Chapter 45

58 0 1
                                    

Haruko POV

"Hey!", bati ko Kay Riyu.

"Hey." - Riyu.

"Kamusta na kuya mo?", tanong ko naman nang makaupo ako sa tabi niya.

"So far, nakakarecover naman siya.", sagot naman nito. "Hindi mo ba dadalawin si Kuya?", dagdag pa nito.

"Hm. Baka mamaya?", tanging sagot ko na lang habang iniisip Ang nangyari kahapon.

Kahapon....

Pagkatapos ng klase, Hindi na ako nagpaalam pa Kay Rukawa na pupuntahan ko si Sendoh. Nang makarating ako Nakita ko si Trina at nagkausap kami. Humingi siya ng tawad sa mga nabitawan niyang masasakit na salita.

Nagkuwento pa siya Kung gaano sila ka close ni Sendoh. Sinasabayan ko naman siya sa kanyang pagtawa at pagngiti. Nang madapo Ang aking pagtingin sa kanyang mga mata, nakita ko kung gaano niya kamahal si Sendoh.

Kumirot Ang Puso ko nang Makita ko Ang mga matang iyon. Ang mga mata na puno ng pagmamahal. Kaya napaisip tuloy ako.

Makasarili ba ako?
Puso ko lang ba talaga Ang iniisip ko?

Nagtaka naman si Trina sa turan ko kaya napapitlag ako nang nagsalita ito. Maya Maya pa ay nagpaalam na ako sa kanya. Hindi na Rin ako pumunta sa kwarto ni Sendoh.

End flashback...

"Ok ka lang ba?", takang tanong ni Riyu na ikinamulat ko sa pag iisip.

"Ha?.ah.ou.", ngiti Kong sagot.

Nang matapos Ang klase, dumeretso na ako Kay Sendoh Hindi na ako nagpaalam pa Kay kuya. Itinex ko nalang si Ayako.

Bumili muna ako ng prutas bago ako pumasok sa loob ng hospital. Nakita ko naman si Riyu na nasa labas ng kwarto ng kapatid niya.

"Bat nasa labas ka?", bungad ko na ikinagulat niya.

"Haruko! Nanggugulat ka naman!", bigla niyang sambit. "Pumasok ka na sa loob. Bibili lang ako ng pagkain ni Kuya.", dagdag pa nito.

Tumango na lang ako Saka ko binuksan Ang pinto.

Tumango na lang ako Saka ko binuksan Ang pinto

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Haruko!", ngiting bati ni Sendoh sa akin.

"Hey.", nakangiti ko ring sambit.

"Namiss Kita, Haruko.", sambit pa niya Saka niya ako niyakap.

"Namiss din Kita.", tangi Kong sambit.

"Akala ko Hindi mo na ako dadalawin.", pagpapacute niyang sabi.

"Matitiis ba Kita.", ngiti Kong sagot habang naka upo sa tabi niya.

"Ou. Natiis mo nga na hindi magparamdam sa akin kahit kamusta lang sa text. Wala akong natanggap.", pagmamaktol pa niya.

Haruko Akagi Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon