Chapter 39

64 1 0
                                    

Third Person POV

"Ano bang sadya niyo rito?", tanong ni Haruko habang umiinom ng ice tea.

"Andito kami dahil mag uupdate sana sa outing bukas. Tsaka may inihanda na kaming mga pagkain para bukas!", sagot naman ni Fujima.

"Excited?", sabi naman ni Rukawa.

"Hehehe. Medyo.", tipid naman na sagot ni Fujima.

"Mukhang Hindi kami makakasama ni Kuya sa inyo!", sambit naman ni Haruko na ipinagtaka ng lahat.

"Bakit naman?", tanong naman ni Jin.

"Dadalaw Kasi kami Kay Lola bukas eh. Ayaw ni Papa na wala kami sa kaarawan niya.", sagot naman ni Haruko.

"Ahh ganun ba.", malungkot na Sabi naman ni Sendoh.

"Kaya ok lang naman na ipatuloy niyo Yung outing kahit Wala kami ni Kuya or sumama nalang kayo sa Amin total may beach naman Kasi Doon.", sambit naman ni Haruko.

"Aba ok ako diyan!", sabat ni Riyu.

"Eh? Di ka naman kasali sa group of friends!", Sabi naman ni Kiyota.

"Group of friends? Ano yun?", takang tanong naman ni Riyu.

"Basta mahirap I explain!", sagot naman ni Kiyota.

"Wag ka ng sumama boy! Dagdag alalahanin ka pa ni Sendoh!", singit naman ni Sakuragi Saka binalingan ni Riyu si Akira.

"Kuya, pwede ba akong sumama. Mabobored lang ako sa Bahay sa weekend eh.", sambit ni Riyu.

"Pwede naman Kaso may kapalit.", ngising sagot ni Sendoh.

"Ano yun?", tanong naman ng kanyang kapatid.

"Una, sasabihin mo sa akin Kung anong pinagagawa ni Haruko! I uupdate mo ako lagi. ", Sabi niya na ikinagulat naman ni Haruko.

"I update mo Rin ako.", sabat naman ni Rukawa.

"Pati kay Rukawa? Kuya?", tanong naman niya.

"Ou.", tipid na sagot ni Sendoh habang  sinisiko ito ni Rukawa.

"Ano ba yang ginagawa mo, Sendoh! Nag aaral yang kapatid mo. Pag bumagsak yan!!", biglang sambit ni Haruko.

"Gagawin mong security guard ni Haruko itong mokong nato?", tanong naman ni Sakuragi.

"Hindi naman sa ganun Sakuragi. Kailangan niya pading pagbutihan ang pag aaral." sagot naman ni Sendoh.

"Yung pangalawa?", tanong naman ni Riyu.

"Pangalawa, bawal mo siyang ibigin. Bawal mo siyang mahalin!", sagot naman ni Sendoh.

"Ha?Pero...", putol niyang sabi.

"Bawal mo Rin siyang hawakan!", singit naman ni Rukawa na sinang ayunan ni Sendoh.

"Tama, bawal mo siyang hawakan!", sabat din ni Jin.

"Kung gusto mong sumama, sundin mo Ang mga iyon!", sambit naman ni Fujima.

"Ok! Anong oras bukas!", ngising sagot naman ni Riyu. Habang si Haruko ay tumayo na at nagpaalam sa kanila.

"Sige na guys balik na muna ako ng room.", pagpapaalam ni Haruko sa kanila.

"Hatid na Kita!", sabay sabay na Sabi Nina Rukawa, Sendoh, Jin at Fujima.

"Sabay sabay pa kayo diyan. Ako na Ang maghahatid Kay Haruko!", ngising sabat ni Riyu.

"Ano? Bakit ikaw?", inis na sambit naman ni Sakuragi Saka siya nilingon ni Haruko.

Haruko Akagi Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon