𝕮𝖍𝖆𝖕𝖙𝖊𝖗 54:

62 3 0
                                    


🥀🥀🥀🥀🥀🥀🥀🥀🥀🥀

*****Cerrah

Kinabukasan ay nag simula na kaming mag ayos ng gamit namin ni Jenas para suungin ang panibagong obstacle. Pinag mamasdan ko sya habang nakatalikod sa akin at nag aayos ng mga gamit nya sa katawan, Ano kayang iniisipnya ngayon? ano kayang iniisip nya tungkol sa nangyari sa amin kagabi? 😅 nakakahiya

"Parang mabubutas yung likod ko" biglang wika ni Jenas at umikot para tingnan ako 😱 nahuli nya akong nakatitig sa kanya kaya ngumiti sya "Kaya naman pala para g may bumubutas sa likod ko tinititigan mo pala ako"

"Ha?!" 😱 "Oi! No! hin- hindi ui!" deny ko 🤭 "Asa ka pang tinititigan kita!"

"Okay sabi mo eh" sagot nya at muling inaayos ang katawan nya

"Gusto ko lang na malaman mong, Hindi purket nag sex tayo kagabi ay napatawad na kita sa kasalanan mo" pag iiba ko "Kailangan mo paring pagbayaran ang nagawa mo sa akin" lumingon muli sa akin si Jenas, lumapit, hinawakan nya ang ulo ko at ginulo ang buhok ko "Don't do that" sita ko "Annoying"

"Hindi ko iniisip na lusot ako sa kasalanan ko dahil may nangyari sa atin, pero, gusto ko ring malaman mo na masaya akong nakapiling kita kagabi" nakangiting sagot ni Jenas "Tara na nang matapos mo na ng maaga ang training mo"

"As if namang matatapos ko agad tong training" reklamo ko. Nagsimula na kaming mag lakad para tumawid sa ikatlong ilog nang may maalala ako "Hey Jenas! sagutin mo na pala yung tungkol sa ilang ilog ang tatawirin natin! akala mo nalimutan ko na no?" hindi ako sinasagot ni Jenas "Rivera! wag kang madaya binigay ko na sayo lahat ng gusto mo kagabi it's your turn to give what I want now"

"Isa" matipid nyang sagot 🤨

"Isa?" tanong ko

"Isang ilog lang ang tatawirin" sagot ni Jenas

"Isang ilog?" tanong ko "Anong isang ilog eh pangatlong ilog na to?" nagtataka kong tanong

"Iisang ilog lang yung tinawid natin kahapo at yung tatawirin natin ngayon" sagot ni Jenas "Magkarugtong lang"

"What?!" sigaw ko "Paanong nangyari yon?! dapat mapapansin ko na iisa lang yung ilog na tinatawid natin!"

"Nuong unang tawid natin,dinaan kita sa masukal na gubat para maligaw lang kita dahil ang totoo ay umikot lang tayo at yung inakala mong ikalawang ilog, tumawid lang tayo kahapon pabalik" sagot nya. Nakaramdam ako ng pinaghalong inis at galit kay Jenas I feel betrayed.

"What the hell Jenas!" sigaw ko, "Alam mo ikaw sinungaling ka talaga eh!" tinulak ko sya dahilan para muntik na syang ma out balance habang nasa kalagitnaan kami ng ilog "Iisang ilog lang naman pala ang tatawirin pinabalik balik mo pa ako! sinayang mo lang ang panahon ko!"

"May purpose ako kung bakit ko ginawa yon" sagot nya

"At ano?! para utuin ako! at akong si tanga nagpauto naman" inis kong sagot "Alam mo ikaw!" tinuro ko sya "Umalis ka na nga sa landas ko! wag mo na kong buntutan dahil tatapusin ko ang training kahit wala ka sa tabi ko!" nag simula akong tumawid sa ilog

"Hindi iyon ang purpose ko Cerrah" sagot ni Jenas

"Whatever your purpose is, I don't really care! so leave me alone!" sigaw ko "I don't want any help coming from you! traitor!"

"Makinig ka sa sasabihin ko" habol sa akin ni Jenas

"Shut up! I said leave me alone!" sigaw ko, hinawakan ni Jenas ang kamay ko para pigilan ako "Bitawan mo nga ako!" piglas ko

"In this training, all obstacles were made hindi lang para matuto kayo sa skills and combat, ginawa rin ito para matuto kayong mag calculate ng mga sitwasyon" hinarap ko sya habang nagpapaliwanag si Jenas sa akin "As you notice kapag nagtiwala ka na sa mga nakakasama mo ay mabilis ka nang maniwala kagaya nang nangyari sa atin ngayon"

"Oo nagtiwala ako sayo kaya naniwala akong hindi mo magagawang mag loko" bored kong sagot

"Cerrah isantabi na muna natin yung naging kasalanan ko please" halata sa boses ni Jenas ang pagkairita

"Wala naman akong sinabi about kay Silent at sayo ah" sagot ko "Eto naman masyadong guilty" ngumiti ako ng plastic "Ang ibig kong sabihin ay naniwala ako na may tatlong ilog ayun naman pala isa lang" palusot ko pero ang ibig ko talagang sabihin ay yung nangyari kina Silent at Jenas

"Ginawa kong lokohin ka tungkol sa bilang ng ilog na tatawirin natin dahil gusto kong matuto ka na makiramdam sa kapwa mo at wag basta basta mag tiwala" paliwanag ni Jenas "Hindi lingid sa kaalaman mo ang nangyari sa amin at sa bureau nuon diba? nag tiwala kami sa mga kasamahan namin sa bureau, pinaniwala nila kami, pinaikot, niloko hanggang sa nagkaroon sila ng pagkakataon na umatake" natauhan ako sa paliwanag ni Jenas "Ayaw kong mangyari sayo ang nangyari sa amin nuon, paano na kung mawala na kami at kayo nalang ang maiwan sa bureau, edi talo agadkayo kasi madali kayong maniwala"

"Para kang tanga" sagot ko "Anong pinag sasabi mong paano kung mawala ka?" galit ako kay Jenas pero di ko naman hinangad na mamatay na sya.

"Malay lang natin, di natin alam ang buhay" sagot ni Jenas

"Kung anu anong pinag sasabi mo" sagot ko nang bigalng may parang paputok na umalingawngaw sa gubat at pagtingala namin sa langit ay biglang may konting itim na usok "What's that? Is that a part of out training?"

"May nahuling trainee" sagot ni Jenas

"Anong ibig sabihin non?" tanong ko "Does that mean babalik sya sa umpisa?"

"Oo" sagot ni Jenas

"Ibig sabihin makakasalubong natin sya? or sila?" tanong ko

"Hindi" sagot ni Jenas "Every obstacle ay may secret passage pabalik sa first obstacle para hindi maistorbo ang ibang trainee, tara na" aya nya. Nag simula ulit kaming maglakad, parang engot lang kami, kanina lang ay nag aaway tapos ngayon okay nanaman haaayy buhay

"Oo nga pala, kung bumalik din sa ilog yung mga kasama ko bakit hindi natin sila nakasalubong?" tanong ko

"Dipende sa guardian yan Cerrah, hindi naman namin napag usapan kung paano namin kayo tuturuan, bumabase kami sa technique ni Salvador pagdating sa training" sagot ni Jenas "Isa sa tactics ko ang ginawa natin  ngayon at kung naisipan din ito ng iba kong kasama ay baka nasa ibang parte sila ng ilog dumaan, alalahanin mo mahaba ang ilog"

🥀🥀🥀🥀🥀🥀🥀🥀🥀🥀
Ayun naman pala Cerrah may purpose si Jena eii
masyadong atat kasi

#5 🅹🅴🅽🅰🆂.   (Jenas & Cerrah Book3) COMPLETED. 5th StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon