𝕮𝖍𝖆𝖕𝖙𝖊𝖗 86: HACK

15 0 0
                                    


🥀🥀🥀🥀🥀🥀🥀🥀🥀🥀🥀🥀

May nag sira ng transmitter sa earbuds ng agents

screetching sounds, all agents sumakit ang tainga at

"Guys off your earbu-" Coco pero bago pa man matapos ni Coco ang sasabihin ay na disconnect lahat ng signal ng earbud at molar mic sa bureau

***** FLARE & ASTRID*****

tiiiiinnnggggggg....

"Ahhh!" Sigaw ni Astrid at napahawak sa tainga nang tila nabingi sya sa tunog ng transmitter ng earbud nila

"Anong nangyari?" tanong ni Flare at natatarantang chineck ang nangyayari kay Astrid, "Astrid" hindi nasagot si Astrid basta masakit ang nararamdaman nya sa tainga nya
"Sector 2, Abort mission kami may nangyari kay Astrid, over" pero walang nasagot "Sector 2" tumingin si Flare kay Astrid na nakapikit at nakahawak sa tainga "Sector 1 hindi ako maka connect sa Sector 2, over" wala paring nasagot

"Flare" Iyak ni Astrid

"What happened?, Mahal ko, sabihin mo sakin" natatarantang tanong ni Flare

"Masakit ang tainga ko" naiiyak na sagot ni Astrid. Hinawakan ni Flare ang kamay ni Astrid at nang ialis nya ito sa pagkakatabon sa tainga ay tumambad ang mumunting dugo mula sa tainga ni Astrid kaya agad na tinanggal ni Flare ang earbud sa tainga ng babaeng minamahal nya.

"Pumutok ang earbud mo" sagot ni Flare at kumuha ng first aid kit sa likod ng inuupuan nila sa kotse "Kumusta ang pandinig mo? malinaw mo ba akong naririnig?"

"Oo" sagot ni Astrid

"Mabuti naman at hindi nadamay ang eardrum mo" wika ni Flare "Let me check your earcanal" nakita ni Flare na nasugat ang ilang parte ng tainga ni Astrid

"What happened? I just heard screetching sound then suddenly my earbud explode" wika ni Astrid habang nilalapatan ni Flare ng paunang lunas ang tainga nya

"I don't know either Astrid, I experienced the same Screeching sound too " sagot ni Flare "And I can't contact the Bureau and Civets thru transmitter"

*****CIVETS*****

Mula sa headquarters...

"Anong nangyari?" tanong ni Ren kina Mhar at sa iba pang Superiors ng bawat Sector

"May sumira ng signal natin, hindi tayo makapag transmit ng data sa mga kasamahan natin sa labas Chief" sagot ng isa sa tauhan ni Mhar sa Sector 1

"Coco, Chase naririnig nyo ba ako?" tanong ni Ren gamit ang molar mic at earbud nya "Civets!" tawag nya. Pinaghalong Galit, inis, dismaya at pag aalala ang reaction ni Ren. Huminga sya ng malalim at nagsimulang tawagan sa cellphone si Coco. Sinagot naman agad ito ni Coco pero hindi sya nakikipag usap kay Ren bagkus ay niloud speaker ni Coco ang phone nya habang nagbibigay ng instructions sa mga kasamahan nya.

*****at Van

Nang biglang nawala ang mode of communication nina Coco sa mga kasamahan nila sa HQ at infiltrate agents sa loob ng ball kaya agad nag instruct ng plano si Coco sa mga kasama nya sa loob ng Van, tumawag si Ren pero wala syang panahong kausapin ang Superior nila kaya naman ay niloud speaker nalang nya ang cp nya para maging aware si Ren sa plano. Sina Sagara, Chase at Sylfaen ay nag re ready na ng gamit para sumugod

"Sagara, Sylfaen, Chase" wika ni Coco "Need nyo na i back up sina Segen at iba pa" Utos ni Coco "Unahin nyong i secure sina Cerrah,Smile, Khaleesi, Sinister at Silent. Susubukan kong tawagan sina Jenas at iba pa sa loob para sabihing umalis. Hanggat maaari iwasan nyong makipag bakbakan para di madamay ang mga civilians pero kung may ma encounter kayo please hulihin nyo ng buhay"

"Affirmative" sagot ni Chase at isa isang bumaba sa Van

"Mag iingat kayo" paalala ni Coco at nang tumakbo na sila papunta sa loob ay isinara na ni Coco ang Van at sya naman ay isa isang tumawag sa mga kasamahan pero kahit cellphone nila ay walang sumasagot. Tanging tunog ng putukan ng baril ang umaalingawngaw sa buong venue kaya naman naghanda na rin si Coco ng gagamitin nya kung sakaling mapapalaban sya. Kinuha ni Coco ang cellphone at kinausap si Ren "Ren" tawag nya "Nagkakaputukan na dito"

=========================================


#5 🅹🅴🅽🅰🆂.   (Jenas & Cerrah Book3) COMPLETED. 5th StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon