🥀🥀🥀🥀🥀🥀🥀🥀🥀🥀🥀🥀*****Segen
Anong nangyari? Isa-isang bumulagta ang mga kasama namin pati sina Silent at Khaleesi na kasalukuyang nasa bisig ko habang kabadong binubuhat upang itakbo sa clinic, Kinakabahan talaga ako, Ang tigas ng katawan ni Khalee na parang bangkay ang pagkakaiba lang ay ga munggo na pawis ang nasa nuo nya. Kasabay ko ay ang ilan pa naming kasama bitbit ang iba pang walang malay. Buhat ni Flare si Astrid, Buhat ni Sagara si Ren, Buhat ni Diether si Silent, Buhat ni Sendo si Smile, Buhat ni Chase si Cerrah at buhat ni Saenz si Jenas
Ilang oras na kaming nasa labas na naghihintay sa resulta ng pagkawala ng mga malay nila Khalee. Maya't maya narin akong tinatawagan ng Daddy ni Khalee pero panay end call ko. Nang marindi na si Sendo ay pabalagbag nyang sinabi kay Kit kung nasaab si Khaler na dahilan kung bakit napasugod sa bureau si Kit Vermillion. Nang makarating sya ay dumiretso sya dito sa Clinic. Nang makita nya ako ay isang suntok sa sikmura ang pabati sa akin ni Kit. Inawat kami ng mga kasamahan namin
"Ikaw" dinuro ako ni Kit at akmang susuntukin pero dahil wais ako agad akong umilag "Sa tuwing kasama mo ang anak namin puro gulo nalang ang inaabot nya sayo!" galit nyang sigaw "Pangalawang beses nang nalagay sa panganib ang buhay ng anak ko dahil sayo!"
"Teka lang, Niligtas ni Segen si Khalee nung barilan sa Party ni Demetria hindi ka man lang ba magpapasalamat? hindi kasalanan ni buddy yang nangyari kay Khalee" pagtatanggol sakin ni Sendo.
"Nasan na ang anak ko?! ibigay nyo na sya at iuuwi ko!" sigaw ni Kit
"Wala pa syang malay" sagot ko
"Wala akong paki!!" sigaw ni Kit "Sa ayaw o sa gusto nyo akin na ang anak ko!!"
Napilitan kaming ibigay si Khalee sa puder ng ama nya. Nang makaalis na sina Khalee ay isa isa namang nagising sina Ren at iba pa.
************
🥀🥀🥀🥀🥀🥀🥀🥀🥀🥀🥀🥀Theme Song:
LOST IN SPACE
By: Lighthouse🥀🥀🥀🥀🥀🥀🥀🥀🥀🥀🥀🥀
*****Cerrah
Dumilat ang mata ko nang maramdaman kong may humawak sa kamay ko
"Jenas" nanghihina kong tawag kay Jenas pero ang nakita ko ay isang nurse na may ginagalaw sa dextrose ko
"Doc" tinawag ng nurse ang doctor kaya lumapit ito sa akin at inilawan ang mata ko. May mga tinatanong sya at sumasagot naman ako peri sa totoo lang wala talaga ako sa huwisyo. Madami pa silang ginawang check sa katawan ko bago nila ako iwan. Iginala ko ang paningin ko sa paligid, nasa isang private room na ako. Bumukas ang pinto at dumungaw sa akin si Chase at Coco
"Thank Goodness Cerrah gising ka na" masayang wika ni Coco at lumapit sa akin habang si Chase naman ay nilapag ang prutas na hawak sa side table ko. "Kumusta ang lagay mo?" tanong nya
"Medyo masakit ang mata ko" sagot ko "Especially to my right eye"
"Same with others, masakit yung part na kinalalagyan ng nanochip nila" wika ni Coco
"Si Jenas?" tanong ko
"Nasa kabilang kwarto" sagot ni Chase
BINABASA MO ANG
#5 🅹🅴🅽🅰🆂. (Jenas & Cerrah Book3) COMPLETED. 5th Story
Teen FictionIsang taon matapos manganak si Cerrah ay pumasok siya sa Bureau bilang undercover agent dahilan para magkalabuan sila ng asawa nyang si Jenas. Nagkataong sa unang misyon ni Cerrah ay makakapareha nya si Jenas ngunit kikilos sila ng magkahiwalay. May...