🥀🥀🥀🥀🥀🥀🥀🥀🥀🥀*****Cerrah
Umaga pa lang ay nagising na kami para mag exercise alam nyo kung bakit? ang sakit ng buong katawan namin dahil sa mga obstacles na pilit naming tinapos after that, kinain na namin yung Ready to eat meal namin at nagpahinga ng kaunti
"Nakatulog kayo kagabi?" tanong ni Coco habang nakaupo
"Hindi" sagot ni Smile "Nangangati ako dahil hindi tayo naka ligo kahapon"
"Eeww" pandidiri ni Avyghale
"Maka eew ka jan, ikaw ba nakaligo ka?" tanong ni Smile
"Hindi rin kaya parepareho tayong eews!" sagot nya
"Maligo nalang tayo sa ilog mamaya" suggest ni Aluza 😳
"Wag!" sigaw ko, nag echo yung boses ko
"Bakit wag?" tanong ni Coco at tiningnan ako ng mga kasama ko, Baka makita ni Jenas yung mga katawan nyo
"Ahh, ano" ano bang sasabihin ko? "Ahm, malamig pa kaya, baka magkasakit tayo" palusot ko
"Kung sabagay" pag agree nila 😌 haaayy buti naman "Mamaya na lang" 😱
"Wag!" sigaw ko nanaman
"Cerrah do you need to shout? hindi kami bingi" sita ni Aluza "Feeling ko may something sa ilog kasi ayaw mo kaming pumunta don"
"Wala ah!" tumaas nanaman ang boses ko
"You're acting weird" puna ni Avyghale
"May- may crocodile dun!" 😱 luh! bat ko nasabi yon? tanga tanga ka talaga Cerrah, yung mga mukha ng kasama ko ay talagang nag tataka sa akin
"Maigi yon para makatay natin" biglang lumabas sa tent si Astrid bitbit ang isang airsoft gun at mapa, napansin ko lang parang sya na ang nagiging leader namin "May nakita ba kayong mapa sa tent nyo?" tanong ni Astrid
Kanya kanyang punta ang mga kasama ko sa tent nila para halungkatin kung may mapa, sumunod ako sa kanila nang mapansin kong tinititigan ako ni Astrid. Nang makakita kami ng mapa ay lumabas kami at nagkumpulan
"Mapa tungkol saan ito?" tanong ni Avy, nilapag ni Astrid ang mapa nya sa sahig
"Bawat mapa na hawak natin ay kapiraso lang pero kung pagtatagpi tagpiin natin ay makakabuo tayo ng pinaka mapa" paliwanag ni ,Astrid. Nagtulong tulong kami para makabuo ng tamang ayos ng mapa, Ang mapa na nakuha ni Aluza ay mapa ng obstacles na napagdaanan namin kahapon, Ang mapa na nakuha ni Avyghale ay ang mapa ng kasalukuyang kinaroroonan namin, ang campsite at isang parte ng susunod na pagdadaanan naming training
"Teka, hindina pangkaraniwang obstacle tong susunod na dadaanan natin ah" puna ni Smile, hawak nya ang mapa na karugtong ng mapang hawak ni Avy.
"Operational Context" wika ni Avyghale "Eto yung pinaka actual obstacle na haharapin natin kapag nasa totoong laban tayo"
"So it means trial lang yung kahapon?" tanong ni Coco
"Oo" sagot ni Astrid, bigla kaming nanlumo, buong lakas at sikap naming pinaghirapang malagpasan ang obstacles kahapon pero trial lang pala "Cheer up guys, isipin nyo nalang na warm up natin yung nangyari kahapon, atleast alam na natin ang gagawin natin ngayon" tama, bagay kay Astrid ang maging leader namin dahil bukod sa magaling syang dumiskarte at sobrang observant ay tinataas nya rin ang tiwala ng mga kasama nya.
"Hawak mo Cerrah ang map sa pinaka dulo kung saan makukuha natin ang mga susi" wika ni Coco "Nasa iisang lugar lang ang mga susi,p" ngumiti sya "Madali na lang ang last obstacle" Naalala ko ang sinabi ni Jenas sa akin kagabi na mayroon syang punishment, sigurado akong pati kami aydamay dahil ang patakaran ni Ren, Kasalanan ng isa ay kasalanan ng lahat.
"Hindi natin alam, Hindi na ako papakampante na gagawin nilang madali ang pagkuha ng susi, sigurado akong maraming patibong sa open area na yan" sagot ko, Pinag aralan namin ang nilalaman ng mapa.
Pag alis namin ng Camp site ay pupunta kami sa mataas na walls ng isang abandonadong mansion, dadaan sa river beds na may malalaki, maliliit at madudulas na bato, susubukin ang tatag ng binti namin sa pag lagpas sa mga rubble o mga sira sira, debris at tira tira ng mga gumuhong gusali, Gagapang pa kami sa makipot na kanal, bangketa at matatarik na bundok, a man made hill? luminga linga ako, mayroong mga bulubundukin sa paligid pero, malayo naman iyon at kung titingnan ang mapa ay hindi talaga kasama ang bundok na dadaanan namin sa lokasyon ng tunay na bundok sa mapa, dadaan kami sa watak watak, maputik at mabatong anyong lupa,makakatagpo ulit kami ng sirang building kung saan tatawirin namin ang marurupok na corridors nito, wrong move and your out maybe dead, Tutulay kami sa mga natumbang puno, pagkatapos nuon ay open field, basta malawak na open field, sa dulo non ay mayroong isang saradong gusali para syang underground kailangang malagpasan iyon at paglababas sa lagusan ay ang lugar kung saan makukuha ang susi. Ano kayang pagsubok ang kahaharapin namin?
"Ano nang plano natin?" tanong ni Avy
"Maligo muna tayo sa ilog pagkatapos ay magsimula na tayong kumilos para maaga nating matapos tong training na to" suhestiyon ni Coco
"Maigi pa nga" pag sang ayon nila.
@River
Habang dahan dahan akong nagtatanggal ng damit ko para maligo ng hubo't hubad sa ilog ay sinusumpa ko talaga si Jenas, siguraduhin mo talagang hindi ka mamboboso sa amin Jenas, papatayin talaga kita.
Habang nakalublob ako sa ilog ay nagmamasid masid ako, ang ilang girls ay hinahampas at kinukusot ang mga damit nila sa mga bato para labhan 😑 kahit walang sabon
"Saan ka pupunta?" tanong ko nang umahon si Avy sa ilog, naka suot naman sya ng underware
"Nabasa ko sa journal ni Sylfaen na may isang uri daw ng halaman ang tumutubo sa ilog kung saan kapag kinuskos mo ay bubula at may nakakaayang amoy, iyon daw ang sinasabon nila nung nasa training pa sila" sagot ni Avy at nag simulang maghanap ng halaman "Bingo!" binunot nya ang dahin ng halaman, tumakbo palapit sa akin, kinuskos sa palad nya at bumula "See?" ginawa nya itong shampoo at sabon nya sa katawan, nakigaya ako at gayun din ang mga kasama ko
"Pwede ba to sa damit?" tanong ni Smile
"Try mo" sagot ni Avy
Nang matapos kaming maligo sa ilog ay bumalik kami sa camp site
"Hindi kaya mawawala tong mga damit natin?" tanong ko habang sinasampay naming ang mga basang damit na nilabhan namin
"Wala naman sigurong magnanakaw ng panty dito?" tanong ni Coco, natawa kami sa sinabi nya
"Babalik nalang tayo dito after training" sagot ni Avy. Sa loob ng tent namin ay may mga naka handang mga gamit tulad ng extra damit, short, first aid kit, MRE, airsoft gun, flashlight at iba pa kaya naman mayroon agad kaming naisuot, inaayos nalang namin ang mga pwede naming dalhin nang may umalingawngaw na tunog sa paligid, agad kaming naalarma, iginala namin sa paligid ang aming paningin upang alamin kung saan galing ang ingay, ito ay katunog ng trumpeta, o di kaya ay horn kapag mag ha hunting ng usa, ganon yung tunog. Maya- maya natanaw namin mula sa pinaka dulo ng obstacle na nalagpasan namin kahapon ay tumayo sina Ren at Kira, hawak hawak ang mga air soft gun nila na nakatutok sa kinaroroonan namin
"You've got to be kidding me" pailing iling kong wika habang nagtatantsa din ng sitwasyon ang mga kasama ko sa nakikita nila. Ang bilis naman nilang nalaman na binigyan ako ni Jenas ng kapiranggot na clue sa training na ito. Bigla silang nagpaputok ng baril na tila sinasadyang takutin kami dahil hindi pa nila kami nirektang barilin, talagang binaril muna nila ang lupa papalapit sa amin, alam kong hindi nila kami papatayin dahil parte ito ng training nang abutan na ng pagbaril nila ang kinatatayuan namin, halos sumayaw kami sa bala kakatalon
"Shete!" sigaw ni Avy nang tamaan sya sa paa, nagkaroon ng kulay pulang pintura ang paa nya
"Hindi sila nag bibiro! girls, takbo!" sigaw ni Astrid
🥀🥀🥀🥀🥀🥀🥀🥀🥀
Ang lupit ni Ren maging Superior eii
kamay na bakal
BINABASA MO ANG
#5 🅹🅴🅽🅰🆂. (Jenas & Cerrah Book3) COMPLETED. 5th Story
Teen FictionIsang taon matapos manganak si Cerrah ay pumasok siya sa Bureau bilang undercover agent dahilan para magkalabuan sila ng asawa nyang si Jenas. Nagkataong sa unang misyon ni Cerrah ay makakapareha nya si Jenas ngunit kikilos sila ng magkahiwalay. May...