𝕮𝖍𝖆𝖕𝖙𝖊𝖗 83: Blood is thicker than water

17 0 0
                                    


🥀🥀🥀🥀🥀🥀🥀🥀🥀🥀🥀🥀

*****DELAVIGNE

Hindi malinaw ang sakin lahat ng nangyayari, basta ang alam ko, kailangan naming umalis ni Kuya para mailayo ako sa masasamang tao na tinutukoy ni Ama, naguguluhan at natatakot ako, mahigpit na yakap ni kuya ang kamay ko habang natakbo kami sa madilim na kagubatan. Masaya naman kami kahit hindi na kumpleto ang pamilya, Masaya naman kami kahit mahirap lang buhay namin, Masaya naman kami pero bakit sa isang iglap ganitong emosyon ang umiiral sa pagitan naming magkapatid.

"Natatakot ako kuya" naiyak kong wika habang natakbo kami "Patay na ba si Ama? Pinatay ba nila si Ama?" hindi nasagot si Kuya "Papatayin din ba nila ako?"

"Hindi ka nila papatayin" sagot ni kuya Diether "Ako muna ang mapapatay nila bago ko hayaan na mamatay ka" huminti kami sa kagtakbo at hinarap ako "Nangako ako kay Ama, At kahit nuong wala pa tayo sa sitwasyong ito kaligtasan mo ang inuuna ko kaya wala kang dapat ikatakot"

"Paano pag mamatay ka?" naiiyak kong tanong "Anong gagawin ko?"

"Kunin mo tong bag at puntahan mo ang address na nakasulat sa papel, gamitin mo lahat ng pera makalayo ka lang" sagot ni kuya "Pag mamatay ako, wala kang ibang aasahan hanggang sa makarating ka jan kundi ang sarili mo" hinawakan nya ang ulo ko "Tara na"

**********

Sa mga araw ng paglalagi namin sa gubat ay sinikap ni kuya na ma provide lahat ng kailangan ko, pagkain, inumin at maayos na mahihigaan. Hindi ko alam kung hanggang kailan kami magtatago dito upang pahupain pa ang init ng paghahanap ng masasamang tao sa amin pero unti unti kong napapansin ang pagbagsak ng katawan ng pinakamamahal kong kuya, sobra na ang pangangayayat ng katawan at pisngi nya, naririnig ko rin ang madalas na pag ubo ubo nya

"Nahihirapan ka na ba kuya?" tanong ko

"Sinabi ko ba?" tanong ni Kuya. Natigilan ako "Hanggat hindi ako umiinda ng hirap ay wag mong isipin na nahihirapan o napapagod ako"

"Tinatanong ko lang kuya" mahina kong sagot

"Hirap at pagod na ako" sagot ni kuya at napatingin ako sa kanya "Pero lahat ng iyon nawawala tuwing nakikita kong nasa maayos ka" duon ay hindi ko napigil ang pag iyak at yumakap sa kuya ko

"Sorry kuya" iyak ko "Kung hindi dahil sakin dapat wala tayo dito ngayon" niyakap din ako ni Kuya "Salamat dahil hindi mo ako pinapabayaan"

"Wag ka nang umiyak, makakaligtas tayo pangako yan" sagot ni Kuya.

Pinalipas namin ang isang linggo bago kami bumaba sa bayan, Nang makarating kami sa istasyon ng bus ay magkasama kami ni Kuya na bumili ng ticket pero... habang kausap ko ang cashier at nag mamanman si kuya, napansin nyang may grupo ng kalalakihan ang tumuro sa amin at tumakbo palapit sa amin kaya naman hinila ako ni kuya at tumakbo kami palayo sa kanila. Liblib lang din at hindi matao ang bayan sa barrio namin kaya kaunti lang ang maaaring makasaksi sa paghahabulang nagaganap sa amin. Muli ay tumakbo kami sa kagubatan...

Pagod, nag mamadali, takot at gutom... patuloy kaming tumatakbo pero naririnig parin namin na nakakasunod aa amin ang mga lalaki dahil sa pag sisigawan nila

"Dito sila pumunta!" sigaw ng lalaki

"Patayin nyo na ang kasama nya, yung babae lang ang kailangan natin ng buhay!" sigaw pa ng isa. Nang marinig ko iyon ay natigilan ako

"Delavigne tara na kumilos ka na" pabulong at hingal na utos ni Kuya

"Papatayin ka daw nila kuya" umiiyak kong sagot "Iwan mo na ko"

#5 🅹🅴🅽🅰🆂.   (Jenas & Cerrah Book3) COMPLETED. 5th StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon