Sendoh POV
"Huwag Kang bumitaw, Haruko!", mangiyak ngiyak Kong sambit.
"Hindi ko na kaya, Sendoh.", iyak na sabi ni Haruko.
"Haruko, huwag Kang bibitaw please!", giit Kong Sabi.
"Paalam Sendoh!", sagot naman niya Saka siya bumitaw sa pagkakahawak sa kamay ko.
"Haruko!", malakas Kong sigaw. "Haruko!", sigaw ko pa.
"Haruko!", iyak Kong sambit."Kuya?, Kuya! Kuya!", rinig Kong sambit ni Riyu sa akin Saka ako napamulat.
"Kuya, ok ka lang ba? Umiiyak ka!", sabi pa nito Saka naman niya iniabot Ang Isang bimpo at tubig.
Napasandal naman ako at pinunasan Ang aking mga hula at ininom Ang inabot ni Riyu na Isang basong tubig.
"Ok ka na ba, kuya?", tanong naman niya sa akin na tumango lang ako.
"Huwag Kang mag aalala. Ok lang ako.", giit ko namang Sabi. "Matulog ka na ulit, bro.", sambit ko pa Saka naman siya humiga ulit.
Bakit kaya ganun Ang panaginip ko?
Para bang totoo. Ano kaya ibig sabihin nun?Maraming katanungan Ang nabubuo ko habang inaalala ang panaginip na iyon. Para bang totoo Ang nangyari. Tiningnan ko pa Ang orasan.
"Alas 3 pa ng Umaga.", bulong ko sa sarili.
Medyo natagalan pa Bago ako ulit nakatulog.
Pagkagising ko naman Nakita ko si Ate na kausap si Riyu.
"Hindi ba kayo pumasok?", bati ko sa kanila Saka silang dalawa sabay na napalingon sa akin.
"Good morning, kapatid.", ngiting sambit ni ate. "Ok ka na ba? Balita ko binangungot ka raw kanina.", dagdag pa nito.
"Ou ok na ako, Ate.", sambit ko Saka tumayo at tumungo ng banyo.
"Ang Sabi ng doctor pwede ka na raw makauwi ngayon.", pahayag pa niya.
"Talaga? So, uuwi na tayo ngayon?", tanong ko naman.
"Ou Kung ok ka na pero Kung Hindi pa eh dumito ka muna.", sagot naman niya.
" Ok naman na ako ate. Malakas na ako oh.", ngiti ko naman habang pinapakitang malakas na ako. "Saka nakakasuffocate na rito.", dagdag ko pa.
"Ok. Magbabayad lang ako ng bills natin.", ikli niyang sagot Saka niya inutusan si Riyu na magligpit ng gamit namin at Nagbihis na Rin ako.
Maya Maya pa ay lumabas na kami. Ninanamnam ko muna Ang simoy ng hangin Bago ako pumasok sa loob ng sasakyan.
"Ate, cellphone ko?", panimula Kong tanong habang tahimik lang kami sa sasakyan.
"Mamaya na.", sagot naman nito.
"Dali na. Itetext ko lang si Haruko.", sambit ko naman.
"Naitext ko na kuya.", ngiting singit ni Riyu.
BINABASA MO ANG
Haruko Akagi Love Story
FanfictionAno Ang gagawin mo pag nagkagusto ka sa dalawang tao at Hindi imo inaasahan na pareho din Silang maygusto sa'yo! Sino Ang pipiliin mo? Ang Isang Kaede Rukawa na kasalukuyang Ace player ng Shohuko o Ang Isang Akira Sendo na Ace player din ng Riyonan...