🥀🥀🥀🥀🥀🥀🥀🥀🥀🥀*****Cerrah
Nagising ako nang makadama ako ng pangangalay sa mga braso ko. Pagdilat ko ay naka gapos na ako sa pagitan ng dalawang poste ng... Luminga linga ako
"What the" bulong ko ng makita na kahilera ko sa pagkakagapos sina Astrid, Smile, Aluza, Coco at Avyghale "Astrid!" tawag ko sa walang malay na si Astrid "Psst!" sitsit ko, ayaw gumising! pilit ko syang inaabot gamit ang paa ko pero malayo ang pagitan namin, magkakalayo kami ng pagitan "Astrid! wake the fvck up!" sigaw ko "Huy!"
"Gising na yung isa" wika ng babae at tumapat sa akin, napansin ko ang damit na punit kaya kilala ko sya, sya lang naman ang kinompronta ko at dahilan kung bakit nawalan ako ng malay
"Ikaw?!" inis kong sigaw at pumipiglas. Pilitko syang inaabot gamit ang paa ko pero naka distansya syang tumatawa.
"Wag ka nang mag aksaya ng lakas Rivera" sagot nya "Di mo ko abot kasi pandak ka" pang aasar nya
"Ano?! 5'6 kaya si Cerrah" napatingin kaming dalawa kay Coco na biglang nagsalita "Point lang yata lamang mo sa kanya"
"Good girl" natatawa kong wika kay Coco. "Bleeh!" pag dila ko sa babae
"What a brat" inirapan nya kami at dumating ang ilan pang kasama nila na may bitbit na kung ano "Itali nyo na yan sa kanila"
"Ano yan?!" tanong ko
"Sshhh!" sagot ng babaeng tumapat sakin at nag simulang may itali sa wrist ko
"Part pa ba ng training to? matagal nyo kaming ginapos tapos dadagdagan nyo pa ng mabigat ang pulso namin" sita ni Coco
"Kaya nga sabi ko wag na kayong mag aksaya ng lakas dahil mas mapapagod kayo" sabi ng babae, unti unting nagsigising ang mga kasama namin
"Ano to?!" ang tining ng boses ni Aluza parang sasabog ang eardrum ko
"Pakawalan nyo nga kami!" piglas ni Avy
"Ano ka Boss?" tanong ng babae
"Hindi" sagot ni Avy "Pero pakawalan nyo na kasi kami" di ko alam kung matatawa ako sa kanya o maiinis sa sudden change of attitude nya eii, may lahing kengkoy din yata tong si Avy.
"Bilisan nyo nang itali sa kanila yan, dadating na yung mga Knight in Shining Armour nila" utos ng babae
"Knight in Shining Armour?!" sabay sabay na tanong namin
"Yes! kayo ang mga Princess in Distress na ililigtas ng mga Knight in Shining Armor nyo" sagot ng babae. "May tip ako sa inyo, kung gusto nyong mapadali ang pagkakalas nyo jan sa pagkakatali sa inyo, panuorin nyo lang kung paano kayo ililigtas ng mga prinsipe nyo" wika ng babae "Tsaka, wag kayong masyadong magalaw. Balita ko kasi sinama sila sa training para subukin yung pulso nila, tsaka yung breathing at kung pasmado na yung mga kamay nila"
"What do you mean?" tanong ko
"Wag lang kayong galaw ng galaw mas mapapadali ang trabaho ng mga savior nyo okay?" sagot nya at pumalakpak "Angels, tara na!" sunod sunod na umalis ang mga babae
"Angels daw oh!" inis na wika ni Avyghale
"Baka Devils" sagot ni Coco
BINABASA MO ANG
#5 🅹🅴🅽🅰🆂. (Jenas & Cerrah Book3) COMPLETED. 5th Story
Teen FictionIsang taon matapos manganak si Cerrah ay pumasok siya sa Bureau bilang undercover agent dahilan para magkalabuan sila ng asawa nyang si Jenas. Nagkataong sa unang misyon ni Cerrah ay makakapareha nya si Jenas ngunit kikilos sila ng magkahiwalay. May...