Chapter 27

120 1 1
                                    

Haruko POV

Kagigising ko lang at tiningnan Ang relo. Mag aalas sais na ng Gabi.

"Haruko!", sambit ni Mama Saka ko binuksan Ang pintuan.

"Ma, bakit po?", tanong ko naman.

"Si Ayako nasa baba! Bumaba ka muna.", sagot niya.

"Oh, Haruko bat di kapa Nakabihis!", sambit ni Ayako nang akoy nakababa at Nakita niyang nakapambahay lang ako.

"Saan ba Ang punta niyo?", singit naman na tanong ni Mama.

"May pupuntahan po kasi kaming celebration ball po tita!", sagot naman ni Ayako.

"Magbihis ka na dun, anak! Pinuntahan ka pa talaga ni Ayako rito.", Sabi naman ni Mama sa akin.

"Magbihis ka na! Aantayin ka namin.", sambit naman ni Kuya na Nakabihis narin.

Ayoko talagang magpunta. Masakit pa talaga Yung sugat ko. Pero Wala naman din akong magawa nag aantay si Ayako. Ayaw din niya na magpunta Kung Hindi Rin lang ako sasama kaya napilitan akong magbihis.

"Sige bihis lang ako saglit!", Sabi ko pa.

"Ano bang isusuot ko?" bulong ko habang namimili na ng susuotin.

"Sobrang haba naman nito tsaka sobrang iksi naman nito!", sambit ko naman habang naguguluhan.

"Bilisan mo jaan, Haruko!", sigaw ni Mama kaya napataranta ako ng susuotin.

Inayos ko muna Ang aking buhok tsaka naglagay din ng konting lipstick.

"Ayan, Perfect!", sambit ko habang natapos Ang pag aayos Saka lang ako bumaba.

"Wow, Ang Ganda naman!", sambit ni Ayako na sobra Ang titig.

"Baka matunaw ako!", biro Kong Sabi Kay Ayako.

"Ang Ganda mo Kasi!hehhe", tawa naman niyang sagot.

"Tara na!", singit ni Kuya Saka kami nagpaalam Kay mama at umalis na Rin.

Puro kami kwentuhan sa loob ng sasakyan ni Ayako habang si Kuya naman ay tahimik lang na nakikinig. Napatahimik lang kami dahil Ang bongga ng pailaw sa labas convention hall.

"Wow! Pinaghandaan talaga! May pa red carpet pa!", manghang sambit ni Ayako nang makarating kami sa convention hall ng Ryonan.

"Teka, Haruko, samahan mo muna ako banyo!", bulong ni Ayako sa akin dahil ihing hi na ito.

"Mauna kana muna sa loob kuya, sasamahan ko lang si Ayako na magbanyo.", Sabi ko naman Kay kuya Saka kami naglakad.

Third Person POV

Pumasok na sa loob si Akagi, Nakita naman niya kaagad Ang team Saka lumapit Doon.

"Hindi mo Kasama si Haruko?", tanong agad ni Rukawa.

Haruko Akagi Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon