Chapter 54

52 7 1
                                    

Rukawa POV

Ang Buhay sa America ay iBang iba sa nakagisnan ko. Wala silang pakialam dito pero may iba naman na sobrang friendly na medyo nakakairita na. Napapansin din ako sa school namin dahil sa katangkaran ko at sa gwapo Kong mukha. May iba nga na nagpaparamdam pero Hindi ko binigyan nang pansin dahil may Haruko na ako.

Kasalukuyan akong nakatanaw sa mga naglalaro sa gym. Nakatanaw- Kasi Hindi pa ako sumali.

Habang seryoso akong nanunuod sa laro, Biglang may tumabi sa akin.

"Hi.", sambit niya.

Tiningnan ko lang siya saglit baka Isa Rin ito sa mga nagpapansin sa akin. Saka bumalik Ang tingin sa mga naglalaro.

"Alam mo bang yang nagdadala ng bola ngayon ay Ang pinakamagaling na manlalaro Dito sa school natin.",panimula niya.  "Masipag din yan, ubod ng bait at habulin din ng mga babae kagaya mo.", dagdag pa niya na ikinalingon ko.

Nabigla ako nang magtama Ang aming mga mata. "Yun oh, lumingon ka rin. By the way, I'm Haiko.", ngiti nitong sambit at inilahad Ang kanyang kamay.

Nakakatitig lang ako sa kanya.

"Haiko." mahina Kong sambit habang nakangiti dahil medyo magkatunog lang sa pangalan ng girlfriend ko.

"Oh...pangiti ngiti ka dyan. Nangangawit na ako.", sabi niya.

"Ahm..I'm Kaede.", sagot ko at nakipagkamay sa kanya.

"Bakit ka Pala nakangiti kanina?", tanong niya.

"Napansin mo Pala Yun.", sagot ko naman.

"Ou naman matalas ata tong mata ko Noh. Bakit ka nga nakangiti kanina? Nagagandahan ka ba sa akin, hahhaha...", tawang sambit naman nito.

"Mas maganda pa girlfriend ko Sayo.", sagot ko naman.

"Ouch, may girlfriend ka na Pala?", paninigurado niya.

"Ou, Hindi ba halata?", sagot ko naman.

"Hmmm...Hindi masyado eh....ano Pala name niya?", tanong ulit niya.

"Haruko.", sagot ko naman.

"Haruko? Ha.ru.ko?..Haruko." paulit ulit niyang sambit. "Kaya Pala napangiti ka kanina dahil medyo may kahawig sa pangalan ko. Hmmp.", dagdag pa niya.

"Kaya Kung ako Sayo. Huwag mo nang ituloy Ang binabalak mo. Masasaktan ka lang dahil may nagmamay Ari na ng puso ko.", seryosong sambit ko.

"Hahahaha. Wala naman akong balak Sayo eh...pero sa nakablondeng iyon Ang mga tipo ko.", sagot niya habang tinituro Ang nakaupong lalaking may blonde Ang buhok.

Nagsimula na siyang magkuwento ng mahaba habang ako ay nakikinig lang sa kanya.

Medyo magaan siyang Kasama dahil sobrang daldal nito at marami akong nalalaman patungkol sa team na Meron Ang school nato.

Ang daldal naman ng babaeng ito. Hindi nauubusan ng kwento.

"Hindi ka ba naglalaro ng basketball?", biglang tanong nito.

"Naglalaro naman ako. Ako nga Ang Ace player sa amin eh.", pagmamayabang ko.

"Talaga? Eh di sumali ka sa team. Tara akong bahala sa yo.", sagot naman nito Saka sumigaw , "Hey captain! I have something for you.". sigaw nito at hinila ako papunta sa team.

"Ano na naman ba Yan?", sagot ng kinikilalang captain nila.

"This is Kaede and he is my friend. Gusto ko siyang ipasok sa team natin. Kargo ko siya kaya please.", sambit ni Haiko.

Haruko Akagi Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon