Chapter 77

28 2 2
                                    

HARUKO POV

Kasalukuyan akong Nasa Isang madilim na lugar. Ni liwanag ay Wala akong Makita. Patakbo man o paggapang Ang aking ginawa. May mga naririnig akong pag uusap Kaso hindi man lang nila ako narinig kahit na Ako ay Nagsisigaw na.

"Tulungan niyo ako! Tulong!", sigaw ko pa habang umiiyak na at humahagulhol.

"Tulong!", pag ulit ko pa.

Wala na akong nagawa Kay humiga nalang ako.

"Tulong!", pag uulit ko pa pero sa mahinang boses.

Ipinikit ko Ang aking mata at nimulat din. Nakailang ulit Ako sa ganoong saitwasyon. Nang pag mulat ko ulit ay Isang mukha ng lalaki Ang aking Nakita at tinawag niya akong Haruko.

Bigla Kong inabot sa aking kamay Ang naturang image pero bigla itong nawala. Kaya naman umulit Ako sa pagpikit-mulat ng ilang beses Hanggang sa naimulat ko Ang aking mga mata.

Liwanag ng ikaw Ang aking Nakita. Nakatitig lang Ako sa ikaw nang may biglang nagsalita.

"Anak, gising ka na.", sambit ng Isang may kaedarang babae.

Nagulat ako ng hawakan niya Ako at napabaligwas at laking gulat ko na maraming tao akong Nakita.

"Haruko!", sabay sabay nilang tawag sa akin. Pero Wala man lang ako reaksyon dahil ni Isa sa kanila ay Hindi ko Kilala.

Inilibot ko Ang aking mga tingin sa loob ng room at Isa-isa Silang tiningnan nang mapagawi Ako sa panilyar na mukha.

Napabaligwas ulit Ako nang may humawak sa aking kamay.

"Kapatid. Masaya akong nagising kana.", sambit nito na aaktong hahawak na sana sa akin. Pero iniwas ko ito at Dali Dali nagpunta sa Nakita kong image dahil ito lang Ang nakikilala ko kahit na Hindi ko alam Ang kanyang pangalan.

Nagulat Silang lahat sa inasta ko dahil sa pagkakataong iyon ay nasa likuran na Ako sa nilapitan Kong lalaki dahil Siya lamang Ang pamilyar sa akin.

"Haruko.", pagsusumamo ng Isa pang may kaedarang lalaki.

"Sino ba kayo? At nasaan ako? Hindi ko kayo Kilala.", sambit ko.

"Hindi ko sila Kilala!", pag uulit ko pa habang nakatago at nakahawak sa may laylayan ng damit ng lalaki.

Humarap Siya sa akin at pinaupo Ako sa kama pero bago iyon ay pinatabi niya Muna Ang ibang taong nandoon.

"Huwag mo akong Iwan.", wika ko nang Makita siyang maglalakad papalayo.

"Kukuha lang ako ng upuan. Okay.", malumanay niyang sagot kaya napatango nalang ako.

Pagkaupo naman niya ay agad Kong hinawakan Ang kanyang mga kamay.

"Haruko, Hindi mo ba talaga sila nakikilala?", panimula niyang tanong.

"Hindi.", sagot ko naman habang hawak hawak parin Ang kanyang kamay.

"Ako ba nakilala mo?", pagpapatuloy pa niya.

"Hindi Rin.", sagot ko naman.

"Pero bakit...?", taka niyan tanong.

"Kasi ikaw lang Yung Nakita ko. Alam mo Yung blanko Yung utak mo. Yung Wala talaga kahit kakilala..Alam mo bang ikaw lang Yung Nakita ko. Pero Hindi Kita Kilala Kay may tiwala ako sayo.", mahabang paliwanag ko.

"So ibig mong Sabihin, Haruko kahit mga magulang mo ay Hindi mo makilala?", wika pa niya at tumango lang ako.

"Bat mo ako tinatawag na Haruko? Haruko ba pangalan ko?", taka ko namang tanong Kasi kanina ko pa naririnig Ang salita na iyan.

Haruko Akagi Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon