Chapter 60

50 6 3
                                    

Haruko POV

Dalawang linggo na rin Ang nakalipas simula nang kaarawan ni Maki. Naging maayos naman Ang relasyon namin ni Rukawa habang si Sendoh naman ay Hindi na nagparamdam. Si Sakuragi naman ay naging instant kuya ko dahil sa pagtulong ng aming pamilya sa kanya at tumupad naman si Rukawa sa pagbibigay ng allowance dito.

Mas mabuti natong ganito. Naka focus lang ako Kay Rukawa.-- bulong ko sa isipan habang papunta ng gym.

Nasa eskwelahan Kasi ako ngayon at kasalukuyang papunta ng gym dahil Wala naman kaming klase. Mag Isa lang ako Kasi Ang mga kaibigan ko ay may kanya-kanyang gagawin.

Bumungad sa akin Ang nakatawa at humahagikhik na si Sakuragi.

"Anong Meron?", nasambit ko out of my curiosity.

"Ang henyo ito Ang magpapanalo sa Tokyo team hahahahaha", rinig Kong sambit ni Sakuragi na ikinunot ng noo ko Saka dali dali akong lumapit Kay ate Ayako. "Bakit ganyan nalang kasaya si Sakuragi? At ano Ang tungkol sa Tokyo team?", tanong ko sa kanya.

"Bubuo Kasi Ang Tokyo ng Isang kupunan para irepresenta para sa buong Japan. At apat Ang napili sa school natin.", sagot ni Ate.

"Talaga?", sagot ko naman.

"Ou. Napili si Sakuragi, Ang kuya mo, si Mitsui at Ryota. Ang galing nga eh apat sila. Habang sa iba dalawa lang o tatlo.", sagot naman niya na ikinasaya ko.

"Kung nandito lang si Rukawa, siguradong mapipili iyon.", Komento ko naman.

"Aba siguradong sigurado Yun. Napakahusay nga ng boyfriend mong maglaro eh.", pahayag naman ni Ate Ayako.

"O nandiyan ka Pala, Haruko. Pwede bang sumama ka kay Ayako para maging assistant manager ng team?", tanong ni Coach Anzai na ngayon ko lang napansin.

"Ho? Ako po? Assistant? Ahh..ehh paano po pag aaral ko.", Bigla ko nalang nasagot.

"Sa bakasyon pa naman magsisimula Ang tournament ehh...kaya walang problema sa pag aaral mo.", sagot naman ni Ayako. "Sige na para may katunggali ako sa mga makukulit na players.", dagdag pa ni Ate.

Tiningnan ko Muna si Kuya upang humingi ng pahintulot at agad itong tumango.

"Okay po.", sambit ko nalang.

"Ay Isang tango lang sa kuya niya.", pahayag naman ni Ate Ayako ng Makita niya Ang turan ko.

"Ngayong sabado magsisimula Ang training. Kasama Ang ibang napili. Doon sa kainan gym gaganapin.", salaysay ni Coach Anzai. Biglang pagtugon ay tumango naman Ang team.

Samantala, Nagsimula na silang mag ensayo habang ako ay nanunuod lang katabi Sina coach Anzai at Ate Ayako.

"Kamusta na si Rukawa?", biglang tanong ni Coach Anzai.

"Ok naman po siya coach. Nag eensayo nga siya ng maigi dahil sa darating na tournament sa kanila.", sagot ko naman.

"Mabuti Kung ganun. Wala pa ba siyang balak bumalik rito?", sambit naman ni Coach na may kunting lungkot na mapapansin.

"Hindi ko pa po alam, Coach. Ang alam ko Kasi Hindi pa stable Ang business nila.", sagot ko naman.

"Namimiss mo ba si Rukawa, Coach?", tanong naman ni Ate Ayako na nahalata Rin ang lungkot sa tono nito nang magtanong.

"Ou.", pagsang ayon ni Coach at napangiti naman kaming dalawa ni Ate Ayako.

"Sino-sino po ba Ang kasali sa team Tokyo, Coach?", tanong ko naman.

Napansin ko namang kinuha ni Ate Ayako Ang papel na nasa likuran niya at ipinakita sa akin.

"Yang mga nakalista Ang sigurado ng pasok sa team.", pahayag ni ate Ayako at binasa ko naman ng maigi.

Haruko Akagi Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon