Rukawa POV
Simula nang bumalik kami ni Nikki sa America ay isnubsob ko Ang aking panahon sa paglalaro ng basketball, pagtatrabaho, pag aalaga sa pamilya ko at sinasamahan si Nikki sa mga gusto niyang puntahan.
Minsan napapaisip ako at gusto ko nang sumuko at tanggapin Ang aking sitwasyon ngayon Kahit na hindi ako Masaya. Nawawalan na ako ng pag-asa na maging kami pa ulit ni Haruko.
Dalawang Araw na lang at ikakasal na ako. Kaya dapat na akong magdesisyon na kalimutan na si HARUKO at bigyan ng chance Ang Kung meron anong relation kami ni Nikki.
"Ma, andito na po ako!", bungad ko galing nang praktis game namin.
"Oh kaede, pawis na pawis ka! Magbihis ka Muna.", Sagot naman ni Mama habang iniabot Ang Isang basong tubig.
"Si Nikki? Hindi mo Kasama?", Tanong pa niya.
"Hindi po.", maikling Sagot ko naman Saka ako nagbihis at binuksan Ang TV.
Nag uusap kami ni Mama nang big lang dumating si Nikki.
"Ayoko na!", Galit nitong sambit.
"Teka, huminahon ka Muna! Ano bang nangyari?", mahinahong Kong Sagot.
"Ayoko na! Ayoko nang magpakasal!", sagot naman niya.
"Pero Nikki, paano na Ang papa ko!?", Sagot ko naman.
"Don't worry, kinausap ko na si Daddy about Jan.", mataray naman niyang sagot.
"Nikki, pwede naman nating pag usapan to. Huwag niyo namang ibalik sa kulungan Ang Papa ko. Magpapakasal naman Ako Sayo eh, tsaka pag aaralan kong mahalin ka. Please lang...", sambit ko naman habang lumalapit sa kanya.
"Talaga? Mamahalin mo na ako? Gaya ng pagmamahal mo Kay Haruko?", Tanong naman nito.
"Susubukan ko.", ikli ko namang Sagot.
"Magkakaroon Tayo ng masayang pamilya? Right? Magiging Masaya ako at ganun ka Rin?", tanong niya pa.
"Hindi ko masisigurado pero susubukan Kung maging Masaya Tayo.", Sagot ko naman.
"Susubukan...susubukan!!! Wala kana bang iBang pukambibig kundi susubukan!!!!", Galit naman niyang sambit.
"Nikki Please....", pagmamakaawa ko pa.
"Mabuti pa sa iba Masaya ka! Doon sa mga katropa mo, Masaya ka..Nakita kitang nakangiti..Buti pa nga iyong mga fans mong babae nginingitian mo...ako na palagi mong Kasama...ni Minsan Hindi ka naging Masaya at ngumiti man lang!", mahaba niyang salaysay.
"Please Nikki, pipilitin ko nang maging Masaya...please lang...please huwag mo naman Gawin to...huwag mo naman ibalik si Papa sa kulungan. Please.", Sagot ko naman.
"About that! Di ba sabi ko kinausap ko na si Daddy!", sagot naman niya.
"At Isa pa, Wala nang kasal Ang magaganap!", dagdag pa niya bago tumalikod at lumabas ng Bahay.
Ako naman ay sinundan siya at Todo Ang pagmamakaawa.
"Ano bang gusto mong Gawin ko. Pakakasalan na nga Kita diba! Susubukan Kong maging Masaya Kasama ka. Please lang....", pagmamakaawa ko.
"Kaede, buo na Ang pasya ko! We're don here!", Sagot naman niya.
"Please...huwag mo tong Gawin please..maawa ka sa Amin, please maawa ka sa Papa ko.", mangiyakngiyak Kong sambit.
"You know Kaede, I've realized a lot Nung umuwi Tayo ng Japan. Na realize ko lahat lahat...never kitang nakitang nakangiti at Masaya na Kasama ako. I did a lot of effort na pasayahin ka pero walang effect Sayo. Inaalagaan Kita dahil mahal Kita pero Hindi mo na a-appreciate. Nakasimangot ka na Lang palagi at iyang kalungkutan mo Ang lagi Kong nakikita tuwing Tayo ay magkasama.", mahabang salaysay niya.
"Sorry.", tanging nasambit ko sa mga sinasabi nito.
"Alam mo, mahal na mahal Kita at Masaya akong nakasama Kita pero pag tinitigan Kita para akong naguiguilty. Hindi ko alam. Tama si Eiji, napaka selfish ko naman Kung Ako lang Ang magiging Masaya habang Ikaw ay Hindi. Kaya kaede, I will leave you na! Ayoko na Sayo.!", dagdag pa niya bago siya tuluyang umalis.
Kahit ni katiting Hindi ako nasaktan sa mga sinabi niya dahil totoo naman ng lahat ng iyon. Hindi ako Masaya sa kanya at lalong Hindi ko siya mahal. Ang ikinababahala ko lang ngayon ay paano na Ang Papa ko. Ipapakulong ulit nila dahil Hindi na matutuloy Ang kasal.
Dali-dali akong pumasok ng Bahay at kumuha ng jacket balak Kong puntahan Ang ama ni Nikki at magpapaliwanag sa inasta ko patungo sa kanyang anak.
"Sir, magandang araw po.", Bati ko nang makarating at makapasok ako Kela Nikki.
"Oh, andito ka Pala, Kaede. Maupo ka.", Sagot naman nito.
"Sir, gusto ko lang po sanang humingi ng tawad sa Inyo. Lalo na po sa ipinakita Kong ugali patungo sa anak niyo. Magbabago na po ako at mamahalin na po siya ng buo alang alang po sa ama ko. Huwag niyo po sana siyang ibalik ng kulungan, gagawin ko PO Ang lahat.", panimula ko naman.
"Ohh, Ayan Pala Ang sadya mo rito. Nasabi na ng anak ko na ayaw na niyang magpakasal. At naipaliwanag niya na Rin sa akin Kung bakit.", Sagot naman nito.
"Sir, please gagawin ko po Ang lahat.", pagmamakaawa ko naman.
"Napag usapan na natin Yan kanina, Kaede diba?! Huli na Ang lahat.", bungad naman ni Nikki.
"Ohh iho, Wala akong magagawa. Nakapagdesisyon na Ang anak ko.", sambit naman ng ama ni Nikki.
"Pero sir.", Sagot ko nalang.
"At tungkol naman sa ama mo.", paunang sambit nito habang may iniabot na papel.
"Ok na Yung Kaso ng ama mo. Malaya na siya. Kaya Wala ka ng dapat na ipag aalala pa.", dagdag pa nito.
"Talaga po...salamat po ng marami.", sambit ko naman at binasa ko Ang nakasulat sa papel.
"Salamat po talaga!", mangiyakngiyak Kong sambit.
"Pasalamat ka Hindi obsessed Ang anak ko Sayo. At Isa pa may nagugustuhan siyang iba.hehehhe.", kwento pa ng ama ni Nikki.
"Daddy! Huwag Kang magkwento. Kaibigan niya iyon.", namumulang awat ni Nikki.
Salamat naman at may nagustuhan siyag iba...salamat talaga!..Malaya na ako!!! ---ani ko sa isipan habang pinapanuod Ang dalawang masayang nag uusap.
Maya-maya ay nagpaalam na ako sa kanila at dumiretso na ng uwi upang ipagsabi Ang magandang Balita.
Ubod ng saya Ang aming tahanan sa Araw na iyon Lalo na Ang aking ama.
"Anak, salamat at dininig ng Diyos Ang aking panalangin.", wika ng aking ama.
"Ano bang ipinalangin mo Papa?", curios na tanong ng aming bunso.
"Ang maging malusog ka anak at maging Masaya Ang kuya mo.", Sagot naman ni Papa.
"Anak, balikan mo na si Haruko, siguradong matutuwa iyon.", dagdag pa niya.
"Hindi ko alam, Pa Kung magiging kami ulit pero susuyuin ko parin siya at liligawan ulit.", ngiti kong Sagot.
"Mahal ka ni Haruko anak. Iyon Ang panghahawakan mo.", sabat naman ni Mama habang ako ay tumango lang at nag group hug kami.
Napagpasyahan Kong umuwi ng Japan at Doon na ulit magpatuloy sa aking pag aaral at paglalaro ng basketball.
Dalawang Araw na Ang nakalipas simula ng umuwi ako sa Amin. Hindi ako napasabi ni kanino man hanggang sa naisipan Kong maglibot Muna sa Isang dalampasigan. Pumuwesto ako sa isang Lugar na walang tao at Doon ninanamnam Ang simoy ng hangin at sigaw ng alon.
"Ang sarap talaga Dito!", tanging nasambit ko habang nakapikit.
Maya-maya ay naalimpungatan ako sa sigaw ng Isang lalaki. Rinig na rinig ko pa Ang kanyang mga sinabi na nagpadilat at nagpakaba sa puso ko.
"Girlfriend ko na si Haruko!", ani niya ng paulit ulit.
Sino bang Haruko Ang sinasmbit nito -salaysay ko naman sa aking isipan habang hinahanap Ang nagsisigaw na lalaki.
Nang Makita at masilayan sila ay napagtanto ko na pamilyar Ang kanilang mga tindig kaya medyo lumapit lapit ako at Doon ko nasilayan na Ang Haruko'ng ipinagsisigawan niya Ang Ang tanging bumihag ng puso ko at Ang pinakamamahal Kong Haruko.
BINABASA MO ANG
Haruko Akagi Love Story
FanfictionAno Ang gagawin mo pag nagkagusto ka sa dalawang tao at Hindi imo inaasahan na pareho din Silang maygusto sa'yo! Sino Ang pipiliin mo? Ang Isang Kaede Rukawa na kasalukuyang Ace player ng Shohuko o Ang Isang Akira Sendo na Ace player din ng Riyonan...