🥀🥀🥀🥀🥀🥀🥀🥀🥀🥀*****Jenas
Nasa bar ako, kung saan minamanmanan ko ang babaeng naka assign sa akin. Si Silent Demetria, naka upo ako habang umiinom ng alak nang tumabi sa akin ang back up kong si Saenz, nagkukunwari kaming hindi magkakilala, sa dance floor kung saan sumasayaw ang target naming si Silent ay sumasabay na sumasayaw si Aluza hindi kalayuan sa kanya. Nasa paligid rin sina Sendo, Smile ay Avyghale habang sina Coco, Chase, Sylfaen at Blass ay nasa van, nag mamanman at nag momonitor sa kilos namin.
Nang mapagod si Silent ay lumakad sya para umupo pero hindi ko inaasahang uupo sya malayo sa pwesto ko pero salamat kay Avy na kunwari'y nabangga sya
"Sorry" rinig ko sa hidden mic nya ang paghingi ng dispensa ni Avyghale kay Silent, napangisi ako nang mapansing inirapan sya ni Silent, nasa malayo parin ang distansya nya nang kunwari ay naghaharutang mag jowa sina Smile at Sendo na dumaan sa gitna nila Avy at Silent dahilan para mapaatras si Silent malapit sa akin
"Stupid brats" inis na wika ni Silent at umupo ng padabog sa upuan at tumukod ng braso sa mesa. Sinenyasan ko ang isa naming kasamahan sa Sector na si Argel Marquez (Isang buwan na syang nag tatrabaho duon bilang barista buhat nang ma confirm ng grupo na palaging nandito si Silent Demetria) kumuha sya ng alak at inilapag sa harap ni Silent. Tumingin ito sa baristang si Argel na nginuso ang kinaroroonan ko, nang magkatinginan kami ni Silent ay itinaas ko ang hawak kong shot glass na pakunwa'y mag chi cheers sa hangin at ininom ng palagok. Masarap ang alak, hindi naman ako madaling malasing pero kailangan kong mag control sa pag inom dahil ayaw kong maging tipsy habang ginagawa ang misyon pero napataas ako ng kilay nang lapagad nanaman ako ni Argel ng isa pang shot glass ng alak. Di ko sana tatanggapin ang inalok na alak pero tinuro nya si Saenz, tumingin ako kay Puma na nakatingin din sa akin, ngumiti sya at nag thumbs up. Nang kinuha ko na ang shot glass ay narinig ko pang nag salita si Coco mula sa spy earpiece na gamit ko. Isa itong metal na kasing liit lang ng butas ng tainga kung saan ang type ng ear piercing namin para maibaon ang spy earpiece ay tinatawag na ROOK. Ang Spy Earpiece na gamit naming mga Civet ay mayroong low-visibility inductor loop na konektado sa Molar Mic na gamit namin. Ang Molar Mic ay naka kabit sa upper back teeth kung saan hindi ito makikita kapag naikabit na, maliit lang din ito kaya hindi nakakairita sa bibig. Ang Molar Mic ay gumagamit ng cranial vibration para mag send ng tunog sa tainga. Dito naman papasok ang process ng inductor loop kung saan ito ay mag sisilbing relay para maka receive ng signal galing sa radio transmitting it to the molar mic. Lahat kaming nasa civet ay may hightech na gamit mula sa pag i imbento ni Blake, Wise at sa tulog ng mga taga Metallica Sector na sina Jofer at Zaolo.
"Lynx, Hinay hinay sa alak baka malasing ka" paalala ni Coco sa akin. Lynx ang call sign ko sa Civet Elite. Masarap yung sinerve sakin ni Argel kaya ininom ko parin pero... Di ko alam kung ano na ang itsura ko ngayon alam nyo kung bakit? t*ng ina ang pangit ng lasa! bakit nagiba?! gusto kong mag reklamo at masamang tumingin kay Argel, nag pipigil sya ng tawa
"Wag kayong mag alala, hindi alak yung pinainom ni Javan kay Lynx" natatawang wika ni Saenz Callsign naman ni Argel ay Javan. tumingin ako ng masama kay Saenz, nagpipigil sila ng tawa nang marinig ko rin ang tawa nina Sendo, Sylfaen at Blass
"Sira ulo ka Puma, tinotoo mo talagang painumin ng toyo si Lynx?" natatawang tanong ni Sendo. Puma naman ang callsign ni Saenz
"T*ng ina mo Pampas alam mo na palang toyo yung ipapainom sakin kinunsinti mo pa si Puma" inis kong wika "Mga hayop kayo" narinig ko ang mga tawanan ng mga kasamahan ko. Sa pikon ko ay tumayo nalang ako at lumapit sa target
BINABASA MO ANG
#5 🅹🅴🅽🅰🆂. (Jenas & Cerrah Book3) COMPLETED. 5th Story
Roman pour AdolescentsIsang taon matapos manganak si Cerrah ay pumasok siya sa Bureau bilang undercover agent dahilan para magkalabuan sila ng asawa nyang si Jenas. Nagkataong sa unang misyon ni Cerrah ay makakapareha nya si Jenas ngunit kikilos sila ng magkahiwalay. May...