🥀🥀🥀🥀🥀🥀🥀🥀🥀
Point of View muna tayo ni Sendo guys
Ngayon pa lang ay mag so sorry na ako
sa kung ano mang kahihinatnan ng chapter na ito
Sobrang Sorry talaga
🥺🥺🥺
I need to do this para sa ikakapanatag ng utak ko
🥀🥀🥀🥀🥀🥀🥀🥀🥀🥀*****Sendo
Kailangan kong mahabol si Smile, kailangan ko syang mailigtas
Tumatakbo ako ngayon sa parang isang maze, shet! bakit parang maze ang tinatakbuhan ko?! bakit madilim?! bakit hindi ko maaninag ang taong may bitbit kay Smile?! nasa underground tunnel ako ngayon, hinahabol ang animal na tumangay kay Smile.
Mula sa iba pang tunnel ay sinalubong ako nina Chase at Flare kasunod sina Segen at Blass
"Bakit kayo nandito?! unahin nyo yung trabaho sa itaas!" sigaw ko habang natakbo, nakasunod ang apat sa akin
"Bobo ka ba! alangan pasugurin ka namin ng mag isa!" sagot ni Segen
"Nanduon naman ang ibang Civet at ibang Angels, nanduon sina Jenas at Saenz pati sina Kira" sagot ni Chase
"Niradyohan kami ni Ren na sumunod sayo wag kang mag alala" habol ni Flare
"Oo nga wag kang mag alala hindi kami mag bubuwis ng buhay para sayo ano ka chix!" biro ni Segen, natawa kami habang hinahabol ang kalaban
"Ang bilis naman nun!" reklamo ni Blass
"Parang ahas nga eh" pahabol ni Segen, nang maabutan namin ang dulo ng tunnel ay huli na kami, naisakay na si Smile sa kotse at tinangay na ng kumidnap sa kanya
"Smile!" sigaw ko "Tang ina!" mura ko sa galit, sinubukan pang habulin ng mga kasama ko ang kotse at binaril ang gulong pero nakalayo na ito, nawawalan na ako ng pag asa nang dumating sina... Wise, Diether, Sylfaen at Blake lulan ng mga 200cc na motor, nag si babaan sila
"Habulin nyo sila, kami nang bahalang mag abang ng kalaban dito sa labas" wika ni Wise
"Siguradong dito sila dadaan sa pag takas" wika ni Blake
"Salamat bok!" pasalamat ko at kanya kanya kaming sakay sa motor, binilisan namin ang pag papaandar, takte! wala kaming helmet nyan!, pinaputukan kami ng baril ng kalaban pero umiiwas kami, lalong bumilis ang andar ng sports car na kotse.
Naka layo na kami nang matamaan ng mga kasama ko ang gulong ng kotse, nagpaikot ikot ito hanggang sa huminto, nagkaroon ng pagkakataong makatakas ang dalawang lalaki bitbit si Smile na ngayon ay may malay na habang kami ay nag tatago dahil pinapaulanan pa kami ng bala ng dalawa pa nilang kasamang lalaki, pumasok ang dalawa sa sira sirang 5 storey na parang apartel hila hila ang buhok ni Smile kaya naman nagkaroon kaming apat na magkakaibigan na pagtulungan pa ang naiwang dalawang lalaki sa labas, nang bumulagta ang mga ito ay tsaka kami humabol papasok ng abandonadong establishyemento, na de delay pa ang pag akyat namin sa hagdan dala ng pag babaril sa amin ng mga nasa itaas
"Bitiwan nyo ko!!" sigaw ni Smile, nag echo ang boses nya sa buong paligid
"Tumigil ka!" sigaw ng lalaki at nag paputok ng baril
"Smile!" sigaw ko habang humahabol, sumagot ka Smile, please, hindi ka sana binaril ng lalaking tumangay sayo, sumagot ka Smile para alam ko ang gagawin ko
"Aaaahhh!!" sigaw ng lalaki
"Sendo tulungan mo ko!" sigaw ni Smile
"Bok" mahinang wika sakin ni Segen "Ba back upan ka nina Chase at Blass, kami ni Flare ay dadaan sa emergency exit para unahan silang umakyat" plano ni Segen
BINABASA MO ANG
#5 🅹🅴🅽🅰🆂. (Jenas & Cerrah Book3) COMPLETED. 5th Story
Fiksi RemajaIsang taon matapos manganak si Cerrah ay pumasok siya sa Bureau bilang undercover agent dahilan para magkalabuan sila ng asawa nyang si Jenas. Nagkataong sa unang misyon ni Cerrah ay makakapareha nya si Jenas ngunit kikilos sila ng magkahiwalay. May...