𝕮𝖍𝖆𝖕𝖙𝖊𝖗 87: Only LOVE can HURT like this -2

15 0 0
                                    


🥀🥀🥀🥀🥀🥀🥀🥀🥀🥀🥀🥀

THEME SONG FOR THIS CHAPTER

ONLY LOVE CAN HURT LIKE THIS
BY: PALOMA FAITH

PAALALA: Maskit Ito 😭 😔

🥀🥀🥀🥀🥀🥀🥀🥀🥀🥀🥀🥀

*****CERRAH

Nang namatay ang ilaw sa loob ng ballroom at may tila smoke bomb ang kumalat ay nag panic at kalasan ang mga nagsasayaw nang may sunod sunod na putok ng baril ang umalingawngaw sa loob ng venue. Agad kong tinanggal ang earbud na suot ko dahil pakiramdam ko ay pinapaso nito ang tainga ko at Gawa nang may night vision ang suot naming contact lense ay nakikita ko ang mga nangyayari sa loob. Tila slow motion ang mga mararahas na nagaganap sa paligid ko. May mga lalaking bitbit ang malalaking baril ay pinauulanan ng bala ang mga civilian na nagtatakbuhan para sagipin ang sariling buhay nila. Mayroong suot na maskara ang mga lalaki na tila mayroon ding night vision dahil alam nila kung saan at sinu sino ang tatamaan nila. Masakit sa damdamin na makita ang brutal na pagpatay ng mga di kilalang tao sa mga sibilyan pero may mas masakit pa pala na parang dinudurog ang puso ko dahil sa mga sumunod na pangyayaring nasaksihan ko.

*****SLOWMOTION - Oo, slowmotion lahat ng nakikita ko...

May mga tao, tumitilapon, napapadapa o tinatadtad ng bala nang bigla akong bitiwan ni Sinister at tumakbo sa lugar ni Khaleesi. Rinig na rinig ko ang mabagal na tawag ni Sinister kay Khaleesi, iniikot ko ang paningin ko sa paligid,

Si Diether ay hinila si Silent palayo sa panganib,

Si Saenz ay tinakbo si Aluza at nakipag barilan wag lang masaktan ang partner nya,

Si Sendo ay biglang bumulaga upang i back-up si Smile at Avyghale sa pakikipag barilan sa kalaban

pag ikot pa nang paningin ko ay... bago mahawakan ni Sinister si Khaleesi ay naunang hawakan at hilahin ni Segen si Khalee palayo sa barilan

Bigla kong naalala ang asawa ko, nasaan si Jenas? luminga linga ako nang...

Yakap at pinoprotektahan ng braso ni Jenas ang likod ni Yvone habang ang kamay ay nasa ulo ng ahas kong kaibigan, ang isang kamay ni Jenas ay nakikipag putukan habang nakasubsob ng mukha ni Yvone sa dibdib ni Jenas... papalayo... papalayo sa kalaban.. at papalayo sa akin. Agad tumulo ang luha ko,

Bakit? bakit hindi ako hinanap ng asawa ko?

Bakit hindi ako ang pinoprotektahan ng bisig, kamay at dibdib nya?

Bakit hindi ako ang inilalayo nya sa kalaban at panganib?

Bakit si Yvone?

pwede naman nyang iwan si Yvone, kahit sila ang partner sa sayaw, pwede naman nyang iwan si Yvone tulad ng pag iwan sa akin ni Sinister..

pwede naman nya akong takbuhin, tulad ng ginawa ni Sinister, Tumakbo sya upang puntahan si Khalee

pwede naman nya akong hanapin, tulad ng automatic na pag hanap ni Sinister kay Khalee

Hindi ko mapigil ang pagtulo ng luha ko dahil sa labis na selos. Alam ko na dapat hindi isama sa trabaho ang emosyon pero... bakit sobrang masakit?sabayan pa ng maraming katanungan...

Anong meron? bakit may barilan?

Anong meron kina Khaleesi at Sinister?

Anong meron kina Jenas at Yvone?

Bakit wala akong kasama?

Bakit wala sa mga kasamahan ko ang nakaalalang isama ako sa labas?

Bakit nag kanya kanya silang ligtas sa mga partner nila?

#5 🅹🅴🅽🅰🆂.   (Jenas & Cerrah Book3) COMPLETED. 5th StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon