Chapter 81

21 2 2
                                    

Haruko POV

Nang makalabas Ako ng kusina bitbit Ang mga meryenda ay napansin ko ang seryosong pag uusap nila kaya naman dahan dahan Ang paghakbang ko.

Rinig na rinig ko Ang usapan ng dalawa at Hindi ako makapaniwala. Sa sobrang gulat ko ay nabitawan ko Ang aking mga dala. Agad namang lumapit Ang dalawa sa akin.

"Okay ka lang ba?", sabay pa nilang tanong sa akin.

"Huwag ka munang humakbang baka masugatan ka.", ani pa ni Sendoh Saka niya pinulot Ang mga bubog.

"Tama ba Ang narinig ko, Kaede?", panimula Ko.

"Haruko.", tanging sagot ni Rukawa.

"Iiwan mo ako?...sasaktan mo ako?...magpa...pa..kasal ka?", pagpapatuloy ko pa.

"Magpapaliwanag ako, Haruko.", sagot naman niya.

Tumulo na aking luha at Napabuntong hininga ako.

Agad naman lumapit si Rukawa sa akin at Ako ay kanyang niyakap kaya napahagulhol tuloy ako.

"Bakit?.. anong dahilan mo?..Hindi mo na ba ako mahal?", sunod-sunod na tanong ko.

"Haruko, huminahon ka muna. Ikukwento ko lahat ng nangyari.", sagot naman nito.

Napabuntong hininga ulit Ako at hahakbang na sana nang pigilan ako ni Sendoh.

"Sabing huwag ka munang gumalaw si kinatatayuan mo at baka masugatan ka!.", sambit naman nito na medyo mataas na Ang boses.

Kaya napatingin ako sa kanya at agad ko siyang tinulungan. Pinulot ko naman Ang mga bilubog sa may Banda ko. Pinigilan niya pa Ako habang akoy nagpupumiglas.

Sa pangyayaring iyon ay naramdaman ko Ang paghapdi ng aking kamay at doon ko napansin Ang pagdurugo nito. Napatitig ako at sa bandang at biglang sumakita Ang aking ulo at doon ay bumalik lahat ng memorya ko mula sa simula Hanggang sa pagkaaksidente ko. Saka ako bigla nawalan ng Malay.

Maya-maya pay nagising na Ako pero Hindi ko Muna inimulat Ang aking mga mata. Ramdam ko na Amy nakatitig sa akin.

Inalala ko lahat ng nangyari simula sa pagkabata ko Hanggang sa nakilala ko si Rukawa, Sendoh at Ang team. Naalala ko Kung gaano ako nasaktan, umiiyak at tumawa sa mga piling nila. Inalala ko Rin Ang pagkaaksidente ko na nagdulot ng pagkawala ng aking mga memorya. Inaalala ko Rin Kung gaano ako ka clingy Kay Rukawa sa mga panahon na nasa ospital pa Ako.

Maiiyak na Ako kaya dahan dahan Kong inimulat Ang aking mga mata at sa bandang iyon ay nasilayan ko ang dalawang tao na dahilan ng aking saya, Galit at lungkot.

Rukawa POV

Nang Makita ko si Haruko na duguan Ang kamay ay agad Kong tiningnan ito .

"Okay ka lang ba, Haruko?", tanong ko pa sa kanya at bigla nalang nawalan siya ng Malay Buti na Lang at agad ko siyang naaalalayan.

Binuhat ko Siya sa salas at pinahiga. Ginamot naman ni Tita Ang kanyang sugat habang kami ay nakatitig at nakaantay lang Kay Haruko na magising.

Maya Maya pa ay napansin namin Ang pagdahan dahang paupo ni Haruko kaya agad namin siyang inalalayan.

Pabaling baling Siya ng tingin sa Amin bago magsalita.

"Anong ginagawa ninyong dalawa rito?", agad niyang tanong.

"Haruko, okay ka lang ba?", sabay naman naming tanong.

"Ano bang ginagawa niyo rito?!", Galit na tanong ni Haruko na ngayon ay nakatayo na sa harap naming dalawa ni Sendoh.

Haruko Akagi Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon