Chapter 78

22 1 1
                                    

SENDOH POV

Sa mga nagdaang araw, naguguilty Ako sa nangyari Kay Haruko at lalong nasaktan ako nang Hindi niya ako nakilala. At Isa pa nakadepende at umaasa of all people Kay Rukawa pa talaga. Hindi ko na ininda Ang selos ko bagkus ay gusto Kong maibalik ulit ni Haruko Ang kanyang memorya.
Kahit na pinagtatabuyan niya Ako ay lagi parin akong dumadalaw sa kanya.

"Ba't andito ka? Ba't Wala ka sa tabi ni Haruko ngayon?", bungad ni Fukuda.

"Hindi ko alam. Ayokong Makita silang dalawa ngayon na magkasama.", sagot ko naman.

"Huh?! Talaga..sigurado ka na Ba Dyan?!.", paninigurado pa nito Saka tumabi sa akin.

"Hahayaan mo lang ba Silang maging Masaya doon samantalang Ikaw ay nagtitiis. Ikaw yung boyfriend Kay dapat nakaaligid ka sa nobya mo.", ani pa nito.

"Hindi nga ako maalala Nung tao eh.", sagot ko naman.

"Ngayon ka pa susuko? Mas kailangan Ka ngayon ni Haruko.....Paano Kung nagising Siya Isang araw at may maalala Siya, maalala ka niya ano nalang Ang kanyang sasabihin.", pagpapatuloy pa ni Fukuda.

"Tama si Fukuda, Sendoh. Mas kailangan ka ni Haruko ngayon! Ano naman ngayon Kung hindi ka niya makilala. Ang mahalaga ay ipinadama mo sa kanya ang iyong pagmamahal, suporta at malasakit.", bungad naman ni Koshino na kanina pa nakikinig.

Tama sila. Mas kailangan ako ni Haruko. Dapat nasa kanyang tabi lang Ako. Mas kailangan niya Ako ngayon -- paghihinunaha ko ata gad akong tumayo at hinarap Silang dalawa.

"Salamat sa inyo at humihingi ako ng pasensiya Kung Minsan hindi ako nakakaattend ng praktis natin.", wika ko.

"Wala yun, Sendoh. Naiintindihan ka namin.", sagot naman ni Fukuda.

"At andito lang kami laging nakasuporta sayo.", dagdag naman ni Koshino Saka lang ako nagpaalam sa kanila.

Bago ako magtungo ng ospital ay bumili Muna ako ng mga prutas at Ang paboritong cokies ni Haruko.

Masaya Kong binati Ang mga nadadaanan at nakakasalubong Kong mga tao Hanggang sa nakarating nako sa may pintuan ng kwarto ni Haruko.

Pagbukas ko bumungad sa akin Ang papalapit na mukha ni Rukawa Kay Haruko kaya agad akong tumikhim na ikinagulat nila at napalingon sa aking gawi.

"Ooohh, Sendoh. Ikaw Pala.", ani ni Rukawa na tinitigan ko lang ng masama.

Walang salita ay Lumapit Ako sa kanila at inilagay sa mesa Ang mga dala ko. Kinuha ko naman Ang cookies at umupo sa harap ni Haruko.

Inilahad ko ito Kay Haruko, pero imbis na tumingin Siya sa akin at sumiksik Siya Kay Rukawa.

Nagkatinginan kami ni Rukawa at sa pangalawang pagkakataon ay binigyan ko Siya ng matalim na tingin.

Akin lang si Haruko. --bulong ng aking isipan.

Akala ko ay tatapatan niya Ako ng matalim din na tingin bagkus ay iniwas niya agad ito at humarap Kay Haruko.

"Haruko, huwag Kang matakot.", rinig Kong sambit ni Rukawa.

"Hindi mo ba alam na Ang kaharap mo ngayon ay si Akira Sendoh, Ang boyfriend mo.", dagdag pa nito na ikinagulat ko.

"Boyfriend?", takang sagot naman ni Haruko at nilingon ako kaya tumango nalang ako.

"Boyfriend Kita? Ang gwapo mo naman para maging boyfriend ko", ngiti pa niyang Sabi.

Hindi ko alam pero ito Yung kauna unahang ngiting Nakita ko simula nang gumising Siya. Sobrang namiss ko Ang mga ngiting iyon.

"Ou, Haruko boyfriend mo ako at girlfriend Kita.", sagot ko naman.

Haruko Akagi Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon