Rukawa POV
Kitang Kita ko Kung paano yakapin ni Haruko si Jin. Bakit? Ang dali mo lang siyang yakapin, Haruko! bulong ko sa isipan habang nakakuyom Ang aking mga kamay.
Nagtatawanan pa talaga kayo!
Wala akong nagawa kundi tingnan lang silang dalawang nagtatawanan. Baka nga nabaling na Kay Jin Ang pagmamahal mo sa akin, Haruko!
"Rukawa, ok ka lang ba?", tanong ni Mitsui na hindi ko kinibuan o di kayay napatingin sa kanya.
"Rukawa, huwag Kang mag aalala. Hindi ka naman ipagpalit ni Haruko eh! Nagkakamustahan lang Ang mga yan!", dagdag naman ni Ayako.
"Rukawa, magfocus ka! Huwag mong hayaang kainin ka na naman ng emosyon mo!", sabat ni Akagi na ikinabigla ko.
"Captain!", Sabi ko habang nakatingin sa kanya.
"Alam Kong gusto mo Ang kapatid ko, Rukawa. Pero Nandito tayo para sa pangarap natin. Kaya isantabi mo muna si Haruko.", Sabi pa niya.
"Ou, Captain. Pasensiya na!", sagot ko naman.
"Tama si Gori. Para sa pangarap natin kaya nandito Tayo! Kaya Rukawa hayaan mo na si Haruko sa akin ako na Ang bahala na mahalin siya hahahaha", tawang Sabi ni Sakuragi.
"Gunggong!", sabay sabay na sagot naman ni Mitsui, Akagi, Ryota at Rukawa.
"Asa ka pa!" sambit ni Rukawa Saka umalis at naupo sa tabi si Coach Anzai.
"Rukawaaaaa", sigaw ni Sakuragi.
"Hoy! Hanamichi manahimik ka nga. Huwag Kang gagawa ng kalokohan Dito!", inis na sambit ni Ryota.
"Hoy kulot isa ka pa!", galit namang Sabi ni Sakuragi.
Nagbabangayan na naman Sina Ryota, Mitsui at Sakuragi habang si Kogure Ang taga awat sa tatlo.
"Coach!", sambit ko na kasalukuyang nakaupo sa tabi niya.
"Ok ka na ba?", tanong niya sa akin
Tumango lang ako sa tanong ni Coach.
"Alam mo Rukawa hanggat Hindi mo makokontrol Ang emosyon mo maaapektuhan talaga yang laro mo! Dapat iyan Ang pagtuunan mo ngayon ng pansin. Kung si Haruko man Ang dahilan. Dapat mo na siyang Kalimutan", mahabang salaysay ni Coach Anzai.
"Pero Coach", bigla Kong Sabi.
"Kung gusto mong maging number 1 sa Japan, dapat Ang pag iisip mo ay sa basketball lang at Wala nang iba! ", Sabi pa niya.
Napatahimik ako sa mga sinabi ni Coach Anzai. Kung iisipin ko palang Ang Kalimutan si Haruko Mukha mahihirapan ako!
"Pero Kung makokontrol mo iyang emosyon mo, Hindi mo na kailangan pang iwasan at Kalimutan si Haruko.", dagdag pa ni Coach.
BINABASA MO ANG
Haruko Akagi Love Story
FanfictionAno Ang gagawin mo pag nagkagusto ka sa dalawang tao at Hindi imo inaasahan na pareho din Silang maygusto sa'yo! Sino Ang pipiliin mo? Ang Isang Kaede Rukawa na kasalukuyang Ace player ng Shohuko o Ang Isang Akira Sendo na Ace player din ng Riyonan...