Third Person POV
"Anong ginagawa niyo rito mga hijo?", tanong ng papa ni Haruko.
Nagulat at napalingon sila sa nagsasalita.
"Para rin ba yan Kay Haruko?", sabay nilang tanong habang nakakunot ang mga noo at tiningnan Ang kanyang dalang bulaklak.
"Ay naku Hindi, para ito sa mama niya.hahhah", tawang sagot naman ng papa ni Haruko.
"Nililigawan niyo po ba Ang mama niya?", ngiting tanong ni Sendoh.
"Ah ou ..hehhe.", tawa namang sagot ng papa ni Haruko.
"Eh kayo bang dalawa ay mga manliligaw ni Haruko? tanong naman ng papa ni Haruko.
"Ay Hindi pa po! Dadalaw lng po kami!", sabay na sagot naman ng dalawa.
"Aba! Sabay pa kayo ha! Hindi naman siguro kayo kambal ano? hahaha", namamanghang sambit naman ng ama habang naglalakad papuntang gate.
"Hindi po kami kambal!", giit namang sagot ni Rukawa.
"Talaga pong Hindi kami kambal. Mas gwapo pa po ako Jan hahhaha", tawang sagot naman ni Sendoh.
"Manahimik ka nga. Ano gwapo jan. Mas gwapo ako kumpara sa iyo kaya nainlove si Haruko eh!", seryosong sagot naman ni Rukawa.
"Mayabang ka din eh!", seryosong sabi naman ni Sendoh.
"O siya sige parehas na kayong gwapo!", sabat naman ng ama ni Haruko na napalingon Ang dalawa.
"Tayo na sa loob para maibigay na yang pareho niyong dala at para na Rin Makita niyo na si Haruko. Baka pa Kasi magrambulan pa kayo jaan!", dagdag pa niya habang binubuksan Ang gate at pintuan.
"Pasok kayo!", pag aayaya ng ama ni Haruko habang Ang dalawa ay nakakunot na naman ang mga noo sa itinuran ng ama ni Haruko.
Hindi pa Kasi nila alam na Ang nakausap nila ay Ang tanging papa lang naman ni Haruko.
"Ok lang po ba talaga pumasok?", takang tanong ni Rukawa.
"Wala pa po kasi Ang maybahay baka po Magalit.", dugtong naman ni Sendoh.
"Ano ba kayo! Ok lang yan. Dere-deretso na nga ako Dito eh!", ngiting sagot naman ng papa ni Haruko.
"Andito na ako!", sambit niya habang Ang dalawa ay nasa likuran lang na nagdadalawang isip Kung papasok.
"Hi honey!", bati naman ng mama ni Haruko habang pababa ng hagdan.
"Para sa iyo!", Sabi naman ng ama habang inaabot Ang dalang bulaklak.
"Salamat hon!", ikling sagot naman ng Ina Saka hinalikan Ang Asawa sa lips.
Nakita naman ng dalawa ang ginawa ng mag asawang Akagi kaya napasipol na Lang sila.
"Teka hon, may bisita Pala Ang anak mo!", ngiting Sabi ng ama sabay itinuro Ang dalawa.
"Bakit Hindi mo sila pinapasok! Nakakahiya!", giit niyang Sabi at iniwan Ang Asawa para puntahan Ang dalawa.
"Magandang hapon po sa inyo tita", sabay sambit ng dalawa.
"Magandang hapon din sa inyo. Pumasok na kayo!", pag aayaya ng Ina ni Haruko.
"Maupo na kayo jaan at tatawagin ko lang si Haruko.", dagdag pa niya.
"Salamat po!", sabay na Sabi ng dalawa at sabay pang naupo na ikinamangha ulit ng papa ni Haruko.
"Nagdududa na talaga ako sa inyong dalawa ah! sabay kayong nagsasalita at sabay din Ang kilos niyo!" dudang sambit ng ama.
"Atsaka parehong pareho pakayo ng dalang bulaklak at mga prutas!", sabay tingin sa mga dala nila.
BINABASA MO ANG
Haruko Akagi Love Story
FanfictionAno Ang gagawin mo pag nagkagusto ka sa dalawang tao at Hindi imo inaasahan na pareho din Silang maygusto sa'yo! Sino Ang pipiliin mo? Ang Isang Kaede Rukawa na kasalukuyang Ace player ng Shohuko o Ang Isang Akira Sendo na Ace player din ng Riyonan...