𝕮𝖍𝖆𝖕𝖙𝖊𝖗 55: Tease

63 4 2
                                    


🥀🥀🥀🥀🥀🥀🥀🥀🥀

*****Cerrah

Tinatahak namin ang masukal na kagubatan nang mapansin kong pinapagod ako ng mga sanga ng puno na kung hindi ay naka angat ay sobrang baba naman, grabe nakaharang sa daan, oo nga pala walang daan talagang masukal ang tinatahak namin

"Rivera hindi ka ba naliligaw?" tanong ko "Baka nililigaw mo nanaman ako ah"

"Pwede bang wag mo kong tawaging Rivera, hindi ka ba naiilang? Rivera din apelyido mo" sagot ni Jenas, hindi naman sya tonong galit, mas nangingibabaw yung hingal nya dala ng paglalakad

"Papalitan ko na apelyido ko pag tapos ng misyon" sagot ko, 😁 asarin ko nga to

"Subukan mo lang Cerrah Jane Rivera, maghahalo talaga ang balat sa tinalupan" sagot nya 🤗 nagpipigil talaga ako ng tawa ko ngayon 😆

"Pati kay Rihan papalitan ko" pang aasar ko, nilingon ako ni Jenas mula sa likod nya, ang sama ng tingin nya pero nakakakilig kasi ang ganda ng posture nya, ang gwapo nya lalo "Papalitan ko ng De-me-tri-a" nakikipag sukatan ako ng tingin sa kanya, ngumisi lang sya sa akin at ibinaling ulit ang tingin sa nilalakaran nya 😱 hinabol ko sya dahil talagang di ko expect ang respond nya sa akin, expect ko manggagalaiti sya sa galit pero kabaliktaran ang pinapakita nya sa akin ngayon. "Teka! hindi ka ba nagalit sa sinabi ko?" tanong ko sa kanya habang hinahabol sya

"Bakit naman ako magagalit?" masaya nyang tanong 🤨

"Bakit ang saya saya mo?" tanong ko

"Masama bang maging masaya?" masaya talaga yung tanong nya shet!

"Siguro masaya kang mahiwalay na kami ni Rihan sayo dahil ma so solo mo na si Silent no?" tanong ko, bakit di ako maka move on sa bruhang Silent na yon? aber aber Cerrah! huminto sya sapaglalakad kaya naumpog ako sa bag nya "Aray!" reklamo ko at napahawak sa mukha ko. Humarap sya sa akin

"Please stop mentioning names Cerrah" bored nyang sagot, tinuro ko sya

"See? see? Cerrah na lang yung tawag mo sakin" bintang ko 😳 natigilan ako, stupid Cerrah bakit nagpapahalatang nag se selos ka? huminga sya ng malalim

"Alam mo ba kung gaano kahirap magpigil ng damdamin? Sobrang selos na selos na kaya ako, banggitin mo lang yung apelyedo ng Sinister na yan kumukulo na dugo ko at halos mamatay matay na ko sa selos tapos sasabihin mo di ako nag seselos?" tanong nya "Pinag bibintangan mo pa ako" huh? nag papa cute ba to? kasi kung Oo, cute talaga sya magpabebe, hindi ko alam ang isasagot ko kasi nadale nya agad ako eii

"Bakit parang walang epekto sayo?" tanong ko "Yung sinabi ko kanina"

"Gusto ko kasi maging cool sa paningin mo, pag pinatulan ko yung pagpapaselos mo sigurado ako away nanaman yung kahahantungan kaya nag chi chill lang ako" sagot nya sabay kindattapos hinaplos yung pisngi ko 😱 tumaas yung balahibo ko, biglang nakuryente ako "Tara na" natigilan ako pansamantala habang nakanganga tapos muling humabol kay Jenas pero...

"Aray!" sigaw ko dahil napatid ako sa naka usling ugat, bago pa man makaharap sa akin si Jenas ay tumayo agad ako pero naumpog naman ako sa isa pang sanga "ARAYYYYYY!" gigil kong tili, nagliparan ang mga ibon na nakatira sa mga puno na dinadaanan namin, nakakagigil, kung hindi sobrang taas ng hahakbangang sanga sobrang baba naman ang pagka usli, "Riveraaaa" 🥺🥺🥺🥺 gusto ko nang umiyak kasi nangangatog na sa pagod ang binti at hita ko tapos ang hapdi pa ng tuhod ko gawa ng pagkakadapa tapos ang sakit pa ng ulo ko dahil sa pagkaka untog. "Tulong 😭😭😭" nagpabebe na ako sa kanya, sana maawa sya 😂😂. Umiling iling si Kenas at nilipatang pagkakasabit ng bag sa likod nya papunta sa harap, lumapit sya sakin

"Halika na, papasan na kita" wika nya. Ngiting wagi ako 😁😁😁

"Thank you!" masaya akong sumampa sa likod nya "Rivera"

"You're welcome Rivera" sagot sa akin ni Jenas, natawa ako sa sinabi nya "Diba? ang panget pakinggan kapag tinatawag ka ng asawa mo sa apelyido nyong dalawa?"

******

Habang pasan pasan ako ni Jenas ay natatanaw na namin sa di kalayuan ang liwanag mula sa labas ng kagubatan.

"Malapit na tayo" hingal na wika ni Jenas

"Mabigat ba ako?" tanong ko

"Oo, sobra" sagot nya

"Kawawa ka naman" wika ko

"Oo nga eh" sagot ni Jenas "Ikaw ba? hindi ka pa ba pagod magpapasan?"

"Hindi pa, pagod pa ako mag lakad eii" pigil tawa kong sagot 😂😂

"Kawawa naman ako no?" pagpaparinig nya sakin

"Oo nga kawawa ka naman" sagot ko. Isang malalim na hinga ang narinig ko mula kay Jenas kaya natawa na talaga ako "Sige na bababa na ako 😂😂😂" bumaba ako mula sa pagkakapasan ni Jenas, napa stretch stretch pa sya ng katawan "Wow huh!" irap ko "Arte mo ah"

"Mabigat ka kasi" reklamo ni Jenas

"Ako na mabigat! palibhasa parang papel yung Silent mo, isang buga lang liliparin agad" parinig ko sa kanya

"Isa pa" biglang sumeryoso ang tono ni Jenas "Isang banggit pa sa pangalan nya... Hahalikan na kita" 😐

"Silent" 😐poker face kong pang aasar, cute kaya si Jenas kapag mapatid ang pasensya 😁 nabigla ako nang hawakan nya ang mga balikat ko at marahas na tinulak para mapasandal sa puno, hindi naman ako nasaktan kasi yung pagtulak nya ay may kaagapay na guide, siguro nga knuckles nya ang nasaktan kasi ginawa nyang shield ang kamay nya para hindi maumpog ang likod ko sa puno, basta, banayad na tulak lang ang ginawa nya

teka, bakit ba pinagtatanggol ko tong asawa ko?
syempre asawa ko! tanga!

napailing iling ako sa pag aaway ng isip at puso ko nang... 😳 nabigla ako nang halikan ako ni Jenas sa labi, pagkatapos ay agad na binawi ang halik

"Kada banggit mo sa pangalan ni Silent hahalikan kita, kada banggit mo sa sa nangyari sa amin at sa pangalan ni Sinister ay gagalawin kita" banta nya
"Subukan mo ako Cerrah, when it comes to sex, hindi ako nag bibiro"😳 grabe natulala ako sa banta nya sa akin. Muli ay naglakad na sya samantalang hindi parin ako nagalaw sa pwesto ko "Tara na" iritableng aya nya kaya tumakbo ako para makasunod sa kanya. Tahimik ko lang syang sinusundan nang hablutin nya ang kamay ko, Oo, hinawakan nya ang kamay ko habang naglalakad kami sa kalagitnaan ng kagubatan, mag ka holding hands kamk 😱😱😱😱 feeling ko teenager ulit ako! kinikilig ako!!

"Pawis ang kamay mo" sita ko 😁 ang galing ko mag ruin ng mood no? sweet na ngang tingnan eh!

"Ilang linggo ba naman tayong di nagtabi sa kama" wika nya at lumingon sa akin ng nakangisi "Paanong di ako mapapasma nyan?"

"What do you mean Rivera?" tanong ko, di ako sure pero feeling ko kabastusan nasa isip ng lalaking to eii, jan magaling ang mga Civet na Lalaki green minded at double meaning.

"Come on Cerrah Jane Rivera di ka na virgin alam mo na ang ibig kong sabihin" sagot nya

"Pasmado ka dahil nag masturbate ka?" 🤨 vulgar kong tanong

"Pasmado ako kaka masturbate ko" 😱😱 napaka blunt talaga nya

"Rivera yung bunganga mo!" sita ko, tinawanan lang nya ako "Pustahan tayo iniisip mo habang nag mamasturbate si Silent no?" bigla akong sinunggaban ni Jenas at marahas na hinawakan sa pisngi habang hinahalikan ako sa labi

"Sabi ko sayo, kada banggit mo sa pangalan nya may consequence kang halik" wika nya nang tumigil sya sa paghalik sakin "Galit ka sakin diba? ibig sabihin ayaw mong hinahalikan ka" kinindatan nya ako

Jenas Rivera, ano bang mayroon sayo? bakit ang lakas ng tama ko sayo?

#5 🅹🅴🅽🅰🆂.   (Jenas & Cerrah Book3) COMPLETED. 5th StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon