Haruko POV
"Anak, si Akira nandito!", sigaw ni Mama.
"Pababa na po.", sagot ko naman.
Pagbaba ko ay agad Kong Nakita si Sendoh na nakatayo Kasama Ang mga magulang ko at si kuya. Nakakunot pa Ang mukha ko nang Makita siyang pormal Ang bihis.
"San Ang punta mo? Bat ganyan Ang suot mo?", taka Kong tanong.
Ngiti lang Ang sagot niya Saka niya ako pinaupo pati Rin Ang mga magulang ko.
"Ngayon nandito na kayong lahat....Tita, Tito at Akagi, andito ako sa harapan niyo ngayon upang magpaalam sa Inyo na gusto Kong ligawan ulit si Haruko....Okay lang po ba?", seryoso niyang sambit.
"Sa akin okay na okay.", nakangiting sagot ni Mama.
"Ako, walang problema sa akin...payag ako", sagot naman ni Papa.
Lahat naman kami ay nakatitig Kay kuya na walang imik at inaantay namin siyang magsalita.
"Payag naman ako.", sagot naman ni Kuya.
Napa yes si Sendoh sa sagot ni Kuya.
"Pero, depende parin Yan Kung handa na ba ulit Ang bunso namin.", dagdag pa ni Kuya.
Ngayon naman sa akin Ang tingin ng lahat.
"Haruko, papayag ka bang ligawan Kita?", seryosong bitaw ni Sendoh.
Papayag na ba ako? Minsan narin niyang hiningi Ang permiso ko pero Hindi ako makasagot noon dahil Ang alam ko ay Hindi pa ako handa. Pero ngayon? Pwede na ba?-paghihinuha ko.
"Ano na anak? Sagutin mo na Ang tanong ni Sendoh.", ani naman ni Mama.
"Ou.", tipid Kong sagot.
"Ou? As in ou?", paninigurado pa ni Sendoh.
"Yes.", sagot ko naman.
Sa tuwa niya ay nilapitan niya kaagad ako. At umupo sa harap ko.
"Thank you.", ngiti niyang pasalamat at ginantihan ko Rin siya ng ngiti.
........
Dalawang buwan na nang Simula ng pumayag akong magpaligaw Kay Sendoh, Todo Ang ibinigay niyang effort. Lagi Rin niya akong idinidate sa labas.
Isang Araw, niyaya niya akong Kumain. Pagkatapos naming Kumain ay nagpunta Muna Kami sa Isang beach. Agad naman napansin nang mga tao especially mga babae Ang Kasama ko. Hindi pa kami nakaupo ay agad namang may lumapit sa kanya at gustong magpapicture.
Sa kabaitan ng Kasama ko ay agad itong tumango na walang pahintulot sa akin kaya naman Ang mga babae na naroroon ay nagkakandarapa na sa paglapit sa kanya.
Sa katunayan naitulak ako ng Isang babae na muntikan na akong masubsob sa buhangin dahil Nagsisiksikan na sa pwesto namin kaya Ang ginawa ko ay nagpakalayo layo ako.
Habang busy Ang asking Kasama ay naisipan ko namang maglakad lakad sa may dalampasigan. Tinanggal ko Muna Ang aking mga tsinelas Saka nagsimulang maglakad sa may tubig. Sobrang napakarefreshing ng ginagawa ko.
"Galit ka ba?", mahinhing Tanong ng sumusunod sa akin.
Tumalikod ako sa kanya at agad na ngumiti. "Hindi", sagot ko naman.
"Pasensiya ka na..", hinging paumangin niya.
"No, its okay. Okay lang naman. Tsaka Hindi naman Kita masisi kung ganyan ka ka popular diba. Gwapo ka na nga magaling kapa maglaro ng basketball kaya maraming babaeng nagkakandarapa Sayo.", mahaba Kong litaniya.
BINABASA MO ANG
Haruko Akagi Love Story
Fiksi PenggemarAno Ang gagawin mo pag nagkagusto ka sa dalawang tao at Hindi imo inaasahan na pareho din Silang maygusto sa'yo! Sino Ang pipiliin mo? Ang Isang Kaede Rukawa na kasalukuyang Ace player ng Shohuko o Ang Isang Akira Sendo na Ace player din ng Riyonan...