🥀🥀🥀🥀🥀🥀🥀🥀🥀🥀*****Cerrah
Lumabas ako ng kotse ni Sinister nang pagbuksan nya ako ng pinto. Nakangiti akong nagpasalamat sa kanya.
"Sinister, thank you sa pag hatid sa akin" nakangiti kong pasalamat
"Wala yun Cerrah. I want to make sure na makakauwi ng safe ang soon to be Gf ko" sagot ni Sinister
"Pasensya na kung hindi pa kita maimbita sa unit ko, alam mo naman, bagong kilala palang tayo kaya bawal akong magdala ng lalaki" palusot ko sa kanya.
"I understand. Iniingatan mo lang ang dignity mo as a woman" sagot nya "Nadadagdagan tuloy ang mga qualities mo na nagustuhan ko sayo" ngumiti ako sa kanya "Sige na, pumunta ka na sa unit mo para maka pahinga. Good night Cerrah"
"Good night Sinister, mag iingat ka sa biyahe mo and thanks sa ride" sagot ko. Bago pumasok sa kotse si Sinister ay hinintay nya muna akong makasakay sa elevator. Nag wave pa ako sa kanya bago sumara ang elevator at ganon din ang ginawa nya sa akin, He also waved at me.
Pag pasok ko sa unit ay naisipan kong asarin ulit si Coco
"Coco, Please switch on the lights" biro ko
"Ano ka gold?" natawa ako sa palaging sinasagot sa akin ni Coco everytime na binibiro ko sya about automatic switching on ng mga ilaw. Nagulat ako nang mag click ang switch ng ilaw at nang bumukas ang mga ito ay lalo akong nagulat nang nasa likod ko lang pala si Jenas, bored na nakatayo sa tabi ng switch
"Oh my gosh!!" tili ko. Naku! kung kalaban si Jenas I'm sure nadali na ako 😱😱
"Musta ride?" malamig na tonong tanong nya.
"Bakit ba palagi mo akong ginugulat Babe?" tanong ko at dumiretso sa sofa para ilapag ang bag ko "Kumain ka na?" tanong ko
"Hindi pa Cerrah, ikaw?" tanongnya. Napakunot ang nuo ko sa ugaling inaasta ngayon ni Jenas
"Why are you calling me Cerrah?" tanong ko
"Pangalan mo yun diba edi itatawag ko Cerrah" sagot ni Jenas, ngumiti ako. Kung sabagay totoo naman
"What do you want me to cook for you?" tanong ko at naglakad papuntang kusina
"Wag na, hindi mo naman ako sasabayang kumain eh" sagot nya. Hindi talaga ako maka get over sa sudden change of attitude nya
"Do you have any problem babe?" tanong ko
"Wala" matipid nyang sagot at pabalagbag na humiga sa sofa
"Baby girl, can you please cover the screens" narinig namin ang utos ni Chase. "Jenas, Cerrah mute your molar mic at paki off na rin yung contact lense nyo"
"Affirmative" sagot ni Jenas at kinalikot ang mouth piece nya gayun din ang contact lense nya. Naki gaya rin ako sa ginawa nya dahil... Inutos ni Chase baka urgent?
"Anong meron? why do we need to disconnect?" tanong ko
"Musta work?" tanong nya sa akin, sasagot sana ako pero nainis ako sa pahabol nya "Ang tanong nag work ka ba? Sa pagkakaalam ko kasi maghapon kayong nag usap 'lang' ng kung anu anong kalokohan ng Sir mo" napa cross arms ako sa sinabi nya "Ay Oo nga pala, ni SINISTER pala, yung soon to be BF mo" napakagat ako nang labi
"Paano mo nalaman yung ginawa ko kanina sa trabaho?" tanong ko sa kanya
"You don't need to know" sagot nya
"I don't need to know?!" inis kong pag tatanong at galit na lumapit sa kanya. Humarap ako sa nakahigang si Jenas. "Hindi mo nirerespeto ang privacy ko Jenas!"
"Bakit kailangan mo bang magka privacy pag kasama mo si Sinister?!" galit na sagot nya. Ano to? bakit galit sya? "Ayaw mo bang malaman ko kung paano mo saluhin lahat ng pang pi flirt sayo ng lalaking yon?"
"Bakit ganyan ka mag salita sa akin?" tanong ko "Ako ba inoobliga kita na i detalye mo lahat sakin ang ginagawa nyo ng Silent mo?" tanong ko "Ang unfair mo naman! Pag tungkol sa trabaho ko kailangan monitor mo ako tapos ikaw sa trabaho mo kailangan secret kasi confidential? bakit? confidential din naman ang sakin ah? Bakit parang nang si CI ka?"
"Wala akong tiwala sa Sinister na yon" sagot ni Jenas
"At wala rin akong tiwala sa Silent na yon!" sigaw ko at huminga ng malalim.
"Lalaki ako, kaya ko ang sarili ko, ikaw baguhan ka palang tapos lalaki pa yon" sagot nya sa akin
"Wala ka bang tiwala sa akin?" tanong ko
*****Jenas
"Wala ka bang tiwala sa akin?" tanong ni Cerrah "Tell me! anong dahilan mo bakit ganyan ka mag react sa akin? wala ka bang tiwala sa kakayanan ko?"
"Meron" sagot ko
"Then why are you over reacting?" tanong nya
"Dahil ayaw kong nagkakapalagayan kayo ng loob ni Sinister Demetria" sagot ko
"Ano ka ba naman Jenas, wala pa tayo sa kalagitnaan ng misyon ganyan ka na, Hindi pa tayo nag sisimula ah" reklamo ni Cerrah "Unbelievable!"
"Masama bang magselos ang asawa mo?" tanong ko
"Ako ba nag se selos sa inyo ni Silent? Ano bang tingin nyong lahat sa akin bobo? na sa tuwing nasa misyon ka sa babaeng iyon dinidisconnect ako nila Coco para hindi ko marinig ang usapan nyo? ultimo access sa mga nakikita mo di ko mahingi sa kanila. Alam kong may tinatago sila sa akin related sa misyon mo, alam kong nag ko cover up sila para sayo" paliwanag nya. Hindi ko ina under estimate ang IQ ng asawa ko, alam kong nakaka sense din sya ng kakaiba sa trabaho ko pero, may tiwala ako sa sarili ko na kahit makipag laplapan pa ako sa ibang babae, kahit may mangyari pa sa amin ay mahal k9 parin si Cerrah dahil parte lang lahat ng misyon ang pag gamit ko sa katawan ko pero kay Sinister? wala akong tiwala sa kanya. "Jenas. Once na malaman ko kung anong nililihim nyong lahat sa akin, Humanda ka. Don't make any move na magiging dahilan kung bakit ibabaling ko ang tingin ko kay Sinister dahil sa pinapakita mong ugali sa akin ngayon? mas nalalamangan ka na ni Sinister" banta nya. Binantaan nya ba talaga ako? nag init ang ulo ko sa huli nyang sinabi. Mas lamang na si Sinister kaysa sa akin ngayon? para sa kanya lamang si Sinister at napag iwanan ako? Ngumisi ako.
"Okay" sagot ko "Lamang na ba sya sa akin? Sige, tingnan natin kung di ka mapaisip sa mga susunod na gagawin ko. Baka bukas makalawa masabi ko sayo na AKO PALA ANG SINAYANG MO" pagkasabi ko ng katagang iyon ay iniwan ko si Cerrah na hindi makagalaw, nag walk out na ako at naglakad palabas sa terrace nya para tumawid sa unit ko. Uso naman mag pinto pero, mahirap na kung may ibang makakita baka masira ang plano namin.
🥀🥀🥀🥀🥀🥀🥀🥀🥀🥀
😱😱😱😱😱😱
Weuw nag away sila,
Akala ko ba trabaho lang walang personalan?
Maka Selos si Jenas wagas e sya nga jan ilang beses nang nakipag halikan kay Silent, Naging mag on na nga sila at may endearment pa!BABE,
Wiw 😑😑😑
![](https://img.wattpad.com/cover/300274802-288-k463650.jpg)
BINABASA MO ANG
#5 🅹🅴🅽🅰🆂. (Jenas & Cerrah Book3) COMPLETED. 5th Story
Novela JuvenilIsang taon matapos manganak si Cerrah ay pumasok siya sa Bureau bilang undercover agent dahilan para magkalabuan sila ng asawa nyang si Jenas. Nagkataong sa unang misyon ni Cerrah ay makakapareha nya si Jenas ngunit kikilos sila ng magkahiwalay. May...