𝕮𝖍𝖆𝖕𝖙𝖊𝖗 28: Scared (⚠️🆆🅰🆁🅽🅸🅽🅶⚠️ MATURE)

91 3 0
                                    


🥀🥀🥀🥀🥀🥀🥀🥀🥀🥀

*****Cerrah

Malungkot, takot, nanginginig ang buong kalamnan iyon ang pakiramdam ko habang papalapit kami sa motor ni Sendo, bago kami sumakay ay napansin ko ang pag aalala ng asawa ko. Si Jenas, ang mahal ko 🥺 naiiyak nanaman ako, ngayon ko lang nakita ang asawa ko na sobra pa sa sobra ang pag aalala sa akin. Marahan nyang hinawakan ang magkabilang pisngi ko at tinitigan sa mata 😭 hindi ko na kayang pigilin ang pag iyak kaya humagulhol nanaman ako,

"Wag ka nang umiyak mahal ko" malungkot nyang wika, amoy ko sa mga kamay nya ang pulburang mula sa barilpero wala sa akin iyon, ang importante ay nasa tabi ko ang asawa ko. Pinunasan nya ang luha sa pisngi ko at hinalikan ako sa nuo, This is my favorite everytime na kino comfort nya ako, yung hahalikan ako sa nuo at ulo, yung hahaplusin nya ng buong ingat ang buhok ko. "I Love You" pilit na ngiti nyang wika at marahan akong sinuotan ng helmet. Nang sumakay kami ay yumakap ako sa baywang ng asawa ko at dinikit ang pisngi ko sa likod nya upang madama ang init ng katawan ng mahal ko. Nakaka relax ang presence nya, nawawala ang pag aalala at takot ko.

Tinahak namin ang madilim at malamig na daan, nakasunod sa amin ang van na lulan nila Sylfaen at Smile. Nauna naman sa amin si bLake ng ilang metro lang sakay naman ang motor nya.

*****Jenas

Nang mai park na namin ang motor ay naglakad na kami papunta sa unit namin

"Deliora, aakyat na kami" paalam ko kay Sylfaen gamit ang molar mic.

"Sige Dre, Mag iingat kayo paakyat" sagot ni Sylfaen. Halata sa boses nya ang pagod

"Mga Bok, duty muna ako sa taas" wika ni Blass, Si Blass naman kahit walang tulog kagabi dahil sa pag babantay sa amin ay hindi parin nagpahinga kaninang umaga tapos mag babantay nanaman sa amin ngayon

"Blass, wag mong pilitin ang sarili mo, Magpahinga ka na muna ako nang bahala ngayong gabi" wika ko "Mas mahirap kapag magkasakit ka wag mong abusuhin ang katawan mo"

"Thanks man" sagot ni Blass.

Sumakay na kami ng asawa ko sa elevator, kahit na hindi dapat naming gawin ay hinawakan ko ang kamay nya para pawiin ang takot na nadarama nya, kahit ngayon lang, kailangan kong samahan ang asawa ko. Hindi na ako nag aksaya ng panahon at oras, mas pinili kong pumasok sa loob ng unit ng asawa ko.

"Sasamahan kitang matulog ngayong gabi" wika ko bago kami pumasok sa unit ni Cerrah.

*****

Nang makapag hugas ng katawan ang asawa ko ay sumunod naman ako, iniisip ko habang nag sha shower kung papagalitan ko ang asawa ko o papalagpasin nalang ang kasalanan nya sakin, yung hindi nya ako ginising kanina, yung sinolo nyang habulin ang kalaban.

Huminga ako ng malalim. Haaayy. upset na si Cerrah ayaw ko nang dagdagan pa ang pagka upset nya.

Naka bathrobe ako at pinupunasan ng tuwalya ang basa kong buhok nang lumabas ako patungo sa kwarto ni Cerrah. Naka bathrobe din sya habang nakaupo sa upuan at nakatulalang nag susuklay ng buhok sa harap ng salamin. Dahan dahan akong lumapit sa kanya at binuhat sya para ilapag sa kama, nang makaupo sya ay umupo ako sa likod nya, pinasandal ko sya sa harapang bahagi ng katawan ko at niyakap habang hinahalik halikan ang ulo nya.

"Ito ang dahilan kung bakit ayaw kong sumali ka sa Civet" mahina kong sabi sa kanya "Kahit gaano ka kagaling, kapag hindi ka magiging alerto sa huliikaw ang matatalo" humigpit ang yakap ko. Sinubsob ko ang mukha ko sa pagitan ng leeg at balikat ng asaw ako "Sobra mo akong tinakot mahal ko, paano kung hindi ko nabasa ang kilos ng kalaban? paano kung napahamak ka? paano ka? Paano ako? paano si Rihan?"

#5 🅹🅴🅽🅰🆂.   (Jenas & Cerrah Book3) COMPLETED. 5th StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon