Chapter 68

53 4 1
                                    

Haruko POV

Masakit man sa akin na ikakasal na siya, pilit ko paring inintindi Ang kalagayan niya.

Tinanggap ko nalang na Kahit kelan Hinding Hindi na mabubuo Ang kami----ang pag iibigan namin ni Rukawa.

Nang Makita ko siyang nakalugmok sa sahig nang dahil sa suntok na ibinigay ni Sendoh, gustong gusto ko siyang lapitan at tulungan Kaso naunahan na ako ni Nikki na siyang magiging kabiyak niya.

Masakit sa matang tingnan Ang dalawa Kaso Wala na akong magawa kundi tanggapin Ang lahat. Sa kabilang Banda naiinis ako at nagagalit Kay Sendoh dahil sa ginawa niya pero may parte sa akin na naiintindihan ko siya.

Nang Makita Kong susuntukin niya ulit si Rukawa, pinigilan ko siya at Buti nalang ay nakinig siya kaya heto ako ngayon akay akay ni Sendoh na malayo na Ang naglakad namin. Medyo sumasakit na Ang aking paa.

"Sendoh, pwede bang magpahinga Muna Tayo?", mahina Kong sambit.

Hindi man lang niya ako nilingon kaya inulit ko ulit Ang aking sinabi kaya huminto siya at tiningnan ako.

Sumenyas siya na dumapo sa kanyang likod upang buhatin ako kaya naman Wala na akong nagawa. Tinanggal niya Muna Ang kanyang coat at inilagay sa bewang ko Kasi medyo maiksi Ang aking suot at pinatanggal din niya Ang aking heels Saka ako sumampa sa kanyang likod.

Narating namin Ang Isang Parke, agad naman niya akong inilapag sa Isang bench. Inayos din niya Ang kanyang Sarili Bago nagsalita.

"Bakit di mo sinabi sa akin?", panimula niya.

"Dahil ayokong dumagdag sa problema mo.", sagot ko naman.

"Diba Sabi ko Sayo, pag may problema ka handa akong tumulong at damayan ka.", seryoso naman niyang sambit.

"Sorry Kung Hindi ko sinabi Sayo. Tsaka huwag ka nang Magalit Kay Rukawa, may dahilan naman siya Kung bakit niya Yun nagawa.", sagot ko naman.

"Nasaktan ka at pinaiyak ka niya, Haruko tapos ngayon pinagtatanggol mo pa siya?!", sambit naman niya.

"Naiintindihan ko naman Kasi siya Sendoh.", giit Kong Sabi.

"Ikaw na nga Yung nasaktan ikaw pa Ang umiintindi. ", pasigaw niyang sagot na ikinagulat ko.

Rukawa POV

Haruko. tanging nasambit ko nang Makita ko siyang papalayo kasama si Sendoh.

Nasasaktan akong Makita silang dalawang magkasama kahit alam kong ako ang nananakit kay Haruko.

"Pwede ba huwag mo akong hawakan!", inis kong sabi.

"Kaede.", tanging sagot ni Nikki sa pagkabigla.

Humarap ako sa lahat at Nakita ko ang pagtataka sa mga mata nila. Nakita ko rin ang namumuong galit sa mga mata ni Captain Akagi.

"Humihingi ako ng pasensiya sa inyong lahat. Sinira ko ang gabing ito. Pasensiya na.", hingi kong paumanhin sa kanila.

"Rukawa! Bakit? Bakit mo nagawang saktan si Haruko!", seryosong tanong ni Sakuragi.

"Pasensiya na kayo.", tanging sagot ko kay Sakuragi.

"Rukawa, kaibigan mo naman kami ah!!!handa kaming intindihin ka!", sabat naman ni Riyota.

"Sorry...sorry...sorry..", sambit ko saka ako lumabas ng building.

"Rukawa!", rinig ko pang tawag nila sa akin.

.

"Kaede, gamotin na natin yang sugat mo.", sambit ni Nikki.

"Pwede ba tantanan mo na ako!", inis kong sagot saka ko siya iniwan sa salas.

Haruko Akagi Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon