Chapter 25: Bonfire

32 1 0
                                    

Saichi's point of view♪

"Bukas nalang tayo mag hiking." Sabi ko sakanila na agad namang sumang ayon habang inaayos yung kanilang tint at yung mga pagkain at mga gamit naming mga dala.

Ako naman ay tapos na sa pag ayos ng tint ko at kumuha lang ako ng cookies ngayon habang tinitignan sila. Nakita ko naman sina Hiro at Luke na parang aalis ata kaya pasikreto ko silang sinundan dalawa at ng malipat yung attensyon ni Hiro sa paligid ay hinila ko agad si Luke.

"Holly sh*t!" Gulat na mura niya at pagtingin niya kung sino ang humila sakanya ay parang nawalan agad siya ng tinik. "Sai naman! Muntik ng kumawala yung kaluluwa ko sa katawan ko kung sinong siraulong humila sakin eh ikaw lang pala!" Sunod sunod niyang reklamo sakin.

"Shhhh wag kang maingay!" Sita ko sakanya at napalingon kay Hiro na busy sa pagkuha ng mga sanga ng puno.

"Ano ba kasi yun?" Mahinang bulong niya sakin.

"Wala naman. Balik ka na muna dun ako na bahala dito at kakausapin ko lang si Hiro." Sabi ko sakanya at ang siraulo binigyan ba naman ako ng mapang asar na ngiti at walang paalam na naglakad paalis.

Pambihira..

Maingat at walang ingay naman akong naglakad papalapit kay Hiro sabay kalabit sa balikat niya.

"P*tang*nang multo!" Gulat na mura niya at napahawak pa ng bahagya sa dibdib niya. Pfffttt! Di ko naman mapigilang tumawa.

"Pffftt! Multo!? Pfftt! HAHAHAHAHAHAHA!!"

Inis naman siyang humarap sakin.

"Ano ba!? Nakakadalawa ka na ha!" Inis na sabi niya sakin.

"HAHAHAHAHA anong multo ka diyan!? Nababakla ka ba ha!?" Natatawa kong tanong sakanya dahilan para sumimangot siya sakin.

"Ano!? Ako bakla!? Utot mo!" Iritang bulyaw niya at naglakad papalayo sakin habang kumukuha ng mga sanga sa puno.

"Uyy sorry na! Ito naman hindi na mabiro." Sabi ko habang kumukuha din ng mga sanga sa puno.

"Lumayo ka nga sakin!" Bulyaw niya.

"Aba! Bakit ha!?" Bulyaw ko naman sakanya.

"Naabalibadbaran ako sayo!"

"Hoy excuse me!? Ang ganda ko naman para maalibadbaran ka!" Reklamo ko sakanya at dun na nagsimula ang war sa pagitan naming dalawa.

"Di ka maganda!"

"Ay wow! Pogi ka ba!? Bakla ka nga eh! Tamo kanina sumigaw ng multo!"

"Kasalanan mo naman! At tsaka bakit ka ba nandito!? Alis nga! Shooo!"

"Kung alisin ko yang mukha mo!"

"Tsk. Hindi nga tayo bati di ba!?"

"Batukan kita! Kasalanan mo naman nakayakap ka sakin!"

"Ewan ko sayo amazona!"

"Ikaw baklaa!"

"Isa pang bakla hahalikan kita makikita mo!"

"Howow! Matatakot na ba ako!?"






Someone's point of view♪

Assassin Princess - Series #1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon