Chapter 26

109 2 0
                                    

Haruko POV

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Haruko POV

"Rukawa, lagot! Malalate na ata Tayo!", bigkas ko habang nakatingin sa relo.

"Tara na!", sagot naman ni Rukawa Saka kami umalis at mabilis na naglakad Hanggang sa tumakbo na kami.

Boogsh! Nadapa ako!

"Araay!", sambit ko.

"May sugat ka!", gulat na Sabi ni Rukawa Saka tinulungan akong makatayo.

"Mauna kana Rukawa! Kailangan ka ng team. Susunod ako!", Sabi ko sa kanya.

"Ayoko. Hindi Kita pwedeng iwan!", sambit niya habang binubuksan ng tubig niyang dala Ang sugat Saka kinuha niya Ang kanyang panyo at tinali ito sa may sugat.

"Sumampa ka na sa likod ko!", sambit niya habang inilalahad Ang kanyang likod.

"Pero Rukawa!", sagot ko naman.

"Sige na!", seryoso niyang sabi Saka ako sumang ayon.

Mabilis Ang lakad ni Rukawa habang nag iingat parin.

"Higpitan mo Ang kapit baka malaglag ka!", Sabi niya pa.

"Ou!", sagot ko Saka hinigpitan ang pagpulot sa kanya.

"Hindi ba ako mabigat?", nag aalala Kong tanong.

"Hindi naman. Kaya naman Kita!", sagot pa niya.

"Pwede mo naman Kasi akong iwan!", giit ko pa.

"Hindi Kita iiwan kahit kailan! Tandaan mo yan, Haruko.", seryoso niyang sagot.

"Rukawa!", tangi Kong sambit.

"Mahal Kita, Haruko. Mahal na Mahal Kita! Tandaan mo Rin yan!", dagdag pa niya.

Third Person POV

"Magsisimula na. Wala pa Rin ba si Rukawa at Haruko?!", seryosong sambit ni Akagi.

"Nasaan na ba Kasi tong dalawa!", Sabi naman ni Ayako na nag aalala na.

"Baka naman may nangyaring masama sa kanila!", sabat naman ni Kogure.

"Huwag naman sana!", sagot naman ni Ayako.

Nag aalala na Ang team ng Shohoku at si Sendoh dahil Hindi parin dumarating si Rukawa at Haruko.

"Sendoh, Wala pa si Rukawa!", sambit ni Ikegami Kay Sendoh na Panay Ang tingin sa pintuan.

"Wala pa Rin din si Haruko!", sabat naman ni Hikoichi.

"Hindi kaya may nangyaring masama sa dalawa!", singit naman ni Koshino.

"Wala walang mangyayaring masama Kay Haruko. Kasama niya si Rukawa Hindi niya yun pababayaan.", giit na Sabi ni Sendoh habang nakatingin parin sa may pintuan.

"Nasaan na ba kayong dalawa!", bulong pa nito.

Habang papasok na sa school ng Ryonan Sina Rukawa at Haruko. Pinagtitinginan naman sila ng mga taong papasok Rin para manuod ng laro.

Haruko Akagi Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon