Sendoh POV
"Masaya akong Makita si Haruko ngayon." bulong ko habang papuntang loob ng gym.
"Masaya ka ata?", tanong ni Fukuda na Nginitian ko lang.
"Alam mo naman na Kung sino Ang nagpapasaya sa kanya eh. Tinanong mo pa!", sambit naman ni Koshino.
"Nakita lang si Haruko kanina, Ang sigla sigla mo na!", sabat naman ni Ikegami.
"Syempre love of my life ko ata yun!", ngiting sagot ko naman.
"Pero Sendoh, pinaalala ko lang sayo na andito rin sina Sakuragi at Jin.", Sabi ni Hikoichi na nagtatakang nakahinto ako.
Napakuyom ako ng kamay nang makita Kong nakayakap si Haruko Kay Jin.
"Kaya pala napahinto!", bulong ni Fukuda na tanaw Rin Ang eksena ni Haruko at Jin.
"Mukhang close na close ata Si Haruko at Jin ah!", sambit naman ni Koshino.
"Ou, unang nakilala kasi ni Haruko si Jin kaysa ni Sendoh!", sambit ni Hikoichi habang nakatingin din sa dalawang nag uusap.
"Kaya Pala!", sabat naman ni Ikegami.
"Sendoh, baka naman nagkakamustahan lang sila.", sambit ni Hikoichi habang nakatingin na ngayon Kay Sendoh.
"Ok lang naman ako guys!", ngiting Sabi ni Sendoh.
"Tama na yang pagbubulungan niyo. Tara na dun!", pag aayaya ni Coach Taoka.
Hindi ko alam para bang dinurog durog Ang Puso ko. Haruko, nasasaktan ako, nasasaktan ako! bulong ko.
"Huwag mo nang titigan pa!", bulong ni Hikoichi sakin.
"Talunin mo nalang sa basketball!", sabat naman ni Fukuda.
"Tama!", sang ayon namang Sabi ni Koshino.
Nang makarating na kami sa puwesto Hindi ako mapalagay. Parang tutulo na Kasi Ang luha ko. Kaya naisipan Kong mag excuse muna sa team.
"CR muna ako!", pagpapaalam ko.
"Samahan na Kita!", Sabi naman ni Hikoichi.
"Hindi na Hikoichi. Ok lang ako!", sagot ko naman.
Nanlulumo akong naglakad papuntang CR. Napatingin ako sa gawi ni Haruko na agad namang nagtama Ang aming mata. Kita ko pang nakangiti siya sa akin. Pero Hindi ko man lang siya nabigyan ng ngiti.
"Sendoh", tawag naman ni Maki sakin na nakasalubong ko.
"Maki!", sagot ko naman Saka kami nagkamayan.
"San punta mo?", tanong niya.
"Sa CR!", ikli Ko namang sagot.
"Sige!", sagot niya Saka ako nagpatuloy nangpaglalakad.
Nakarating ako sa loob ng comfort room na walang tao. Kaya nailock ko iyon at medyo nagmomoment.
Napabuntonghininga nalang ako. Wala na tuloy akong ganang maglaro. bulong ko.
"Ang ngiting iyon ni Haruko ay sign lang na Masaya siya. Masaya siya Kay Jin."sambit ko habang kausap Ang sarili saka inayos ang sarili bago lumabas.
Pagbukas ko ng pintuan, nabigla ako dahil nasa harap ko si Haruko.
"Haruko!", taka Kong Sabi.
"Sendoh!", malungkot niyang sabi.
"Ba't ka nandito?", tanong ko naman.
"Pwede bang makausap ka saglit?", tanong niya naman.
Tumango ako at sumunod sa kanya sa maylikuran ng gym.
BINABASA MO ANG
Haruko Akagi Love Story
FanfictionAno Ang gagawin mo pag nagkagusto ka sa dalawang tao at Hindi imo inaasahan na pareho din Silang maygusto sa'yo! Sino Ang pipiliin mo? Ang Isang Kaede Rukawa na kasalukuyang Ace player ng Shohuko o Ang Isang Akira Sendo na Ace player din ng Riyonan...