𝕮𝖍𝖆𝖕𝖙𝖊𝖗 84: Sometimes Water is Thicker than Blood

21 0 0
                                    


🥀🥀🥀🥀🥀🥀🥀🥀🥀🥀🥀🥀

*****DIETHER

Nagising ako nang may naramdaman akong malamig na dumadampi sa nuo ko. Pag dilat ng mata ko ay nakita ko ang isang babaeng kaedaran ko ang tumayo mula sa pagkakahiga sa tabi ko

"Gising ka na" pabulong at gulat nyang wika, di ako makasagot ng Oo dahil nanghihina ako nang nagulat ako dahil tinapon nya sa mukha ko ang malamig at mamasa masang bimpo na hawak nya sabay takbo "Salvador!! gising na sya!!!" dahan dahan kong inalis ang bimpo sa mukha ko. Nag taka ako nang tumakbo sa harapan ko sina Blake, Blass, Jancen, at dalawa pang lalaki at yung babae na nagpupunas sa akin kanina

"Gising ka na pala" wika ni Blake, pinilit kong tumayo pero pinigilan ko "Wag ka munang umupo mahihilo ka nyan"

"Bakit binalik nyo ko dito? Kailangan kong umalis sa salot na barrio na to" reklamo ko at pilit na umuupo pero pinitik ni Blake ang nuo ko "Aray!"

"Anong Barrio? barrio natin?" tanong nya pero di ako sumagot

"Wala tayo sa barrio natin" sumagot naman si Blass, kahit na kambal sina Blake at Blass ay hindi naman sila yung magkamukhang magkamukha kaya alam ko kung sino sila.

"Nasaan tayo?" tanong ko "Nakita nyo ba si Delavigne?" taning ko "Paano ng pala ako napunta dito? tsaka ikaw, ikaw" tinuro ko ang kambal "Ikaw Jancen bakit nandito kayo?"

"Chill" sagot ni Jancen "Hindi ako si Jancen, ako si Saenz"

"Kambal ni Jancen yan" sagot ni Blass

"Ha?" tanong ko "Kelan mo pa naging tropa tong kambal na to?" tanong ko. Alam nyo sa barrio namin karamihan ng populasyon ay kambal, triplets o kung di man kambal, sabay sabay na ipapanganak pero iisa ang nanay o iisa ang tatay 😂 kaya nga ang Lugar ng Mercado ay tinatawag ding Barrio Kambal

"Gutom ka na ba?" biglang sumingit sa usapan ang babae "Ako pala si Gertrude"

"Chase Dre" pakilala ng isang lalaki

"Ako si Flare" sagot naman ng isa "Mabuti pa Gertrude pakainin mo muna sya para makainom ng gamot at makapag pahinga"

"Magagawa ko lang iyon kung lalayas kayong lahat dito" sagot ni Gertrude

"Tinawag mo kami tapos palalayasin mo rin?" tanong ni Blass

"Si Salvador ang tinawag ko hindi kayo" nag pamaywang si Gertrude.

"Tara na nga" aya ni Blake "Palagi nalang tama ang babae"

"Oo nga tapos tayong mga lalaki palaging tinatamaan" sabat ni Flare "Asikasuhin mo sya ah" utos nya kay Gertrude

"Since dumating sya dito hindi ko maalalang inasikaso nyo sya bukod sakin" pagtataray nito.

**********

Nang mapakain at mapainom na ako ng gamot ay kinuwentuhan ako ni Gertrude ng mga pangyayari bago ako makarating dito. Nagulat nalang daw sila na isang gabi ay bitbit ako ni Salvador habng walang malay. Apat na araw akong tulog at may mataas na lagnat. Na ku curious ako kung sino at ano ba ang itsura ni Salvador

"Alam mo Diet, mas mainam na si Salvador ang sangguniin mo tungkol sa kaso ng kapatid mo, siguradong may maitutulong yun sayo" wika ni Gertrude

"Diet?" tanong ko

"Palayaw ko sayo" kindat nya at tumayo "Magpahinga ka na, ibabalita ko nalang kay Salvador na gumising ka na kapag nakauwi na sya"

**********

Kinabukasan ay kinausap ako ng masinsinan ni Salvador, Kinuwento ko ang lahat ng nangyari sa amin hanggang sa pag kawala ng kapatid ko, ipinakita ko rin ang bag ko na may limpak limpak na pera at papel na naglalaman ng address na binilin ni Ama sa akin. Nangako sya na dadalhin nya ako roon kapag maka recover ako.

***********

Nang gumaling ako ay hinatid ako ni Salvador sa address na tinutukoy ni Ama

"Tao po" katok ko, nang bumukas ang pinto ay bumungad sa akin ang tiyo "Tiyo?!" napangiti ako nang makita ko sy

"Anong ginagawa mo dito?" takot at gulat na tanong ni Tiyo at luminga linga sa paligid "Nasaan ang tatay mo?"

"Patay na po" sagot ko

"Patay na?" lalong lumaki sa takot ang mata nya "E bat nandito ka pa? umalis ka na" tinulak nya ako palayo sa kanya

"Tiyo binilin ni Ama na-" di ako pinatapos ni tiyo sa pag sasalita

"Wala akong pakialam!" sigaw nya at dinuro ako "Umalis ka na, matagal na akong nag bagong buhay, pamilyadong tao na ako, alam ko kung bakit nandidito ka, wag nyo na kaming idamay, may asawa at anak ako" sunod sunod na wika ni tiyo "Alis na!" sigaw nya at tinulak ako "Wag ka nang babalik dito! alis! wag nyo na kaming idamay, maliliit pa mga anak ko"

"Tiyo, parang awa mo na" pag mamakaawa ko "Patirahin mo ko dito, wala akong mapupuntahan"

"Umalis ka na, kalimutan mo nang magkadugo tayo" sagot ni Tiyo "Alis!" sigaw nya "Alis!!"

Nagulat ako nang biglang hawakan ni Salvador ang braso ko at hinila palayo sa Tiyo

"Papayag ka ba kung bubugbugin ko ang tiyo mo?" tanong ni Salvador

"Wag po" sagot ko. Sa isang eskinita ay huminto kami sa paglalakad

"Makinig ka, sa panahon ngayon hindi sa lahat ng pagkakataon ay mas malapot ang dugo sa tubig, tulad ng patatakwil ng tiyo mo sa iyo. Sumama ka sa akin, manirahan kasama ang mga kababata at bagong kaibigan mo. Hindi mo kami kadugo pero tatanggapin ka namin ng bukal sa puso. Kami yung tubig na bagaman hindi malapot pero maaari namang maging mas matimbang para sa iyo" paliwanag ni Salvador.

Simula non, Itinuring ko nang ama si Salvador at kapatid sina Blake, Blass, Saenz, Chase, Flare at Gertrude. Duon ko rin napag alamang Agent si Salvador at mga asset nya ang mga kaibigan ko, Tinuruan kami ni Salvador na lumaban, gumamit ng Baril, Patalim at kahit anong gamit na maaaring gamitin sa laban, Tinuruan nya kaming maging madiskarte, matalino at kalmado sa lahat ng oras. Nalaman ko rin ang tungkol sa pagkatao ni Saenz at kapag wala si Salvador at may oras kami sa isa't-isa ay napag kukwentuhan namin ang mga masasaya at masalimuot naming nakaraan.

********************************************

Isang araw, habang wala ang lahat sa hide out namin ay dumating si Salvador at Gertrude, Pinag gayak nila ako at dinala sa isang morgue kung saan nakita ko... Ang aking kapatid na si Delavigne, isa na siyang malamig na bangkay. Hindi ko alam, Hindi ko alam kung bakit nagawa kong mawalan ng emosyon sa kalunos lunos na nangyari sa kapatid ko, Base sa autopsy report na pinagawa ni Salvador buhat nang matagpuan nya si Delavigne ay hindi naman daw ginahasa ang kapatid ko kaya nga lang... Inalisan sya ng mga Internal Organs at sinuksukan ng maraming pera sa loob at nakasulat duon ang pasasalamat ng mga hayop na gumawa non sa kapatid ko, Pasasalamat naiwang kamag anak ni Delavigne  dahil kapalit ng maraming pera na iyon ay... ang buhay at lamang loob ng kapatid ko.

********************************************

Simula nuon, palagi na akong dinadamayan ng mga kasama ko, at nangako sila na sabay sabay naming bibigyan ng hustisya ang mga taong importante sa amin na namatay sa kamay ng mga sindikato. Naging desidido kami sa pag hahanap ng hustisya, Hanggang sa pinag aral kami ni Salvador sa kolehiyo at maging miyembro ng Civet na kinabibilangan ko ngayon.

********************************************

#5 🅹🅴🅽🅰🆂.   (Jenas & Cerrah Book3) COMPLETED. 5th StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon