𝕮𝖍𝖆𝖕𝖙𝖊𝖗 8: Applicant

77 3 0
                                    


🥀🥀🥀🥀🥀🥀🥀🥀🥀🥀

*****Cerrah

Balita ko ay naging mabilis ang pagpapaamo ni Jenas kay Silent Demetria, ano kayang istilo ng pagpapaamo ang ginawa nya at nakuha nya agad ang oras at loob ng babaeng iyon? Napataas ang kilay ko.

"Cerrah, ready ka na?" rinig ko ang tanong ni Coco, nasa Van na sila at nag mo monitor sa ikikilos namin ni Jenas "Wag kang kakabahan okay? nasa paligid lang sina Smile, Aluza at Avyghale, sila na ang ba back up sayo"

"Roger that" sagot ko at bumaba sa kotse na minamaneho ni Argel

"Goodluck sa pag a apply Guiña" wika ni Argel at binanggit ang call sign ko. Ngumiti ako sa kanya

"Thanks Javan" sagot ko at lumabas ng kotse. Inayos ko ang seductive pero semi formal na pang apply na damit, sa pag pasok ko naman sa isang malaking building ay dumiretso ako sa reception para mag inquire tungkol sa hiring. Sinalubong ako ng ngiti ng receptionist nila na si.. Avyghale

"Good Morning Ma'am, I'm Gia" Masayang bungad sa akin ni Avy

"Hi Gia, I'm here to apply for Mr. Sinister Demetria's Secretary" nakangiti kong sagot

"Please go to 9th floor for interview ng HR and if you're qualified papaakyatin ka po sa office ni Mr. Sinister" sagot ni Avy

"Thank you" sagot ko, bago pa man ako makalayo ay narinig kong may kinausap ulit si Avy

"Good Morning Ma'am, I'm Gia" Pakilala ni Avy

"Good morning, nandito po ako para mag apply, nabasa ko po kasi sa newspaper na hiring daw kayo ng secretarial position" sagot ng babae

"Sorry ma'am, pero may natanggap na po for secretarial position, better luck next time nalang po" sagot ni Avy

"Ang bilis naman, kahapon ko lang nabasa yung hiring nyo" reklamo nya

"Urgent po kasi tsaka you know naman pag big company diba ma'am? maraming naghahabol" chika ni Avy, pailing iling akong lumakad papunta s elevator. Hindi na bago sa akin ang mag apply sa mga big companies kaya hindi na ako kinakabahan bukod duon ay malakas ang self confidence ko dahil bukod sa maganda at sexy ako ay may experience na ako sa work at matalino ako.

Nang nasa 9th floor na ako ay pinaupo muna ako ng HR habang nag hihintay kami ng ibang applicant na mag a apply. Mag iisang oras na rin akong nakaupo sa couch nang nagtaka na ang HR

"Bakit kaya wala pang umaakyat na applicants dito?" tanong nya sa kasama nya at pumindot sa intercom para magtanong sa ibaba

"Good Morning Ma'am! I'm Gia how may I help you?" masiglang bati ni Avyghale

"Good morning, itatanong ko lang if may mga applicants pa jan sa ibaba?" tanong ng HR

"Wala pa pong nagtatanong kung hiring tayo ma'am" sagot ni Avy, este Gia pala.

"Ganon ba? nakakahiya kasi sa applicant dito, kanina pa nag hihintay" sagot ng HR "Anyways, thank you sa pag inform"

"Kanina pa po ako sa ibaba naglilinis ma'am wala ni isa ang napadpad sa building natin para magtanong tungkol sa hiring" sabat ng pamilyar na babae, paglingon ko ay si Smile, pretending to be a janitress

"Bago ka lang dito?" tanong ng HR

"Yes ma'am, Bagong Janitress po" sagot ni Smile "Excuse me ma'am mag ma mop lang ako" paalam nya.

"Ang daming bago ngayon pero hindi ko na interview" nagtatakang wika ng HR sa kasama nya

"Si Ma'am Jess po ang nag interview sa kanila last week ma'am" sagot ng kasama ni HR.

"Ganon ba? kaya pala di ko alam kasi naka leave ako last week" sagot ni HR "Ahm, Ms. Cerrah Jane BuenaVista?" tanong ni HR. Tumayo ako at lumapit sa kanya "I'm sorry to keep you waiting"

"It's fine ma'am" mahinhin kong sagot.

Nang ininterview ako ni HR ay agad akong pinaakyat sa 25th floor kung saan nag o opisina si Mr. Sinister Demetria. Wala na kasing nag apply na iba 🤣 thanks to Avyghale's tactics 😂😂

Habang nasa elevator ako ay humihinga na ako ng malalim habang kinakausap ako ni Coco thru spy earpiece.

"Cerrah, based from Smile's information, ang buong 25th floor ay walang CCTV at mga guards sa di malamang dahilan, wala ring ibang tao ang makakaakyat duon kung hindi naaabisuhan, be careful sa mga kilos C.E, don't get nervous when you encounter Sinister, nakikita namin ang paligid sa pamamagitan ng spycam na nakaconnect sa necklace mo" Paalala ni Coco, Ang gamit kong necklace ay niregalo pa sa akin ni Jenas nuong college kami 🥰🥰 I remember christmas gift nya sakin yon 🥰🥰 hindi na ako sumagot pa. Alam nyo ang astig sa spy cam ko? may nano GPS Tracker to 😊😊 bukod duon ay mayroon akong gamit na Multifunctional Contact lense kung saan meron itong specs na 1TB Memory, 15million HD Camera, HD 1080P Camera Format, High Definition Anti-Dazzling Lense, Telescopic contact lense sya na pwedeng mag zoom in at zoom out and meron itong chip and antenna na nag re receive ng power at nag se send ng information. Kaya naman kung ano ang nakikita ko ngayon ay direktang nakikita rin nila Coco sa monitor nila.

Nang makarating ko sa 25th floor ay sumalubong sa akin ang isang gigantic oak door, shet! nasa mundo ba ako ng The Hobbits? 🤣🤣🤣 kakatok sana ako pero biglang nag open ang pinto, gosh! hindi naman ako ignorante sa mga hightech na bagay pero... lakas maka pang bobo yung mga nasa paligid ko ngayon. When I enter the room, ginala ko ang paningin ko, elegant ang opisina ni Sinister, matte black ang theme ng buong kwarto na mayroong gold sa edges lahat ng gamit from tables to couches, even ang mga furnitures at pinaghalong black and gold lang ang kulay, Ang nakatawag lang ng pansin sa akin ay ang isang parte ng wall na mayroong blood red na kulay at naka emboss na dragon design, Seven headed dragon

"Could it be the seven subclass of syndicate?" tanong ni Coco pero hindi ako sumagot. Nanatili lang ako na nakatayo sa harap ng mesa na hindi ko masyadong maaninag dahil walang ka ilaw ilaw, ang mga glass wall naman ay natatakpan ng itim na curtains.

"Nandito ka na pala" Nagulat ako nang biglang may mag salita ng casual mula sa likod ko.

"Ah!" tili ko at napahawak sa dibdib ko sa sobrang kaba, napalingon ako sa likuran ko para tingnan kung sino ang nagsalita at pakiramdam ko ay namumula ako sa hiya nang makita ko ang isang lalaki na nakatapis lang ng tuwalya sa pang ibabang bahagi ng katawan habang ang itaas na bahagi ay walang saplot "Oh my gosh!" iniwas ko ang tingin ko at nagtakip ng mata

"Oohh lala" rinig kong wika ni Coco

"Baby girl" narinig ko ang autorative na tono ni Chase, Nag selos yata 😂

"Sorry kung nakita mo ako sa ganitong sitwasyon" wika ng lalaki na tila mayginagawa sa likuran nya, Narinig ko ang yapak ng sapatos na suot nya, ang bilis naman mag sapatos nun? Rinig ko rin ang pagkalinsing ng belt nya at tunog ng pagtaas ng zipper nya. "You can look now" wika nya, nang iangat ko ang mukha ko ay naglalakad na sya sa habang nagbubutones ng damit, bago sya umupo sa swivel chair ay isinuot nya muna ang americana nya. "Ahm, Please sit down" aya nya, para syang hindi elite kung kausapin nya ang isang katulad ko eh, charr!

🥀🥀🥀🥀🥀🥀🥀🥀🥀

Guys,
ano kayang klaseng tao si Sinister?
sa tingin nyo?
May ari sya ng malaking company na parang may connection sa Red Dragon Syndicate based narin sa design sa wall ng opisina nya pero parang balagbag lang sya kumilos at makipag usap no?

#5 🅹🅴🅽🅰🆂.   (Jenas & Cerrah Book3) COMPLETED. 5th StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon