𝕮𝖍𝖆𝖕𝖙𝖊𝖗 47: 12 Obstacles

63 3 0
                                    


🥀🥀🥀🥀🥀🥀🥀🥀🥀🥀
Pabor ba kayo sa Mandatory ROTC?
wala lang ask ko lang
🥀🥀🥀🥀🥀🥀🥀🥀🥀🥀

*****Cerrah

Nakahilera na kami para sa nalalapit na panimula ng training, Walang ibang instruction kundi ang makalagpas sa mga obstacle para makuha ang Susi, Ang susi sa maagang pagtatapos ng training.

"Ladies!" sigaw ni Kira "Go!" Nag simula kaming tumakbo upang harapin ang isang Low wall. Kailangan kong akyatin ang pader but how? masyadong mataas

"Cerrah!" tawag ni Avyghale, nag form ng human pyramid sina Astrid, Coco, Avyghale na nakaharap at nakatukod sa wall habang sina Aluza at Smile naman ay naka abang sa likuran nila "Mauna ka nang umakyat, sina Aluza at Smile ang mag aabang sayo, kami naman ang base mo" Nuong una ay nag aalangan ako, hindi groupings tong training! pero, hindi rin naman sinabing individual, hindi rin sinabing bawal magtulungan right? Tumakbo ako kina Aluza at Smile na nakaabang, ipinatong ko ang isang paa ko sa palad ni Smile at ang isa sa palad ni Aluza, bahagya nila akong itinaas ng sabay kung saan nag aabang ang likod ni Astrid habang naka alalay sa magkabilang tabi nya sina Coco at Avyghale, nang makapatong na ako sa likod ni Astrid ay kumalas si Avyghale kaya binalance ko ang sarili ko sa pamamagitan ng pag apak ng isa kong paa sa likod ni Coco at ang isa sa likod ni Astrid, ginawa ko rin ang ginagawa ng base ko, nakatukod ako sa wall at bahagyang naka bend, Now it's Avyghale and Smile's turn to give Aluza a boost.Para kaming nasa Cheering, Nang umapak si Aluza sa likod ni Coco ay bahagya si Coco na na out balance, salamat sa mabilis na action ni Smile, tumabi sya kay Coco kaya naghati ang bigat ni Aluza sa pamamagitan ng pag apak sa likod ni Smile at Coco. Two layers na ang Pyramid namin, si Avyghale na lang ang naiwan sa likod

"Cerrah" tawag sakin ni Aluza, "Bend natin ng kaunti ang hita natin, tapos hilahin natin paangat si Avy para umapak sa hita natin" ginawa ko ang sinuggest ni Aluza, bumuwelo ng takbo si Avy at nang tumalon sya ay kianpitan nya ang kamay namin ni Aluza, buong pwersa namin syang hinila para makaapak sa likod ni Coco at makapatong sa hita namin ni Aluza. Kawawang Coco 😑 sa kanya ang mabigat na duty. Nang makapatong si Avy sa hita namin ay sumampa sya sa tuktok ng wall at pilit na inakyat ito pagkatapos ay si aaluza naman ang sumampa sa hita ko at hinila sya ni Avy pataas. Nang silang dalawa na ang nasa taas ay hinila naman nila ako, nag form naman ng base sina Coco at Astrid kung saan si Smile ang umakyat at hinila sya nina Avy at Aluza habang ako ay naka guide sa dalawa, next naman ay inapakan ni Astrid ang balikat ni Coco para maiangat sya sabay hila sa kanya pataas pero naka kapit na sa baywang nya si Astrid kaya doble ang weight kaya naman habang hawak ni Avy ang kanang braso ni Coco ay naka yapos ako at hinihila si Avy, sina Aluza at Smile naman ang tandem sa kabilang braso ni Coco at nang maging successful ang unang obstacle namin ay sabay sabay kaming napahilata sa sahig kahit na sobrang init a5 pagod ang nararamdaman namin.

"One down, eleven to go" wika ni Smile

"Who's idea is this?" tanong ko I bet kay Avyghale kasi may alam sya sa naging training nila Sylfaen.

"Astrid" sagot ni Avy, napatingin kami kay Astrid, nakangiti ang mga girls sa kanya sina Coco at Aluza ay nakipag uphere pa

"Thanks ghurl" nakangiting wika ni Coco. Ganito ba ako ka mangmang? pakit hindi ko naisipang mag plano ng hakbang para makatulong sa grupo? feeling ko isa ako sa pabigat.

"This training is not about our security alone, it's all about teamwork, if you analyze the instruction wala silang pinagbawal sa atin, means we can do what ever we want to do para malagpasan ang obstacle" paliwanag ni Astrid. Nang makapahinga kami ay tumungo naman kami sa
2nd obstacle, ang Stepping stones kung saan ma te train ang leaping at balance skills namin, medyo mahirap dahil need kong mag focus at masakit sa hita gawa ng iba't ibang height ng mga stones na tatawirin namin,
3rd obstacle is the rubble kung saan na train ang vaulting and ducking skills namin iyon yung tatalon kami sa maliit na wall then lulusot sa ilalim ng isang bar tapos muling tatalon sa isang wall at lulusot sa kasunod na bar vise versa.
4th is the tunnel kung saan gumapang kami sa putikan na syempre, may pa arcna barb wire, na fe feel kong nadali ang anit ko everytime na sumasabit ang buhok ko sa wire
5th is the dodging panels where it trains lateral dodging in confined spaces. susuot kami sa isang makipot at masikip na eskinita kung saan mayroong nagtataasang pader, talagang pagkakasyahin namin ang katawan namin

"Shet" mura ko, sumasadsad yung boobs ko sa pader, natatawa tawa lang sa akin sina Aluza at Smile, Hindi sila flat Chested pero hindi rin naman kalakihan ang dibdib nila, tama lang ang size. Nang makaalpas kami sa dodging panels ay hinarap naman namin ang

6th Obstacle, ang Low rope kung saan kailangan naming sumabit at umakyat gamit ang lubid sa pamamagitan ng Goddess don't know how 😖 ang hirap nito... gusto ko nang mag give up! char! paano ba umakyat? paano ba? nakita ko sina Coco at Astrid na nauuna na sa pag akyat, how the hell they knew such thing!

"Tama, ganyan ang gawin nyo" nakita ko si Avyghale na tinuturuan sina Aluza at Smile kaya nakigaya ako, effective ang turo ni Avy, mahirap man ay nakaraos at nakaakyat ako, hinintay kami nina Astrid at Coco na nauna na sa itaas at sabay sabay naman kaming pumunta sa

7th obstacle na ditch para syang mountain, inclined mountain kung saan aakyatin namin at tatalon ulit sa isa pang pa inclined na ramp para masukat ang balancing namin after landing on slope, may pagkakataong muntik muntik na kaming ma out balance but thanks sa mga malalakas ang braso sa amin, the catch and help us. Dahil sa pag tutulungan namin ay palapit nang palapit na kami sa katotohanang madali lang ang problema kung may pagtutulungan

8th obstacle is Corridor Dumaan kami sa pasilyo ng isang abandonadong gusali where it train us ducking through areas of restricted heights.

9th is Balancing Bridge Tatawirin namin ang mataas at makipot na tabla, damn! pag humangin ng lakas yung mga payat sa amin tatangayin agad 🤣 ang taas pa naman ng lalaglagan

10th is window where we are trained in vaulting windows hanggang sa marating namin ang pinaka last obstacle

11th the Apex ladder trains balancing and confident in heights. Para rin syang slope both sides pero mas mataas at pa hagdan ito. Grabe hingal na hingal na ako sa pagod kahit maaga pa at hindi pa masakit sa balat ang sikat ng araw ay ang init na ng katawan ko dala ng sobrang pagod. and last but not the least.

12th obstacle Ang Terrace para syang malalaking agwat na hagdan hagdan kung saan ma te train ang confidence namin in jumping and landing from height. Nang makarating kami sa pinaka last obstacle ay nag tilian kami sa tuwa, sa sobrang tuwa ay hindi ko namalayang nagkayakapan na kami ni Astrid, 😳 ooppss! awkward, agad kaming nagkalasan ng yakap

"Ah?? girls..." parang diskumpiyadong wika ni Smile, tumingin kami sa likod namin kung saan nakatanaw si Smile at talagang nabigla kami sa nakita namin.

🥀🥀🥀🥀🥀🥀🥀🥀🥀🥀
Ano kaya yung nakita nila?? 😱😱
Ideas about backyard obstacle course? yan kasi ang plano naming gawin sa backyard para sa anak ko. Marunong kasi si Papa nya sya Arnis at self defense kaya alam ko balang araw tuturuan sya ni Papa nya at bago mangyari yon? dapat physically fit sya, hindi naman namin sya pipilitin bahala sya kung trip nyang mag train o hindi,ang sa amin lang bilang magulang, iba na kung may alam sa self defense ang anak namin dahil babae pa naman, tapos pagulo ng pagulo at pasama na ng pasama ang mga tao.

#5 🅹🅴🅽🅰🆂.   (Jenas & Cerrah Book3) COMPLETED. 5th StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon