🥀🥀🥀🥀🥀🥀🥀🥀🥀🥀*****Cerrah
Binabasa ni Sinister ang resume ko habang matama lang akong nakatingin sa kanya
"Cerrah Jane BuenaVista" basa nya sa pangalan ko "Your name sounds familiar" ngumiti lang ako, Familiar talaga dahil ang surname ko ay nakakabit sa Daddy ko na dating member ng sindikato nyo. "Is there any circumstances that we have met?"
"I think wala?" sagot ko "Sa school at bahay lang naman ako palagi and hindi ako basta basta napunta sa kahit anong family and friends occassion, After I graduated from college I worked as a System Designer sa NY" tumango tango si Sinister "I never heard about your name ngayon lang, nang mag job hunting ako"
"You have an impressive background sa previous job mo Ms. BuenaVista, Bakit ka nag resign?" tanong ni Sinister
"I realize na, Mas mapapabuti ako dito sa Pilipinas, I have a better job at NY but unfortunatelly hindi ako masaya na malayo sa kinagisnan kong culture, kaya bago pa man ako ma depress sa pagka home sick ko ay inagapan ko na" sagot ko
"And are you happy about that?" tanong nya
"Yes" sagot ko "Last year pa ako nandito and naging kontento na ako, hindi na tulad ng dati sa NY na palagi akong malungkot at palaging may isipin"
"So, anong pinagkakaabalahan mo last year after mong mag resign sa NY, na tengga ka ng isang taon eh" pagkilatis nya
"Nag enjoy, sinulit ko ang pagiging dalaga ko, nag travel ako out of town, alone, and... masaya talaga ako" sagot ko
"Okay, I like the way you talk to me Ms. Cerrah, gusto ko yung ganyan, yung casual at walang yes po sir, boss, your highness" natawa ako sa your highness nya "Honestly gusto kong parang kaibigan ko lang ang ang mga empleyado ko pero hindi ko alam kung bakit kahit anong pilit ko sa kanila na tawagin ako sa pangalan lang ay hindi nila ako sinusunod"
"Siguro nai intimidate sila sayo" nakangiti kong sagot "You have a dominant aura Mr. Sinister, yung tipo na kahit nagpapakahumble ka eh hindi ka cute tingnan kundi nakakatakot"
"Maraming nagsasabi sakin nyan especially my twin Silent" nakangiti nyang sagot, he's drop jaw gorgeous pero... Hindi ako na a attract sa kanya dahil iisa lang ang pinaka gwapo pagdating sa akin, si JENAS ko. 🥰🥰🥰 Nasan na kayang lupalop ng mundo napadpad ang asawa kong hayup sa kakisigan?🥰🥰🥰🤣🤣😂😂
🥀🥀🥀🥀🥀🥀🥀🥀🥀🥀
After my interview ay tinanggap agad ako ni Mr. Sinister sa trabaho pero para maging ready ako ay binigyan nya ako ng 3 days para mag prepare.
Paakyat ako ngayon sa condo unit ko na prinovide sa akin ng bureau, nang makatapat ako sa pinto ay napansin kong parang may tao sa loob, bahagyang naka bukas ang pinto.
"Coco bukod sa akin may kasama ba ako sa unit?" tanong ko
"Solo mo lang Cerrah" sagot ni Coco "Pero, nalimutan kong sabihin sayo na nanjan pala sa loob si Jenas" nang marinig ko ang sinabi ni Coco ay mabilis akong tumakbo papasok, ni lock ang pinto at nang makita ko ang asawa ko na nakaupo sa sofa ay mabilis akong tumakbo sa kanya, nang makita nya ako ay tumayo sya, Tumalon ako para magpabuhat kay Jenas at sinalo naman nya ako, mabilis kong pinulupot ang binti ko sa baywang nya, yumakap sa balikat nya at humalik sa labi nya. Nakipag halikan sa akin si Jenas "Ehem" narinig ko si Coco "FYI, may spy cam sa lahat ng sulok ng unit mo Cerrah at tanging sa cr ka lang magkaka privacy, if you want to make love sa cr nyo gawin yan" natigilan kaming dalawa sa pag lalaplapan 🤣 este halikan pala.
BINABASA MO ANG
#5 🅹🅴🅽🅰🆂. (Jenas & Cerrah Book3) COMPLETED. 5th Story
Fiksi RemajaIsang taon matapos manganak si Cerrah ay pumasok siya sa Bureau bilang undercover agent dahilan para magkalabuan sila ng asawa nyang si Jenas. Nagkataong sa unang misyon ni Cerrah ay makakapareha nya si Jenas ngunit kikilos sila ng magkahiwalay. May...