𝕮𝖍𝖆𝖕𝖙𝖊𝖗 44: I need you more today

76 4 1
                                    


🥀🥀🥀🥀🥀🥀🥀🥀🥀🥀
Guys, soundtrip
I need you more today by: Caleb Santos
🥀🥀🥀🥀🥀🥀🥀🥀🥀🥀

*****Jenas

Dumadalas ang pananakit ng ulo ko, kumusta kaya ang asawa ko? napatingin ako sa kanya, nasa kumpulan sya ng mga girls habang nakikipag kwentuhan, napapangiti ako sa tuwing nakikita kong natawa sya 🙂 tuwing sabado o linggo ko nalang nakikita si Cerrah kapag may meeting sa bureau, madalas pa ay hindi nya ako pinapansin, talagang dinadaga ako na harapin at kausapin sya.

Napansin kong pumasok sa cafeteria si Astrid kasabay si Coco at kasunod nila sina Flare, Chase at Saenz, nagtama ang mga mata nina Cerrah at Astrid.

🙂 biglang may pumasok na alaala sa isipan ko

*****Flashback

Habang kumakain kami sa Canteen ay biglang naalibadbaran si Cerrah nang magtama nanaman ang landas nila ni Astrid. Kasama nya nanaman sina Flare, Chase, Saenz at si Gertrude A.K.A  Jenah Mayer, napansin kong tinantsa ni Cerrah ang gagawin ko at ni Gertrude siguro ay curious sya kung may feelings kami sa isa't isa pero wala, kunwari lang na may past relationship kami...

*****End of flashback

Nag iwasan ng tingin ang dalawa, inaya ng ibang girls sina Astrid at Coco sa grupo nila pero tumanggi si Astrid, si Coco naman ay sumenyas na sasamahan nya muna si Astrid, hindi parin pala sila okay, parang kami. Buti pa sina Ren at Sagara, settled na ang problema. 😔 haaayyy...

Napatingala ako sa taong nag lapag ng vegetable salad sa mesa ko

"Bakit di mo aluking kumain" kalmadong utos ni Segen. Hindi sya nagtatanong kahit na may word na BAKIT sa sinabi nya. Tinapik tapik nya ang balikat ko "Sige na, start the conversation, hindi kayo magkakaayos kung wala sa inyo ang makikipag usap" nilakasan ko ang loob ko at hinawakan ang salad

"Thanks bok" pasalamat ko at tumayo, huminga ako ng malalim, lumakad ako palapit sa kumpulan ng mga girls, nang makita nila akong papalapit ay isa isa silang nag dahilan at iniwan si Cerrah

"Teka, Where are you all going?" tanong ng mala anghel na tinig ng asawa ko, pag lingon nya sa likod ay nagtama ang mata namin, at, bigla nyang iniwas ang tingin sa akin at tatayo na sana pero agad kong nilapag ang vegetable salad sa mesa

"Pumapayat ka na" malumanay kong wika "Hindi ka ba nagkakakain?" hindi umimik si Cerrah "Para sayo yan, kumain ka ng healthy foods" huminga sya ng malalim at tumayo

"Excuse me" sagot nya at naglakad palayo sa akin, 😔 napakagat ako sa labi at walang pag asang napasunod ng tingin kay Cerrah pero nabaling ang atensyon ko sa mga kaibigan ko na walang tunog na nag chi cheer sa akin

Lahat ng mga kaibigan ko 🙂 napangiti ako, salamat sa kanila at sinosoportahan atpinapalakas nila ang loob ko, sinenyasan nila ako na sundan si Cerrah. Tumayo ako at tumakbo palabas sa cafeteria para sundan si Cerrah, naglalakad na sya sa hallway

"Cerrah" tawag ko pero hindi nya ako pinansin "Cerrah Jane" lalong bumilis ang lakad nya kaya nag lakad takbo naman ako hanggang sa lumiko sya kaya sinundan ko parin sya, pag liko ko ay sinalubong nya ako

"Susundan mo parin ako hanggang sa cr ng babae?" seryosong tanong nya, napaangat ako sa taas upang tingnan ang signage ng pinto, SHE 😑 pero napangiti ako 🙂 "Anong nginingiti ngiti mo?" masungit nyang tanong

"Kinausap mo na ako" nakangiti kong sagot, inirapan nya ako at akmang isasara ang pinto pero pinigilan ko sya "Ok sabihin na nating di mo ako kinausap, masaya akong narinig ko na ang boses mo ng malapitan" nakatitig lang sya sa mukha ko ng walang emosyon pagkatapos ay isasara na sana ulit ang pinto pero pumasok ako sa loob at ni lock ito 😳

"Rivera nag iisip ka ba?! bakit pumasok ka sa cr ng babae?!" mahinang tanong ni Cerrah, agad ko syang hinawakan sa pisngi at sinunggaban ng halik, saglit lang iyon dahil kumalas sya at sinampal ako, napangiti nanaman ako at muli syang hinalikan "Ano ba Rivera" mahina nyang piglas "Tumigil ka na" Dinikit ko ang nuo ko sa nuo nya, magkalapat din ang tip ng ilong ko sa tip ng ilong nya at magkalapit ang mga labi naming dalawa

"Ayaw mo na ba sakin?" tanong ko, hindi sya umiimik "Hindi mo na ba ako mahal?" tanong ko, muli ay umiwas sya ng tingin "Bakit ayaw mo ko tingnan sa mata Love?"

"Tama na Jenas, ayaw ko na" mahina nyang sagot

"Ayaw mo na sakin?" tanong ko, pumikit sya ng mariin "Titigilan kita kung sasabihin mong ayaw mo na sa akin" huminga ako ng malalim "Pero hindi ko maipapangakong magagawa kong tigilan ang panunuyo sayo at kahit sabihin mong hindi mo na ako mahal, imposibleng sumuko ako sayo, gagawin ko ang lahat para mapatawad mo ako, kung kinakailangang magpaka tanga ako para sayo, kahit magpakamatay pa ako para mapatawad mo ako gagawin ko" Tumingin sa mata ko si Cerrah, alam kong ayaw nyang marinig kahit na katiting na salita tungkol sa ikapapahamak ko kaya nag react na sya

"Sinaktan mo ako" sagot nya "Kailangan mong mag sisi" ngumiti ako "Tigilan mo yang kakangiti mo hindi ako natutuwa" ayaw nyang makita yung dimples ko, 😊 masaya na ako na binigyan nya ako ng pahiwatig na mapapatawad nya ako sa tamang panahon, muli ay hinalikan ko sya, hindi na pumiglas pa si Cerrah oero hindi rin naman sya tumugon, payapa kong kinalas ang pagkakahalik sa kanya

"Pagsisikapan kong mabawi ka, liligawan ulit kita" wika ko at humalik sa nuo nya "I love You Asawa ko" Bago ako lumabas ng cr ay muli akong humalik sa kanya at bumalik sa cafeteria, nakangiti akong nakipag fist bump sa mga tropa ko

"Mukhang good news ah" nakangiti nilang wika

"Balita dre?" tanong nila. Ngumiti lang ako at kumindat sa kanila

"Nice! Nice!" alam ko na gets na nila ang ibig kong sabihin. Ilang sandali pa ay bumalik sa loob ng cafeteria si Cerrah, umupo ulit sya sa pwesto nya kanina at kinain ang vegetable salad na nilapag ko sa mesa nya. Napangiti ako sa labis na tuwa. Kumuha ako ng pagkain at sumubo habang nakatingin sa asawa ko, hindi nanaman nya ako pinansin 😊 well atleast may chance ako sa kanya, Nang kukuha sana ako ulit ng pagkain ay nagtaka ako, bakit dumiretso ang kutsara ko sa mesa, pag tingin ko ay 🤨😒 nakabusangot si Argel

"Pagkain ko yung kinakain mo Bok" nakanguso nyang wika sa akin "PG" nagtawanan ang mga kaibigan ko, Oo nga pala, naalala ko, naubos ko na pala ang pagkain ko kanina 😂😂

🥀🥀🥀🥀🥀🥀🥀🥀🥀
Oh Jenas,
ayusin mo buhay mo ah,
binigyan ka na ng chance ni Cerrah
wag mo na sayangin ah

#5 🅹🅴🅽🅰🆂.   (Jenas & Cerrah Book3) COMPLETED. 5th StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon