Sendoh POV
"Uwian na Sendoh!", sigaw ni Hikoichi.
"Ou! Mauna na ako sa inyo!", sagot ko naman habang tumatakbo palabas ng school.
Excited na akong Makita ka, Haruko!
Ilang sandali pa ay nakarating na ako sa labas ng gate ng Shohoku. Habang inaantay ko siya nakipagkwentuhan muna ako sa guard.
"Oi, Sendoh, andito ka ba para antayin Ang ate mo?", tanong ni Manong Guard.
"Aii Hindi po, iba po kasi Ang inaantay ko!", sagot ko naman.
"Aba, mukhang pumapag ibig ka na ah!", Sabi naman niya.
"Medyo po hehhe", tawang sagot ko naman.
"Nagtapat ka na ba?", tanong naman niya sa akin.
"Hindi pa nga po eh! Baka po ngayon!", ngiti ko namang sagot.
"Abay magtapat kana baka maunahan ka pa! Pero Teka sino ba tong babae na to?", sambit niya.
"Si Haruko Akagi po!", sagot ko.
"Ahh si Haruko ba..kilala ko yan. napakabait niyang bata tsaka magalang at marespeto pa sa nakakatanda.Maswerte ka dun hijo pag naging kayo.", Sabi naman niya.
"Hehhe sana po!", ikli Kong sagot Saka nagpaalam na Kay Manong Guard dahil isa isa nang nagsisilabasan Ang mga estudyante.
Nasaan na kaya si Haruko? bulong ko.
Nag aantay parin ako ng Makita ko Ang babaeng tumawag Kay Haruko kaninang Umaga kaya nilapitan ko siya.
"Uhmm. Miss? Diba ikaw Yung kaklase ni Haruko?", tanong ko.
"Oh! Sendoh! Ako nga yon. By the way I'm Fuji!", sagot naman niya.
"Si Haruko ba hanap mo?", dagdag pa niya.
"Ou eh. Asan ba siya?", sagot ko naman.
"Kasama ko siya kanina sa gym. Nag uusap pa ata sila ni Ayako eh. Baka palabas na rin yun. " sabi naman niya.
"Ah ok. Sige salamat Ms. Fuji. Nice meeting you.", sagot ko naman.
"Fuji nalang heheh. Nga Pala wag Kang mag aalala, sisiputin ka Rin nun hahaha!", tawang Sabi niya Saka siya umalis.
"Huh!? Paano kaya niya nalaman? Sinabihan kaya siya ni Haruko?", sambit kong nagtataka.
Bumalik ako sa pwesto ko nang Makita si Rukawa doon.
"May hinihintay Rin ba to?" Bulong ko habang Papalapit sa kanya.
"Rukawa, may inaantay ka ba?", takang tanong ko.
Napalingon si Rukawa sa akin at inirapan lang ako Saka nagsalita.
"Ou Meron! Ikaw Bat ka ba nandito?", balik niya tanong sa akin.
"Inantay ko si Haruko.", diretso Kong sagot.
"Bakit mo naman siya inaantay?", tanong niya ulit.
"Wala ka na dun!", tanging sagot ko naman.
"Si Haruko din inaantay ko!", sambit niya.
"Bakit mo naman siya aantayin?", tanong ko naman.
"Wala ka na dun", panggagaya niyang sagot.
"Niyaya mo rin ba siya?", taka Kong tanong.
"Ou", tipid niyang sagot.
"Kaya Kung ako sayo, umuwi ka na muna!", dagdag pa niya.
"Aba, Rukawa! Nauna akong nagyaya sa kanya!", seryosong sagot ko naman na hinarap siya.
"Ano ngayon Kung nauna ka! Hindi ko ba pwedeng yayain din siya?!", seryoso naman niyang sabi.
BINABASA MO ANG
Haruko Akagi Love Story
FanfictionAno Ang gagawin mo pag nagkagusto ka sa dalawang tao at Hindi imo inaasahan na pareho din Silang maygusto sa'yo! Sino Ang pipiliin mo? Ang Isang Kaede Rukawa na kasalukuyang Ace player ng Shohuko o Ang Isang Akira Sendo na Ace player din ng Riyonan...