🥀🥀🥀🥀🥀🥀🥀🥀🥀🥀*****Jenas
Tahimik lang si Cerrah habang tinatahak namin ang kagubatan 😁 natakot yatang mahalikan? Masaya ako na kinakausap at pinapansin na ako ng asawa ko, nuong mga nakaraang sandali kasi ay napaka toxic na ng relasyon namin, lalong naging toxic nang magkasala ako sa kanya bagaman inaaway at sinusungitan parin nya ako ay mas gugustuhin ko naman iyon kaysa naman hindi nya ako kibuin. Pakiramdam ko bumalik kami sa panahon na nagsisimula kaming magka developan, away bati. Madalas na akong makaalala ng nakaraan namin ni Cerrah at talagang ipinagpapasalamat ko dahil hindi na apektado ng labis na kirot ang ulo ko sa tuwing nag a activate ang nanochip sa sistema ko.
Bigla akong nakatunog ng kakaiba sa paligid kaya naman hinila ko si Cerrah para magtago sa puno,
"Ano bang ginagawa mo?" tanong nya habang tinatakpan ko ng kamay ko ang bibig nya
"Shhh!" bulong ko at sumenyas na tumahimik kaya nanahimik sya, Dahan dahan akong nag masid sa paligid nang makita ko sina Flare at Astrid
"Sina Flare" bulong ko, nakisilip rin si Cerrah sa tinitingnan ko
"Anong ginagawa nila rito?" bulong ni Cerrah
"Dyan ka lang" utos ko at marahang lumapit sa kinaroroonan nila
*****
"Aray! aray! aray! arayyyy!" tila namimilipit sa kitot na wika ni Astrid, nakaupo sya sa malaking bato habang si Flare ay naka patiluhod sa sahig habang hawak ang isang paa ni Astrid.
"Tiisin mo lang Astrid" wika ni Flare
"Ang sakit Flare!!" iyak ni Astrid tila kailangan na nila ng tulong kaya naman lumapit na ako sa kanila
"Anong nangyari?" bungad ko, napaangat ng tingin si Flare habang napatitig lang si Astrid sa akin.
"Jenas" masayang wika ni Flare
"Jenas tulungan mo kami" pagmamakaawa ni Astrid at luminga linga "Si- si Cerrah?" tanong ni Astrid. Maya maya ay lumapit si Cerrah sa amin
"Napano ka?" nag aalalang tanong ni Cerrah, alam ko di pa okay yung dalawa pero tulad sa akin, masaya akong pinapansin nya na si Astrid.
"Na sprain sya nang ma ambush kami ng grupo nila Ren at Kira" sagot ni Flare
"Talagang sinusubukan ako ng ex mo!" sigaw ni Cerrah sabay turo sa akin 😳, shet! natulala ako sa bigla, tanging mata lang ang napagalaw ko at napatingin ako kina Flare at Astrid na nakatunganga lang sa amin ni Cerrah "Haay!" nag pamaywang sya. "Bakit ba ayaw nila tayong tantanan?!" reklamo ni Cerrah
"Dahil sila ang dahilan kung bakit nasa training kayo ngayon?" tanong ko
"Alam ko!" 😒 haaay, sinusungitan nanaman ako ni Cerrah
"Paano kayo nakatakas kina Ren?" tanong ko, si Flare at Astrid? matatakasan sina Ren? hawak ni Ren lahat ng drones na nag mamanman sa buong area namin, alam ni Ren kung nasaan ang lokasyon naming lahat, sya ang literal na CCTV namin
"Nahuli nila sina Smile at Sendo" sagot ni Astrid, napakunot ang nuo ko, Si Sendo mahuhuli? ni Ren? tumitig ako ng buong hinala kay Flare
"Paano kayo nakatakas?" Paninigurado ko
"Mamaya mo na ako i interrogate Rivera, tulungan mo muna kami" matigas na tono ng boses ni Flare. Huminga ako ng malalim
"RICE" wika ko, bigla akong hinampas ni Cerrah sa balikat
"Ano ka ba?! napilay na si Astrid naghahanap ka pa rin ng kanin!" inis na sita ni Cerrah, napatawa kami ni Flare habang nagtataka ang dalawa sa amin "Anong nakakatawa sa sinabi ko?"
![](https://img.wattpad.com/cover/300274802-288-k463650.jpg)
BINABASA MO ANG
#5 🅹🅴🅽🅰🆂. (Jenas & Cerrah Book3) COMPLETED. 5th Story
Teen FictionIsang taon matapos manganak si Cerrah ay pumasok siya sa Bureau bilang undercover agent dahilan para magkalabuan sila ng asawa nyang si Jenas. Nagkataong sa unang misyon ni Cerrah ay makakapareha nya si Jenas ngunit kikilos sila ng magkahiwalay. May...