Chapter 73

29 0 0
                                    

RUKAWA POV

Maaga akong umalis ng Bahay upang magtungo ng gym. Hindi ako nakabisikleta ngayon dahil gusto Kong namnamin Ang preskong hangin.

Hindi pa ako nakakalayo sa Bahay ay napansin ko ang Isang babaeng kakahinto lang at umiinom ng tubig.

Nakangiti ako habang tinitigan Siya at Hindi ko namalayan na Ang mga para ko ay kusa na lang maglakad patungo sa kanya.

"Haruko?", mahinang sambit ko.

"Hmmm?", sagot niya habang papalingon sa akin.

---bwaaaagggghh---

Dahil sa gulat niya ay bigla niya akong nabugahan ng tubig. Galing pa talaga sa kanyang bibig.

Agad naman niya akong pinunasan at paulit ulit na humingi ng sorry.

"Sorry...sorry...sorry talaga. Hindi ko sinasadya. ", wika niya habang pinunasan Ang aking mukha.

"Ok lang.", ngiti ko namang sagot.

Sa pagkakataon iyon, ninanamnam ko  Ang Amoy ni Haruko kahit na Siya ay pawisan. Ganon parin Ang kanyang Amoy.

"Ikaw naman Kasi...nangugulat ka! Kaya Ayan nabugahan tuloy kita ng tubig. Sorry.!", ani pa niya.

"Ok lang talaga ako, Haruko.", sagot ko naman at bigla Kong hinawakan Ang kanyang kamay.

Nagkatitigan lang kami dalawa. Napatuon Ang aking mga mata sa kanyang mapupulang labi na lagi Kong inaasam-asam. Gusto ko siyang yakapin ng mahigpit.

"I miss you!", bigla Kong sambit habang mahigpit Kong hawak Ang kanyang mga kamay.

"Namiss din Kita.", mahina niyang sagot na rinig na rinig ko naman.

Hindi ko akalain na iyon Ang naging sagot niya. Nakita ko pang nagblush Siya kaya bigla niyang binawi Ang kanyang kamay.

"Ay! Hindi Pala Kita namimiss!", Ani pa niya.

"Narinig Kita, Haruko.", sagot ko naman.

"Hindi nga! Mali Ang pagkarinig mo!", sagot naman niya.

Agad ko namang hinawakan Ang kanyang braso.

"Hindi ako bingi, Haruko at sigurado ako sa narinig ko kaya huwag mo ng ipagkaila pa.", diin Kong Sabi.

Nagulat ako nang biglang tumulo Ang kanyang mga luha nang Siya ay humarap sa akin.

HARUKO POV

Ou namimiss Kita, Rukawa pero nasaktan mo rin ako at Masaya na ako ngayon na Kasama si Sendoh. --iyan Ang gusto Kong isambit Kay Rukawa pero Hindi ko masabi.

Bigla nalang tumulo Ang aking luha nang ako ay humarap sa kanya.

"Rukawa.", tangi Kong nasabi.

"Haruko, ba't ka umiiyak?.", mahinang tanong niya.

Ayokong Makita niya akong umiiyak sa harap niya at ayokong Makita niya na mahina ako kapag kaharap ko Siya.

Bigla Kong winakli Ang kanyang kamay at kumaripas ng takbo. Narinig ko pang tinatawag niya ako.

Sa pag takbo ko ay Hindi ko napansin Ang mga dinadaanan ko nang biglang ---plaaaak--...nadapa ako.

Napaupo ako at napatingin sa aking mga Binti na nagkasugat sugat.

"Ok ka lang ba?!!", agad na narinig Kong sambit ni Rukawa. At agad niyang tiningnan Ang aking sugat.

"Ba't ba Kasi bigla ka na lang tumakbo! Hindi mo man lang tiningnan Ang iyong dinadaanan!", panenermon pa niya.

Haruko Akagi Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon