🥀🥀🥀🥀🥀🥀🥀🥀🥀🥀*****Jenas
"Pantanal, status report, over" wika ko habang naka sandal ako sa pinto ng terrace ng unit ko. Umiinom ako ng wine ngayon. Iniisip kung bakit walang pasintabi sina Coco tungkol sa planong pandadamba sa amin ng grupo ni Flare. Hindi parin sumasagot si Coco "Pampas, status report, over" hindi sumasagot si Sendo. Huminga ako ng malalim "Anong nangyayari sa inyo bakit hindi kayo sumasagot?" tanong ko "Serval, do you hear me?, over" radyo ko kay Chase "Puma!" tawag kokay Saenz, "Tengi nang trip yan" inis kong sita. Gusto ko na sanang ibalibag ang hawak kong glass wine sa terrace nang biglang magsalita si Cerrah.
"Coco please switch on the light" rinig ko ang boses nya sa earpiece ko. Mag sasalita sana ako nang sumagot sina Coco
"Ano ka gold?" tanong ni Coco, narinig ko rin tumawa si Sendo
"Ginawang voice recognition yung mga gamit sa unit" natatawang sabat ni Sendo
"Bakit hindi nyo ako sinasagot?" tanong ko pero tila wala silang naririnig mula sa akin. Nag tataka na talaga ako.
"Kumusta ka Cerrah?" tanong ni Coco
"Mahirap kunin ang loob ni Sinister" sagot ni Cerrah "Haay! nakakapagod"
*****Cerrah
Bagot akong naka hilata sa sofa nang marinig kong may kumakaluskos sa terrace ng kwarto ko kaya mabilis akong tumayo at dahan dahang kinuha mula sa ilalim ng mesa ang naka tagong caliber 45 ko.
"Anong nangyari Cerrah?" radyo ni Coco, hindi ako sumagot at dahan dahan paring naglalakad papasok sa kwarto at nag te take cover samga gamit at haligi na madaanan ko "Sendo, Avy, Smile pa back up kay Cerrah"
"Roger" sagot ni Smile
"Affirmative" sagot ni Sendo
"Roger that" sagot ni Avy.
"Cerrah wag ka munang susugod" utos ni Coco
"Hindi mo ba ma view sa CCTV yung daga?" tanong ni Saenz
"Hindi hagip ng camera" sagot ni Coco "Yung banda sa terrace"
"Shit, kulang ang na install kong camera" sabat ni Chase.
"Cerrah, nakapasok na sya sa kwarto mo. I see his shadow" wika ni Coco
"Roger that" bulong ko.
Nang makapasok ako sa kwarto ay agad kong binuksan ang ilaw sa loob at sa aking kama nakita ko ang aking asawa na nakahiga ng petiks habang nakatingin sakin. Kumaway kaway sya.
"Babe?" tanong ko
"Jenas?!" sabay sabay na tanong nina Chase, Coco, Sylfaen, Saenz, Aluza, Avy, Sendo at Smile
"What are you doing here?" nakangiti kong tanong. I missed my Jenas 😊😊😊🥰🥰🥰 I'm happy he's here. He spread his arms na tila gusto nyang yumakap ako sa kanya habang nakahiga sya kaya naman tumakbo ako sa kama at yumakap sa kanya "I miss you Babe"
![](https://img.wattpad.com/cover/300274802-288-k463650.jpg)
BINABASA MO ANG
#5 🅹🅴🅽🅰🆂. (Jenas & Cerrah Book3) COMPLETED. 5th Story
Teen FictionIsang taon matapos manganak si Cerrah ay pumasok siya sa Bureau bilang undercover agent dahilan para magkalabuan sila ng asawa nyang si Jenas. Nagkataong sa unang misyon ni Cerrah ay makakapareha nya si Jenas ngunit kikilos sila ng magkahiwalay. May...