Chapter 56

40 3 1
                                    

Haruko POV

Naalimpungatan ako sa pag tunog ng cellphone ko agad ko itong sinagot Kahit Hindi ko alam Kung sino Ang tumatawag.

"Hello", pagbati ko.

"Hi, Haruko! Kamusta ka na?", sambit ng kabilang linya.

"Ate Ayako?", tanong ko naman dahil ka Boses nito Ang tumatawag.

"Mismo! Kagigising mo lang ba? Bumangon ka na! At pupunta Tayo sa Bahay nila Maki ngayon! ", masiglang sambit ni Ate Ayako.

"Ano pong Meron?", pagtatakang tanong.

"Kaarawan ngayon ni Maki. Ano ka ba. Hindi ba sinabi Sayo ng kuya mo? Inimbitahan niya tayong lahat.", sagot naman ni Ate.

"Wala kasing nabanggit si Kuya kanina.", sagot ko naman.

"Ah siya sige, mag ayos ka na diyan. Susunduin Kita mamayang hapon, huh!", Wika pa nito. Tumango lang ako Atsaka nagpaalam.

Tumayo na ako at nag ayos Saka bumaba para makapag almusal dahil late na ako ng gising Hindi man lang ako nakasabay ng breakfast Kila mama. Ang pinagtataka ko eh Hindi man lang nila ako ginising.

Pagbaba ko ay Nakita ko kaagad sa Salas Ang aking magulang liban Kay kuya na ipinagtaka ko Kung nasaan.

"Ma, bat di niyo ako ginising?! At asan si kuya?", sunod sunod Kong tanong.

"Hindi ka na namin ginising pa dahil medyo mahimbing Ang tulog mo.", sagot naman ni Mama.

"Atsaka baka Hindi na madagdagan pa Ang height mo pag naputol iyang tulog mo.", pagbibiro pa ni Papa.

"Papa! ", tanging naisagot ko Kay Papa.

"Ang kuya mo ay umalis saglit at may bibilhin daw.", singit naman ni Mama.
"Kumain ka na at may nakahanda na sa hapag kainan.", dagdag pa nito.

Maya Maya pa ay nagpaalam ako sa mga magulang ko na lalabas Muna ako at bibili ng regalo para Kay Maki sinabihan ko Rin sila na may selebrasyon sa Bahay nito at agad naman silang pumayag na lumabas ako at mahigpit pang ibinagbilin na mag iingat daw ako.

Papalabas na ako ng Bahay ng awatin ako ni Mama.

"Ma, Bakit? Akala ko ba pumayag na kayo?", pagtataka Kong tanong.

"Eh Kasi anak, nag aalala lang ako. Baka mapaano ka..Antayin mo nalang Ang makakasama mo.", sagot naman nito.

"Ma, Okay lang ako. Mag iingat po ako. ", diin Kong sagot. "Tsaka sinong makakasama ko?", dagdag ko pa.

"Tinawagan lang namin si Sendoh, anak para may makasama Kang mamili.", sigaw naman ni Papa.

"Ho? Pero bakit pa po. Kaya ko naman. Tsaka po baka maabala niyo pa po Yung tao.", sagot ko naman.

Magsasalita na sana si Mama nang may kumatok.

"Ayan na Pala kasamo mo eh. Ang bilis niya.", kinikilig na sambit ni Mama.

"Ma, Akala ko ba Kay Rukawa Ang boto niyo.", pag aawat ko sa kilig nito.

"Ou noon, eh Wala Kasi siya ngayon anak. Atsaka Hindi sigurado Ang relation niyo. Nasa malayo siya, Hindi natin alam Kung anong pinagagawa niya doon. Mas mabuti pa rito sa malapit eh nababantay ka nang maigi.", mahabang litaniya ni Mama na walang pakialam Kung narinig pa ito ni Sendoh.

"Oh Sendoh, salamat sa pagpayag mo ha. Tsaka alagaan mo Ang anak namin. Huwag mong ipapahamak.", sambit ni Mama Kay Sendoh.

"May tiwala kami Sayo!", sigaw pa ni Papa na nakadungaw sa may pintuan.

"Opo, Tita, Tito Babantayan ko po at iingatan si Haruko.", ngiting sagot naman ni Sendoh.

"Tara na, huwag Kang magpapaniwala Kay Mama at Papa.", sambit ko nalang habang hinihila si Sendoh papalayo.

Haruko Akagi Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon