nasa office na ako para mag trabaho, wala pa si Sir Sinister kahit alas otso na, hindi rin ako pwedeng kumilos ng kahina hinala sa first day of work ko dahil, Alam kong may mga lihim din ang opisinang ito, maybe there's also a spycam here and my boss is watching my moves kung karapat dapat ba akong pagkatiwalaan o hindi.

Nanatili lang akong nakapwesto sa table ko, nag sasalansan ng mga papel, nag aayos ayos ng mga gamit sa paligid ko but I avoid going near to Sinister's table, baka may laser gun jan at pag lakad ko ay mahati nalang sa kalahati ang katawan ko 😱 exage ko mag isip! focus Cerrah, Your mission is makuha ang loob at tiwala ni Sinister para makakuha ka ng idea sa kalakaran ng ledger at kinaroroonan ng Red Dragon Syndicate and hopefully pati impormasyon tungkol kay Aisam Wevgen. Nilalaro ko ang cute na flower vase decoration sa mesa ko nang malaglag ko ang isang butterfly na naka dikit sa vase nito, Gumulong iyon sa ilalim, Sinilip ko ang butterfly pero nasa kabilang parte ng mesa iyon gumulong kaya umikot ako, lumuhod, tumuwad para abutin sa ilalim ang nasira ko bulaklak 😂 first day of work nakasira agad ako ng property ng company, my gosh Cerrah.

Nagulat nalang ako nang may bumukas ng pinto ng opisina at tumama ang pinto sa pwet ko.

"Oh my gosh!" tili ko sa pagka nerbiyos, napatingala ako kung sino ang nag bukas ng pinto. He's Mr. Sinister Demetria. "Oh my gosh!" gulat kong wika at tumayo, pinagpagan ko ang tuhod ko. wew! nakita kaya nya ang panty ko? 😱 maiksi lang ang gamit kong palda eii. "Gu-Good morning Sir!" bati ko. Nakatitig lang sya sa akin na parang nawi wirdohan

"Ahem" he cleared his throat at inayos ang necktie "Care to tell what are you doing down there Ms. BuenaVista?" tanong nya

"Ah, ahm" ano bang sasabihin ko? baka iniisip na nito na nag i install ako ng spy cam? "Sorry Sirrrr...." pa cute kong sagot,kumamot ako sa ulo ko, tumaas ang isang kilay nya "Yung- " nginuso ko ang flower vase sa mesa ko. Tumingin sya sa nginuso ko at ngumiti

"Gusto mo ng flower?" tanong nya habang nakangit

"Hindi Sirrrrr...." sagot ko at ngumuso parin. Di nya ako ma gets kasi ang weird ko talaga. "Nasira ko yata yung vase mo Sir, nalaglag sa ilalim ng mesa yung butterfly"

"Hahah!" nabigla ako nang tumawa sya, anong nakakatawa? "Yun lang ba? grabe ka naman ma tense Ms. BuenaVista" sagot nya at lumuhod para kunin ang nalaglag ko

"Ako na Sir" awat ko

"Ako na Cerrah" sagot nya at tumayo. Pag tayo nya ay inilahad nya ang kamay nya sa akin hawak ang design na butterfly. Kinuha ko iyon sa kamay nya.

"I'm sorry talaga Sir" wika ko, girl, guilty ako hindi ako nagpapa cute lang para makuha ang pansin ni Sinister, sino bang hindi ma tetense unang araw mo sa trabaho disaster agad ang hatid mo?

"I'ts fine" sagot nya at kumuha ng isang tangkay ng bulaklak "Gusto mo every morning bigyan kita ng flower?" tanong nya at inabot sa akin ang yellow rose, nabigla ako

"Ha?" tanong ko at umiling iling "Hindi na Sir! thank you sa idea pero ayaw kita maabala" tanggi ko

"Deserve mo magka flower every morning, Sa lahat ng nag trabaho sa akin, ikaw lang ang bukod tanging nagpatawa sa akin sa first day of work nila" sagot nya habang naglalakad papunta sa desk nya. "And i plus mo na yung nakasira ka kaagad ng gamit" natatawa nyang pahabol at umupo sa swivel chair

"Sir naman eee...." nahihiya kong sagot

"Sinister" sagot nya, napatingin ako sa kanya "Don't call me Sir kung dalawa lang tayo sa opisina,I mean, literal na dalawa lang tayo dito sa opisina ko kaya call me by my name nalang. Sobrang nakaka stress mag trabaho at nakakabawas ng stress yung may kaibigan kang kasama right?" tanong nya "Call me Sinister and I'll call you Cerrah. Tsaka na tayo maging formal sa isa't isa kung may ibang tao especially in business matters" Nagkatitigan lang kaming dalawa "Okay lang sayo?"

"Wala bang magagalit?" tanong ko

"Bakit sila magagalit? ako ang boss" sagot nya "You can sit Cerrah" pag senyas nya sakin. Pumunta ako sa swivel chair ko para umupo

"Gf, Mas Boss pa sa Boss ang mga GF" sagot ko

"I don't have a GF" sagot nya "Sayo? baka may magalit sa first name basis natin?" umiling iling ako

"Wala no, I'm single" nakangiti kong sagot

"And ready to mingle?" Tanong ulit ni Sinister

"Sort of" nag de kwatro ako at nakipag titigan sa Boss ko. Magharap kami ng mesa bagamat malayo ang distansya, ang mesa nya kasi ay direktang nakatapat sa tinted glass door ng opisina habang ang pwesto ng mesa ko ay banda sa tabi ng pinto.

"Matanong ko lang? Bakit walang lalaki ngayon sa buhay ng napaka gandang si Cerrah?" tanong nya sa akin, kahit alam kong nangbobola lang sya ay nakadama ako ng pagka flatter I mean, lahat ng babae ay nafa flatter kung sinabihan ng maganda right?

"Walang nagtangka?" tanong ko "Siguro panget ako?"

"Hindi ka pangit" sagot ni Sinister "Sa katunayan nga, first time palang kitang nakita sa interview ay nagustuhan na agad kita" pag amin nya "I know medyo creepy yung pag amin ko sayo but wag kang mailang sa akin okay? hindi naman ako some kind of creepy stalker or obsessed" nakangiti nyang depensa sa sarili nya

"O-Kayyy?" sagot ko

"Mas maiging bigyan natin ng sapat na panahon ang isa't isa na magkakilanlan bago kita ligawan" pag didiretso nya

"What?!" gulat kong tanong. ligawan? wala sa plano kong paibigin si Sinister, I want him to be my friend, yung super close friend ba not in a relationship mode

"Gulat na gulat?" nakangiting tanong ni Sinister "One of these days Cerrah, I will court you but for now, let's get our job done" kinindatan nya ako.

****Jenas

Hindi kami magkasama ni Cerrah kaya gusto kong masigurado na ligtas ang asawa ko sa lahat ng pagkakataon kaya naman nag request ako kina chase na magka access sa pag mo monitor sa kanya. Habang pinapanuod ko kung paano landiin ni Sinister ang asawa ko ay nakakadama talaga ako ng pagka inis kaya naman padabog kong sinara ang laptop ko at lumabas sa terrace para tumawid sa unit ni Cerrah

"May akyat bahay nanaman" sita ni Blass, "Titirahin ko ba?"

"Wag dre mukhang badtrip si Daddy" sagot ni Chase. Oo, badtrip talaga ako 😡 nang makapasok ako sa kwarto ni Misis ay humiga ako sa sofa para hintayin sya.

"Dre, bumalik ka muna sa unit mo, hinatid ni Target 2 si Cerrah, nasa parking lot na sila paakyat dito" pag inform sa akin ni Sendo na nakatokang mag abang sa parking lot.

"Bakit pa ko babalik, maganda nga yung magkaharap kami" sagot ko

"Nasisiraan kana ba ng bait o nag seselos ka lang?" tanong ni Chase "Alalahanin mo ang misyon hindi yang bugso ng damdamin mo"

🥀🥀🥀🥀🥀🥀🥀🥀🥀🥀

First name basis?
Jenas?
Selos yarn?

#5 🅹🅴🅽🅰🆂.   (Jenas & Cerrah Book3) COMPLETED. 5th StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon