Chapter 35

80 2 1
                                    

Third Person POV

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Third Person POV

"Salamat, Rukawa na pumayag Kang maisayaw ako!", sambit ni Yumi.

"Paano ako Hindi pumayag eh nakaluhod ka na!", inis na sagot naman ni Rukawa.

"Lumuhod ka talaga, Yumi?", tanong naman ni Sendoh.

"Ou eh, matigas Kasi si Rukawa pero naawa naman Pala!", ngisi nitong sagot.

"Bagay kayong dalawa!", sabat naman ni Aiya.

"Kayo Rin, bagay na bagay!", sambit naman ni Yumi. Habang Ang dalawa ay walang ekspresyon na makikita.

"Maupo na muna Tayo! Pwede ba yun?", tanong ni Sendoh.

"Mamaya na! Hindi pa nga natapos Yung kanta eh!", sagot naman ni Aiya.

"Nangangawit na ako!", Sabi naman ni Rukawa.

"Mamaya na, Rukawa! Kararating lang natin rito!", ngisi namang sagot ni Yumi.

Lalo namang hinigpitan Nina Yumi at Aiya Ang paghawak sa mga balikat ng dalawang kasayaw nila at dumikit pa ng husto.

Kasalukuyan lang nanunuod si Haruko sa dalawang lalaking gusto niya. Parang animo'y gusto niyang sabunutan Ang mga babaeng ito.

"Kung Hindi mo kaya, huwag mong titigan!", bulong ni Fujima na ikinabigla ni Haruko Saka naman niya nilingon si Fujima at nakipag titigan.

"Matutunaw ako niyan!", ngising sambit ni Fujima at agad naman ningitian ito ni Haruko Saka naman Pumagitna agad Ang kamay ni Jin.

"Tama na yan, nagseselos na ako!", sambit niya na medyo tinamaan na ng wine. "Haruko!", dagdag pa nito kaya biglang tumayo si Maki at inalalayan si Jin na ibalik sa upuan.

Napansin ni Haruko na Nakatingin lang sa gawi nila Ang kuya niya kaya agad naman itong napaayos at nakatuon sa bote ng alak Ang mga mata.

"Iihi lang ako! Umayos ka, Haruko!", sambit pa ni Akagi Saka tumayo pero nahihilo na ito Kaya inalalayan na Lang ni Hanagata papuntang banyo.

Habang Wala Ang kuya ni Haruko, naisipan naman niyang lumagok pa ng Isang basong wine pero pinigilan ito ni Kogure.

"Isa lang please!", pagmamakaawa pa ni Haruko kaya Wala ring nagawa si Kogure kundi hayaan nalang itong uminom.

Yung Isang baso ng wine naging dalawa Hanggang sa dumami. Inawat na nila ito pero Hindi parin nakikinig si Haruko.

"Tama na yan, Haruko. Marami ka nang na inom!", pag aawat pa ni Ayako.

Hindi naman na nakabalik si Akagi sa mesa dahil sa kalasingan kaya naman pinahiga na muna Nina Hanagata at Maki sa may gilid ng pwesto.

"Kampay!", sambit ni Haruko na nakataas ang baso.

"Kampay!", sagot Rin ni Kiyota na tinamaan na Rin ng alak.

"Kamapay!", sabat naman ni Jin na habang nakatulog na sa mesa.

Haruko Akagi Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon