𝕮𝖍𝖆𝖕𝖙𝖊𝖗 63: Thank You

88 7 1
                                    


🥀🥀🥀🥀🥀🥀🥀🥀🥀🥀

***** Jenas

Hingang malalim, medyo mahirap din to, hindi ko special skill ang pagiging snipper at lalong lalo na mahirap para sakin ang gamit naming walang scope. Focus Jenas! para makaalis na sa pagkakagapos ang asawa mo, 

Bang! umalingawngaw nag pagputok ng baril, bahagya kong sinipat kung okay lang si Cerrah at napangiti ako nang maibaba nya ang isang braso nya, muli ay tumira ako

Bang!

"Yes!" sigawan ng mga kasama ko nang maalis ang gapos ni Cerrah

"Ang galing mo Koya!" asar nila pagkatapos ay sinabunutan ako

"Aray!" reklamo ko at tiningnan kung sino pero nag patay malisya silang lahat "Sino nanabunot sakin?" nag kibit balikat sila "Kala nyo di masakit?"

"Eto naman parang di nasasabunutan" sagot ni Sendo, Green minded talaga to!

"Ikaw nanabunot sakin no?" bintang ko

"Ako nanaman may kasalanan?" tanong nya

"Tama na ang landian nyo" sabat ni Sagara "Tara na sa cabin nyo"

"Cabin? baka naman trap nanaman yan ah" sagot ko

"Hindi" sagot ni Sagara "Natapos nyo ang mission bago mag dawn kaya ligtas kayo sa trap, pangako ni Ren iyan" humilata ako sa damuhan

"Mamaya na" pumikit ako, sobrang pagod ako ngayon kaya naman... mamaya na

*****Cerrah

Pag labas ko ng parthenon ay nakita ko ang mga kasama ko na natutulog sa damuhan, lihim akong napangiti, sobrang pagod namin ngayon kaya siguro mabilis lang silang nakatulog. Lumapit ako sa kanila at umupo sa tabi ni Astrid sabay sandal sa lupa, pumikit ako para umidlip

*****Ren

"Hon, seryoso? hinayaan mo silang matulog sa damuhan?" tanong ko habang nasa cabin kami

"Hayaan mo na sila, pagod sila kaya naman di na kinaya ng katawan nila" mahinahong sagot ni Sagara, umupo sya sa swivel chair at hinila ako para mapakandong sa kanya "Thank You Hon" bulong nya sa leeg ko

"Thank You for what?" tanong ko

"For being Ren" sagot nya, I can't understand him pero masaya ako sa sinabi nya, medyo nakakakilig rin 🥰🥰 biglang dumating sina Kira

"Excuse lovers" wika ni Kira at umupo sa isa pang swivel chair habang walang pakialam sa posisyon naming mag jowa "Nakatulog ang mga girls malapit sa Parthenon, We can't carry all of them kaya hinayaan nalang namin"

"Baka magkasakit sila" wika ko

"Seryoso?" tanong ni Kira "Jusme! mas masakit nga yung ginawa natin na training sa kanila, wag mo nang alalahanin yung mga Civet Ren, matibay ang baga ng mga yan, ang gawin nalang natin para makabawi sa kanila at syempre para token na rin dahil good job sila ay bigyan sila ng masasarap na pagkain, isang buong araw at gabi na relaxation at party" suhestiyon ni Kira

"What do you think Hon?" tanong ko

"I like Kira's idea Hon" sagot ni Sagara "Para maging good shot tayo sa kanila"

"Okay, I'll tell other sectors to help us in preparing the unplanned party" sagot ko

********************

*****Jenas

Nagising ako nang napansin kong nasa ilalim na kaming tent, agad akong napa upo. Kanina lang ay walang tent dito, Yung mga kasama ko ay masarap parin ang tulog sa damuhan

#5 🅹🅴🅽🅰🆂.   (Jenas & Cerrah Book3) COMPLETED. 5th StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon