𝕮𝖍𝖆𝖕𝖙𝖊𝖗 70: Sendo & Blass

25 1 0
                                    


🥀🥀🥀🥀🥀🥀🥀🥀🥀🥀🥀🥀

🤦🏻‍♀️
Sa tagal kong di nag update nalimutan ko ang rules ko sa pag susulat, Nalimutan kong may separate book pala ang mga bed scenes.

Burahin ko ba dito ang Chapter 69?

****************

***** Cerrah

Naunang lumabas sa kwarto si Jenas at naghintay ako ng 15 minutes para magkaroon ng gap ang pag punta namin sa ibaba para iwas atensyon sa mga kasama namin. Habang naglalakad ako ay nakasalubong ko sa hallway si Silent, she's wearing a 2 piece bikini

"Hey" bati nya

"Hey" sagot ko

"Bakit hindi ka pa naka swim suit?" tanong nya

"Wala pa kasi ako sa mood, Gusto ko pa sanang matulog dahil napagod ako sa byahe pero nahihiya ako kay Sinister dahil inaya nya akong bumaba dito" sagot ko habang naglalakad kami ng sabay

"It's fine kung gusto mo pang magpahinga, mahaba pa naman ang panahon na ilalagi natin dito" sagot ni Silent. Gusto kong malaman kung nagtataka ba si Silent na wala si Jenas sa paningin nya kaya pasimple akong nagtanong

"Mag isa ka yata?" tanong ko

"Oh! iniwan ko si Jenas kanina kasi I saw my friends a while ago, Siguro nag lilibot lubot yon para patayin ang pagka bored nya" sagot ni Silent

"Ahh" sagot ko, so, akala nya gumagala si Jrnas, Good yan. Napansin kong may kinawayan si Silent sa di kalayuan

"Hi guys" sigaw ni Silent sa tatling babae na nasa di kalayuan. "Cerrah they are here, mauna ka na sa ibaba, sasamahan ko muna sila. If Sinister look for me tell him I'm with my college friends"

"Okay" sagot ko "Enjoy"

Tumakbo si Silent sa mga kaibigan nya at sama sama silang lumakad papasok sa isang souvenier shop. Nang makapunta ako sa elevator ay pumasok ako duon at nang isasara ko na ang elevator ay biglang sumulpot si Jenas

😳

"Bakit nandito ka?" tanong ko at mabilis na pinindot ang ground button "Akala ko nauna ka"

"Bumalik ako sa kwarto ko, kumuha ulit ako ng extra na damit" sagot ni Jenas. After non ay hindi na kami nag usap pa nang bumaba ang elevator at muling bumukas ay natulala kami ni Jenas sa nakita namin, Tumambad sa harapan namin sina Sendo at Blass

😳 ganyan ang mukha ko

🤦🏻‍♂️ ganito naman si Jenas

😁😆 ganyan naman sina Blass at Sendo, Imbes na batiin nila kami ay dire diretsong silang pumasok

"Excuse nga" pabalagbag na wika ni Sendo kay Jenas at sadyang binangga ang braso nya sa braso ni Jenas, sumunod si Blass at pumuwesto sila sa likuran, medyo nag hihintay pa kami ng ibang sasakay nang pindutin ni Sendo ang button para magsara, masama akong napatingin kay Sendo. He only wink at me.

"Alam mo Buddy, Nakakatuwa talaga kanina, doorbell ako ng doorbell sa isang kwarto dito kada bukas nya di nya ako makita 😆" wika ni Sendo

#5 🅹🅴🅽🅰🆂.   (Jenas & Cerrah Book3) COMPLETED. 5th StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon