𝕮𝖍𝖆𝖕𝖙𝖊𝖗 46: Boot Camp

65 4 0
                                    

🥀🥀🥀🥀🥀🥀🥀🥀🥀
I don't have any idea about Training Camps pero siguro naman may K ang mga girls kapag mag simula na sila sa training right??
🥀🥀🥀🥀🥀🥀🥀🥀🥀

*****Jenas

"Ang mga newbies ay dadaan sa mga pagsubok sa training camp kung saan kailangan nilang malagpasan ang mga obstacle course" Paliwanag sa amin ni Ren, nagkaroon ng secret meeting ang lahat ng mga lalaking Civet para subukin ang mga babaeng Civet. "Guys, alam kong importante ang mga babae sa buhay nyo pero sana isipin nyo, kung padadaliin nyo ang training nila sa pamamagitan ng pag pamper sa kanila ay inilalagay nyo na ang buhay nila, ngayon pa lang, sa alanganin, The more na madadalian sila sa mga pagsubok na ibibitaw natin ay the more na magiging kampante at pabaya sila sa mission" iginala ni Ren ang paningin sa aming lahat "You don't want that to happen right?"

Inaral namin ang files at plano kung paano namin i te train ang mga girls, mas madali kumpara sa training naming nasa field pero mahirap naman kumpara sa mga civet na naka assign sa loob ng bureau.

*****Cerrah

Kasalukuyang nag hihintay kami ng command ng HQ para mag simula ng training, naka training attire kami at nakaupo muna sa bench, tanaw na tanaw namin ang malawak na traing ground at talagang nakakatakot tingnan

"Ano kayang klaseng training ang haharapin natin paglagpas natin sa mga obstacles na yan?" 😳 nabigla ako sa tanong ni Avyghale, napatingin ako sa kanila

"Hindi pa natatapos sa obstacle na yan ang training natin?" tanong ko

"Ano ka ba Cerrah, isang taon ang gugugulin natin sa training ground kasi every weekend lang tayo makakapag training" nakangiting sagot ni Avy.

"No, I know that, I mean, yung mga naglalakihang obstacles na yan may kasunod pa?" tanong ko

"Oo sa ibaba panigurado" sagot ni Avy, niyakap sya ni Coco sa leeg

"At paano mo nasabi aber? nakapunta ka na ba jan?" nginuso nya ang nasa pinaka dulong bahagi ng horizon ng training ground.

"Hindi pa pero, based sa mga kwento ni Sylfaen sa journal na binigay nya sakin nuon, hindi basta basta ang training na pinaranas sa kanila ni Salvador" kwento ni Avy, napansin kong nag de kwatro si Astrid na nasa tapat ko, hindi ko parin sya kinakausap at pinapansin, nakatanaw lang sya sa training ground

"Well, patay na si Salvador tapos tropa pa natin si Ren kaya siguro naman hindi nya tayo papahirapan" sabat ni Aluza

"We never know Aluza" sagot ni Smile

"Sabi sa journal ni Sylfaen, Naranasan nilang pag suotin ng full combat gear tapos pinag babad sila sa tubig tabang, pinalangoy langoy pinag enjoy enjoy tapos maya maya daw tinalunan sila ni Salvador, dinambahan at nilunod" kwento ni Avyghale

"Ang brutal naman non!" gulat na sagot ni Smile

"Oo tapos may isa pang ginawa sa kanila, ginapos sabay hagis sa ilog, bahala na silang kumawala sa ilalim at umahon" nakikinig lang ako sa usapan nila nang lumapit si Coco kay Astrid

"Guys oh! tinatantsa na ni Astrid yung Training ground" wika ni Coco, mahina syang pinalo ni Astrid sa pwet "Pinag aaralan na nya ang gagawin nya"

"Madaya si Astrid" wika ng mga girls at nakipag kumpulan sa kanya para maki aral din ng mga gagawin sa ground. Kahit na hindi pa kami okay ay aminado akong tama ang ginagawa ni Astrid na pag aaral sa ground kaya nakisali ako pero sinigurado kong naka distansya lang ako sa kanya.

****After 15 minutes

Biglang dumating si Kira kasama ang ilan pa nilang kasamahan, sila ang mag sisilbing expectator namin at host ng training. Ipinaliwanag nila sa amin ang gagawin, pinanuod namin ang mga videos ng mga naunang nag training sa amin, ipinaliwanag sa amin ang dahilan kung bakit kailangan naming malagpasan ang mga obstacles na haharapin namin, then suddenly,

Biglang lumabas ang mga videos ng mga boys nadumadaan sa obstacle kung saan hindi sila nakasuot ng pang itaas na damit

"Fvck shet!" mura ni Coco nang lumabas ang video ni Chase na umaakyat gamit ang lubid, "Ang gwapo nya" nagkiligan ang mga girls dahil nasa teenage years palang ang mga boys nuong nagte training sila, mga gwapo, physically fit at wala pang pilat sa pisngi si Chase non.

Biglang lumabas sa screen si Jenas 😳😱 feeling ko namula ako at umusok bigla ang tainga ko sa nakita ko, nagtilian ang mga girls at sinundot ako sa tagiliran

"Hanep! Tinapay!" sigaw ni Coco. Natahimik ako sa kahihiyan, Ang gwapo ni Jenas patawarin ko na nga sya 😂 joke!

"Uy! naglalaway si Cerrah" Pang aasar ni Avy

"Hindi ah!" sagot ko

"Tama na ang pantasya girls" wika ni Kira 😒 duh! as if hindi ka natakam sa katawan ng asawa ko, diba nga? Ikaw ang First ni Jenas? 😑 naalala ko nanaman yung idea na may nangyari sa kanila, nakadama ako ng konting selos kahit na nangyari iyon bago pa ako makilala ni Jenas, nag seselos talaga ako, slight lang naman, slight lang

"After naming makuha ang susi anong mangyayari?" tanong ni Coco

"Dun matatapos ang training nyo" sagot ni Kira

"You mean, hindi na aabutin ng 1 year ang training?" tanong ni Smile

"Oo" sagot ni Kira

"Bakit parang ang dali naman yata?" tanong ni Astrid, Napatingin kami sa kanya

"Madali ba para sayo Astrid?" tanong ni Kira

"Kira Joke lang yun!" sabat ni Coco "Uy! Astrid naman, binibigyan na tayo ng partida tumatanggi ka pa" Astrid has a point, kung para sa ika i improve ng performance namin ang training bakit parang madali lang ang ibibigay sa amin?

"I'm just stating the truth Coco" seryosong sagot ni Astrid "Want to tell us a hint Kira? kahit konti lang about sa training"

"Sorry, but the data I have is confidential" sagot ni Kira, nag susukatan silang dalawa ng tingin, Hindi sila magkaaway o may tampuhan pero parang may something sa dalawang to ngayon, they're like cold and warm air na nag sisimulang mag create ng friction. "Pero, isa lang ang rule na itatak nyo sa isip nyo, Kung mag fail kayo sa isang obstacle, you need to do it again from the start" ngumisi si Astrid

"You mean, kung nasa last obstacle na kami tapos magkamali kami babalik kami sa simula?!" tanong ni Coco

"Yes" sagot ni Kira

"Coco, Kapag palagi kang naulit sa umpisa ay equivalent na iyon ng isang taon or worst more than a year kang mag te train" sagot ni Astrid

"Kaya pala madali lang yung prize" sabat ni Aluza "Kukunin mo lang sa dulo yung susi"

"Kasi ang susi ay sumisimbolo na tapos na ang pagsubok natin" mahinang sagot ko. "Sigurado akong sa likod ng madadaling training obstacles na yan ay may kahaharapin tayong mas mahirap. Sigurado akong hindi nila hahayaang maging madali ang buhay natin sa training, Hindi tayo karapat dapat na tawaging Civet Elite kung wala tayong alam sa laban"

#5 🅹🅴🅽🅰🆂.   (Jenas & Cerrah Book3) COMPLETED. 5th StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon