🥀🥀🥀🥀🥀🥀🥀🥀🥀🥀*****Jenas
Hindi ako makapaniwalang napagtagpi tagpi ni Ren ang detalye tungkol sa mga taong may kinalaman sa misyon namin, gayun din ang mga kasamahan ko ay bumilib kay Ren. Kasalukuyan parin kaming nakikinig sa report ni Ren sa amin.
"Sa kasalukuyan ay tatlo nalang ang natitirang Power House of New Black Technology, Sina Astrid Artemis Abellana (Smugling Firearms), Khaleesi Vermillion at Aisam Wevgen (Dark Web). Nahinog na ang nanochip sa sistema ni Astrid bago pa man sya mag 20 years old at ngayon ay nakikipag tulungan sya sa pag dedetalye ng mga nalalaman nya tungkol sa ledger samantalang hanggang ngayon ay wala parin tayong update sa data ni Aisam. Mag kaedad lang sina Astrid at Aisam kaya sigurado ako na nag activate na rin ang nanochip sa sistema nya. gayun din ang tungkol kay Khaleesi Vermillion (Drug Cartel) but thanks to Segen nagkaroon tayo ng lead sa kanya" Tumingin si Ren kay Segen "Samantalang ang mga Successor: Inheritors, descendants o heirs na sina Cerrah Jane BuenaVista (Red Web),
Smile Taylor (Sex Slavery), Jenas Rivaii Rivera (Child Trafficking) at ako,
Ren Ichica (Casa, Human Trafficking) ay hinihintay nalang na mag activate ang nanochip sa sistema namin. Ayon kay Astrid sinabi ng Daddy nya kapag umabot na sa 15-20 years ang nanochip ay kusang mag a activate ito. Sa mga successors naman na tulad ko, base sa karanasan ko ay mas mabilis ang pag activate ng nanochip within 5-15 years lang ay pakonti konti nang maglalabasan ang mga nilalaman ng ledger sa isipan natin. Rare case naman ang kay Jenas dahil mas mabilis lumabas ang details ng ledger sa kanya, 2 years lang after kang maturukan right?" tanong sa akin ni Ren, tumango tango lang ako.Bigalang pumasok sa conference room sina Yvone at Mhar kasunod ang ilang pang mga tauhan sa bureau, lahat kami ay agad na tumayo at nag saludo sa kanila, pagka saludo nina Yvone ay ibinaba na namin ang mga kamay namin pero nanatiling nakatayo, yung mga newly recruits, napangisi ako, di nila alam ang gagawin nila kaya naka ipo lang sa upuan.
"Mag si upo na kayo" malumanay na utos ni Yvone, kumusta na kaya sila ni Zaolo? simula nang aminin ni Yvone last year na may gusto sya sa akin kaya nya pinalabas sa pamilya ko na nag suicide ako dahil sa pang iiwan sa akin ni Cerrah at pinalabas nya naman kay Cerrah na patay na ako ay nagkahiwalay na silang dalawa, napansin kong nag usap sila nuong kasal ko pero di ko alam kung tungkol saan.
"Civet Elites sana hindi kayo magalit kay Ren, desisyon naming lahat na mga Superior ang pagpayag na pasamahin ang mga girls sa grupo nyo." paliwanag ni Yvone "Ito ang way ng bureau para ma secure ang mga successors ng ledger habang hinihintay nating mag activate ang mga nanochip. Kung susuriin nyo, nasa bureau na ang lima sa pitong ledger na kailangan natin para matalo ang kalaban, ang isa ay nawawala at ang isa ay nasa kamay ni Segen"
"Ko?" tanong ni Segen
"Segen Montefalco, inaatasan ka ng Bureau sa ilalim ng pamumuno ng Superior mong si Ren Ichica na maging misyon si Khaleesi Vermillion" wika ni Yvone, napakunot ang nuo ni Segen "Inaasahan namin na gagawin mo ang lahat upang mapasaatin si Khaleesi na hindi nalalabag ang kanyang karapatang pantao" Huminga ng malalim si Segen at tumayo. Sumaludo sya
"Ma'am! Yes! Ma'am!" sagot nya. Ngumiti si Yvone
"Ibibigay ni Srgt. Kumoro ang files na na assign sa iyo pagkatapos ng session natin" wika ni Yvone "Flare, inaatasan kang maging partner ni Astrid sa lahat misyon kung saan tutulungan nyo ang bureau na mag kalap ng balita tungkol sa kinaroroonan ni Aisam Wevgen. Kailangan mo ring bantayan at protektahan si Astrid sa abot ng iyong makakaya dahil hanggang ngayon ay hindi parin inaalis ang responsibilidad mo sa kanya. Chase at Coco, kasama sina Saenz at Aluza kayong apat naman ang susubaybay sa misyong papasukin nina Jenas at Cerrah"
"Mag i infiltrate kayo sa pamilya nina Sinister at Silent Demetria, gawin nyo ang lahat para mapalapit sa kanila at magtiwala sa inyo. Kailangan nyong makakuha ng impormasyon tungkol sa illegal business na pinapatakbo ng Parents nila, Ang suspetsa namin ay maykinalaman sila kung bakit nananatiling lihim ang identity ni Aisam sa atin hanggang ngayon" wika ni Ren
"Ang main goal ng bureau, ay... Makuha lahat ng nanochips sa mga Power House at New Generation of Black Technology. Kailangang magsama sama ang mga PaHaNaGaBaTa" wika ni Mhar
"Kailangan palang ingatan ang mga PaHaNaGaBaTa bakit isasawsaw nyo pa sa delikadong misyon?" tanong ko, di ko talaga ma gets
"Hindi sila pwedeng itago sa mga safehouse, delikado, at di sila pwedeng pag sama samahin sa isang safehouse dahil mas lalong delikado. Hindi pa ba kayo nadala sa huling pangyayaring naganap sa bureau? Nag sama sama sa bureau ang mga agents nuon anong nangyari? tinambangan sila, na frame up pa. Kayo? hiwahiwalay kayo ng misyon pero anong nangyari? mas naging open kayo kaya madali kayong naisahan ng kalaban" paliwanag ni Mhar, may pinto sya "Jenas, alam mo naman ang damdamin ko pag dating kay Cerrah diba?"
"Karibal mo si Sup?" inakbayan ako ni Sendo at malakas na nag tanong pero nakatingin kay Superior Mhar Thomas
"Hindi Civet" sagot ni Mhar "Importante sa akin si Cerrah dahil kaibigan ko sya, nasaksihan ko ang sakripisyong ginawa ni Jenas para maprotektahan si Cerrah kaya mas matiwala akong ligas ang mga Pahanagabata sa pangangalaga ng mga taong nagpapahalaga sa kanila. Iyon ang dahilan kung bakit kahit delikado ang misyon ay isinaalalay namin sa kamay nyo ang kaligtasan ng mga babaeng i portante sa buhay nyo dahil alam naming kahit ano pa man ang magyari ay hindi nyo hahayaang mapahamak sila sa ilalim ng pangangalaga nyo" paliwanag ni Mhar
"Ikaw Flare, hahayaan mo bang mapahamak si Astrid?" tanong ni Ren
"Hindi" sagot ni Flare. Tumingin sya kay Astrid na nasa harapan namin "Hindi ko hahayaang mapahamak ulit si Astrid, itataya ko ang buhay ko para sa kanya"
"How sweet" bulong ni Sendo sa akin, sinakop ng palad ko ang buong pagmumukha ni Sendo, napaka ligalig talaga ng utak nito 😑
"Ikaw Sagara, hahayaan mo ba akong mapahamak?" tanong ni Ren
"Hindi mangyayari sayo yun, tulad ng sinabi ni Flare, isasakripisyo ko ang buhay ko para maprotektahan ka" sagot ni Sagara
"Ikaw Sendo, Nakay Smile ang nanochip na minsang naging kay Andrea" pang aasar ni Ren
"Ano ba naman yan!" reklamo ni Sendo at nag snap ng daliri "Paano malilimutan ni Smile yung atraso ko sa kanya palagi mo pinapaalala?" Sinabunutan nya si Sagara "Sagara pagsabihan mo yung jowa mo"
"Ikaw na, ex mo sya eh" biro ni Sagara
"Hindi naman ako poprotektahan nyan, nuon nga pinabayaan ako ngayon pa kaya" sabat ni Smile, natigilan kaming lahat. Eto ang unang pagkakataong nakita namin si Sendo na nag seryoso sa sinabi sa kanya, alam nyo kung bakit? Pagkarinig nya ng sinabi ni Smile ay tumayo si Sendo
"Sumimasen" Wika ni Sendo "Mag chichill muna ako sa labas" nag walk out si Sendo
"Hala ginalit mo si Daddy" bulong ni Sylfaen kay Smile
"Nag bibiro lang, sineryoso naman agad" mataray na sagot ni Smile
"Cerrah, hahayaan mo bang mapahamak si Jenas?" tanong ni Ren
"Teka Ren malaki ba galit mo samin ni Sendo? bakit?" parang iinit ang ulo ko kay Ren "Bakit si Cerrah ang tinatanong mo? dapat ako ang poprotekta sa kanya" reklamo ko
"May nanochip ka rin sa katawan mo diba?" tanong ni Ren
"But that doesn't mean na sya ang magpoprotekta sa akin, babae sya" sagot ko
"That's my point, paano nyo ma po protektahan ang isa't isa kung ikaw nasa misyon at sya nasa safehouse?" tanong ni Ren. Natigilan ako. May point sya, tama si Ren, paano ko mababantayan si Cerrah kung malayo ako sa tabi nya? paano ako mababantayan ng asawa ko kung magkahiwalay kami ng landas?
Ngayon na gets ko na, alam ko na kung bakit sinama nila sa misyon ang mga babae. May tiwala sila sa kakayahan namin
"Segen ikaw ang nakatoka kay Khaleesi, i grab mo yung pagkakataon na sya ang humahabol sayo" utos ni Ren "Ibigay nyo na sa kanila ang files para mapag aralan nila" wika ni Ren sa mga tauhan ni Yvone.
🥀🥀🥀🥀🥀🥀🥀🥀🥀🥀🥀
Power (P)a
House (H)a
New (N)a
Generation (G)a
Black (B)a
Technology (T)aa (Alpha)
Priority, VIPgets?!
🥰🥰
BINABASA MO ANG
#5 🅹🅴🅽🅰🆂. (Jenas & Cerrah Book3) COMPLETED. 5th Story
Novela JuvenilIsang taon matapos manganak si Cerrah ay pumasok siya sa Bureau bilang undercover agent dahilan para magkalabuan sila ng asawa nyang si Jenas. Nagkataong sa unang misyon ni Cerrah ay makakapareha nya si Jenas ngunit kikilos sila ng magkahiwalay. May...